Matthew POV's
"Ilang days na tayo dito sa Greece still di pa din natin mahanap si Carl Emmanuel"asik ni Julian
We stay here in hotel malapit sa kalaban para mas mabantayan ang kilos ni Gemrald na nandito na din sa Greece for the Auction of wine na yearly ginagawa ng mga Mafia Family sa buong mundo.
"Carl is not a Mafia"wika ulit ni Julian
"Yes he is not.. But he is the Highest Rank Assasin in the whole world"sabi naman ni David mas umigting ang panga ko...
Magaling magtago ng identity si Carl at hindi ko inaasahan yon sa kabila ng katauhan nya na ganon may malaki pala syang sikreto na walang sino man ang nanaisin malaman
"Alam kaya ni Cherie na Assasin ang pinsan nya?"wala sa sariling tanong ni David
"Siguro?"sabi naman ni Thomas
Inopen ko nalang muna ang laptop ko at tumingin kung may mga mahalagang email pero isang email ang naka agaw ng pansin ko...
"Cherie is on her way here"sabi ko kaya nagtinginan sila sakin
"What?! sino ang nagbabantay kay Haiven sa Hospital?"agad na singhal ni Julian nagkibit balikat lang ako
"Yan lang ang sabi dito sa email na sinend ng isa sa mga nagbabantay sa airport"sabi ko
I hired secret agent para mag matyag sa mga dumarating ay umaalis sa bansa.
Ding dong
"Mukhang andyan na sya"sabi ko
"Ako na ang magbubukas"sabi naman ni Julian at lumapit agad sa pinto
"HAIVEN??!!"sigaw ni Julian
Lahat kami napatayo at naglapitan sa may pinto
She's smiling brightly...
That smile na tila walang nangyari...
"Nakakapagod pala ang byahe noh pwede na ba kami pumasok?"tanong ni Haiven kusa kaming gumilid para papasukin silang dalawa
"Buti nalang at ayos kana"sabi ko at tumingin sakanya
"Oo naman okay na okay"sabi nya at muling ngumiti
"Ilan ang bedroom neto?"tanong naman ni Cherie na animo'y puyat na puyat
"Anyare sa mata mo Cherie?Para kang bangag ng isang buwan"natatawang sabi ni David kaya sinamaan sya ng tingin nito tsaka nagtungong kusina
"Ako David ay pagod kaya lubayan mo ako!"singhal ni Cherie
"Pasensyahan nyo na si Cherie may dalaw lang yon hehe"sabi ni Haiven
"Haiven pumuntaa ka ditoo!"sigaw ni Cherie kaya karipas ang lakad ni Haiven kay Cherie
"Ang weird nila"sabi naman ni Thomas lahat kami napatango...
Cherie POV's
Badtrip Badtrip!!!
Ilang araw din akong walang tulog dahil sa pasabog ni Haiven grabeeeee
Andito kami ngayon sa kabilang kwarto dito sa VIP Room ng hotel masikip na dun kila Matthew tsaka andun si Thomas at David ayoko muna makita mga mukha nila.
"Cherie gala naman tayo oh bilis na!"pangungulit ni Haiven
"Angel ka diba kaya mong magteleport kahit saan"sabi ko naman kaya napanguso sya
"Eh hanggang Pilipinas lang ang power namin noh"sabi nya pa kaya natawa naman ako
"Sige na magbihis kana nga as if naman na matiis ko pangungulit mo" sabi ko
"Yeheeeeyyy!! isama natin sila Julian"sabi naman ni Haiven tumango nalang ako at nagpunta sa kwarto para magbihis na din.
*************************************
"Saan kayo gagala?"seryosong tanong ni Matthew napalunok ako bigla saan nga ba? HAHAHAHA diko din alam
Mukhang nakuha agad nila yung pananahimik ko
"Igagala namin kayo"sabi naman ni Julian
"May trabaho pa tayo"sabi naman ni Thomas
"Wow dre coming from you? eh nakatunganga ka nga lang dyan"pang aasar ni David kaya nabato tuloy tong si David ng remote buti nga!
"Intayin nyo kami sa baba wag kayo aalis agad dun hanggat di kami dumadating"sabi ni Matthew kaya nagtanguan naman kami at agad lumabas na tila mapupunit na ang labi sa lawak ng ngiti.
"Excited nako mag gala dito sa Greece"sabi ni Haiven at inililibot ang paningin sa paligid
Napangiti naman ako at muli ko na naman naalala ang pagligtas nya samin dahilan kung bakit sya naparusahan at ibinagsak dito sa lupa
"Haiven until now diko pa din alam kung paano ka makakabalik sa langit?May mission kaba?"tanong ko kaya napatingin sya sakin ng seryoso
"Kelangan may magmahal sakin ng totoo na handang ialay kahit buhay nya ang kapalit"sabi nya at napayuko
"Buhay ang kapalit?"pag uulit ko sa sinabi nya tumango naman sya
"Oo yun kasi ang sabi sakin ni San Pedro kapalit ng hindi ko pagsunod na dapat ay kunin kayo nung araw na yon ang kaparusahan ko ay ibagsak ako dito sa lupa pero diko alam na nakatadhana tayong magkita ulit"sabi nya naman
"Alam mo Haiven naiisip ko kung paano kung may taong magmahal sayo kahit buhay pa nya ang kapalit it means tagumpay ka sa mission mo at babalik kana sa langit?"sabi ko may kung anong kirot sakin ng maisip ko yun
"Kelangan kong makabalik sa langit kunde mamatay ako dito sa lupa"sabi nya kaya napakunot noo ako
"Lahat naman ng tao mamamatay ah" sabi ko pero napa iling sya
"Ang ibig kong sabihin pag walang nagmahal sakin bago ang Eclipse mamatay ako at di na makakabalik sa langit at tuluyan na akong hindi mag eexist"sabi nya at yumuko
"Kung ganon kelangan mong mahanap ang taong yon"sabi ko agad na pumasok si Carl sa isip ko maaari kaya yon?Pero knowing him he is scared to death.
"Cherie wag mo sasabihin sakanila huh pag merong nakaalam na angel ako at makita nila ang Angel mark ko dito manganganib ako at mababalewala ang lahat lalo na at unti unting bumabalik ang powers ko"sabi nya at bumuntong hininga
"Pero nalaman kong Angel ka"wika ko at bumuntong hininga ka
"Mabuti kang tao at kusa kong sinabk sayo yon kaya di ako mapapahamak pero once na may masamang tao na naka alam nito dun akk pwede mapahamak kaya hanggat maaari tayo nalang muna ang makaka alam nun"sabi nya
Agad ko syang niyakap
"Andito lang ako Haiven di kita papabayaan magtutulungan tayo para makabalik ka kahit labag sakin na di ko na ikaw makakasama"sabi ko at tumulo ang luha ko mabilis ko din yong pinunasan.
"Cherie wag naman tayo mag iyakan dito oh dapat maging masaya tayo sa araw na to"sabi ni Haiven kaya humiwalay ako ng yakap at tumango sakanya
Ilang minuto ang lumipas andyan na din sila nadako agad ang tingin ko kay Thomas na sobrang gwapo sa porma nya shyeeetttt
Lahat sila ang gagwapo halos lahat ng kababaihan dito ay nagsipaglingunan sakanila
"Tara na tumatakbo ang oras" sabi ni Matthew kaya agad kong hinila si Haiven na halos matulala na.
"Cherie para silang Anghel no para silang Si David,Julian at Thomas ng lupa version at dinagdagan pa ni Matthew"sabi ni Haiven kaya natawa ako bigla
Kaya pala pang out of the world to mag isip hahahaha
"Sabi nila may Night Market daw dito at magaganda ang mga binebenta"sabi ni David
"Punta tayo don!"sabi naman ni Haiven
"Tumawag si Welson bukas ng gabi ang Auction at kelangan andun tayong lahat"sabi ni Matthew kaya nagpantig ang tenga ko malamang andun sila Daddy
"Masquarade ang theme"dagdag nya pa
"Paano sila Haiven?"tanong naman ni Thomas
"We have no choice kelangan natin sila isama lalo na at target nila si Haiven hindi ba?" sabi naman ni David
"Pero Haiven is not well trained nasa rules don na Only Mafia Family allowed at alam natin na lahat ng Mafia mapa babae o lalaki ay kelangan marunong sa combat"sabi ni Julian
"Cherie is also not a Mafia"sabi naman ni Thomas
"Hindi pa ako Mafia dahil ayoko pero my Dad is one of them already pero he trained me so i can handle myself"sabi ko kaya napakunot noo sila sakin
"Pareho kayo ng pinsan mo malupit mag sikreto" sabi ni Thomas kaya ngumisi lang ako at inirapan sya
"So paano si Haiven"tanong ko
"Wag nyo nako intindihin guys kaya ko naman sarili ko may alam din naman ako sa combat naglaro kami ni Cherie ng tekken kaya panalo ako lagi"sabi naman ni Haiven kaya diko maiwasang matawa letse hahahha
"Video game lang yun at eto ay actual"sabi ni Matthew kaya napanguso si Haiven
"May part kasi ng party na yon na mamimili sila ng random na babae para lumaban sa mga palaro nila"sabi ni Julian
"Talaga!May pa games?!yey sana may trip to Jerusalem o kaya bring me champion kaya ako lagi samin non"natutuwang kwento ni Haiven letse diko talaga mapigilang tumawa hahaha
"Be serious"seryosong sabi ni Matthew
"Seryoso naman ang sinasabi ko eh"asik ni Haiven
"Kelangan ni Haiven ma trained kaso sa lagay ni Haiven mahihirapan tayo plus kulang na tayo sa oras"sabi ni Matthew okay medyo hard yon hahaha
"May plano na ako kaibigan ko ang mag cacater sa party so alam ko na ang dapat gawin"sabi ni David
"So mamaya na natin problemahin lahat mag enjoy nalang muna tayo"sabi ko kaya nag tanguan naman sila
Una kaming pumunta sa isang Resto don para kumain sa una ayaw ni Haiven dahil gusto nya mag Mcdo -__-
Pero ni choice dahil wala nun dito.
"Bakit ganito ang pagkain kulay green ang kanin"pagmamaktol ni Haiven pero di nalang namin sya pinansin
"Le couex Amore"biglang sabi ni David
"Classy ang pangalan ng resto na to"sabi ni Thomas
"Para kasing may mali sa paligid"sabi ni David kaya napahinto kami sa pagkain namin
"Julian gusto ko na umuwi medyo... nahihilo a-ako"wika ni Haiven at biglang bumagsak sa kinauupuan nya
"Haiveenn!!!"sigaw ko kaya agad naman kaming kumilos na umalis don binuhat naman sya ni Matthew at agad namin nyang dinala sa Kotse
"Kumain naba si Haiven ng pagkain?"tanong ni David
"Hindi pa dahil panay ang tingin nya sa paligid"sabi ko naman
Nang maka upo na kami sa kotse at medyo lumayo na don nakarinig nalang kami ng pagsabog sa lugar kung saan kami nanggaling.
BOOGGGSSHHHH
"Ay panty ni Cherie nahulog!!!"Sigaw ni Haiven at napabalikwas ng bangon kaso epic dahil tumayo sya kaya ayon untog sya eh HAHHA
Pero teka?ano panty ko nahulog?
"Hoy Haiven anong nahulog ahh!!!"singhal ko
"Peace na tayo Cherie, okay naba?Wala naba sila?"agad na tanong ni Haiven pero napakunot noo lang kami
"Anong ibig mong sabihin?"tanong naman ni Thomas
"Kanina kasi may mga nakatingin satin madami sila tapos may lalaking may hawak na bag at narinig ko na may tunog yon tapos..."pagsasalita ni Haiven
Agad na sumuntok sa gilid si David
"Sabi na eh may mali!"sigaw nya pa
"So hindi talaga masama ang pakiramdam mo?"tanong ni Julian
Agad na umiling si Haiven at tumawa
"Wahahaha galing ko umacting noh!Pag bigla kasi tayong umalis don syempre makakahalata sila baka bigla tayong harangin tulad ng sabi ko madami sila at di tayo handa kaya nag acting nalang ako"sabi ni Haiven at ngumuso
"San mo naman nalaman ang ganyang teknik ha"tanong ko diko maiwasang humanga nailigtas na naman nya kami.
"Sa drama malamang"sabi nya pa
"Salamat Haiven"sabi ni Julian at tinap ang ulo nya
"Si Carl"nawala ang emosyon sa mukha ni Haiven ng banggitin nya si Carl
"Bakit anong meron kay Carl? Nakita mo din sya don?"tanong ni Thomas pero umiling lang sya
"Si Carl kasi mahilig syang mag tap ng ulo ko at guluhin ang buhok ko"bigla kaming napatahimik she missed Carl napangiti naman ako
"Dont worry Haiven makikita din natin si Carl"sabi ko naman
Letse kang Carl Emmanuel ka san kaba nag susuot! Makokonyatam talaga kita ng hard!
Haiven POV's
Nakaka inis di tuloy natuloy yung gala namin dahil sa mga bad guy na yon!
Umuwi nalang tuloy kami sa Hotel hayss...
"Haiven"tawag sakin ni Julian andito kasi ako sa terrace nagmumuni muni charot!haha
"Ikaw pala Julian may kelangan ka?"nakangiting tanong ko sakanya umiling naman sya hmp.
"Wala lang gusto lang kita kausap"sabi nya at tumabi sakin sa pagkakatayo dito
"Masaya ako dahil ayos kana"dugtong nya pa
"Salamat Julian"sabi ko naman at tumingin sa langit
"Para ka talagang Angel in disguise" sabi nya
"Eh?bat naman?"tanong ko
"Basta diko mapaliwanag i know ilang buwan palang tayo magkakilala ewan ko kung yung iniisip ko eh tugma sa nararamdaman ko"sabi nya napalunok ako ng bahagya....
Eto na ba?May magmamahal ba sakin ng totoo?
"A-anong ibig mong sabihin?"tanong ko
"Iniisip ko kasi kung gusto ba kita as a person o gusto kita dahil gusto kita?"sabi nya at mahinang tumawa
"Hehe" so ayon nakitawa nalang ako
"Weird man pero gusto kong sabihin agad yun sayo and i think im sure of this..."sabi nya at hinawakan ang pisngi ko...
>_________
Hala anong gagawin nyaaa waaaaaaaaahhhhhhh
"I think im falling for you"sabi nya
Omaygaaaaadddddd
Pero bakit hindi bumibilis ang t***k ng puso ko???
Sa kabila ng mga sinasabi nya sakin?Bakit parang wala lang?Ibig sabihin ba nito eh wala akong nararamdaman para sakanya?
"J-julian sandali para kasing ambilis"sabi ko at napayuko
"I know pero gusto ko yon sabihin sayo"sabi nya pa
"Haiven!!!Tara na sa kwarto anong oras na oh"biglang sulpot ni Cherie
Saved!!!!
"Sige Julian byee"sabi ko at agad na umalis don.
"Bat parang namumutla ka?"tanong ni Cherie umiling lang ako
"Wala nasobrahan lang ata ako sa hangin hehe"sabi ko.
KINABUKASAN.....
Maaga akong bumangon dahil di naman ako nakatulog ng maayos pilit akong ginugulo ng mga sinabi ni Julian sakin
Diba sabi ni Julian gusto nya ako?
What if gustuhin ko din sya?Para maging isa ang nararamdaman namin? Kaso willing ba syang ialay ang buhay nya?
Waaahh sakiiit ng ulo kooo!!!
"Haiven tara na mag almusal mag reready pa tayo para sa party mamaya"sabi ni Cherie oo nga pala may party mamaya!!!
"Wag nalang ako sumama kaya?"sabi ko wala na akong practice sa paglalaro ng tekken eh
"Kelangan mo sumama"sabi ni Cherie at hinila na ako palabas ng kwarto
"Goodmorning guys!"wika ni Cherie at umupo na kami sa upuan
"Hehe goodmorning"sabi ko at kumaway lang kainis di ako makatingin kay Julian
"Kamusta ang tulog mo Haiven?"nakangiting sabi ni Julian huhuhu paano nya nagagawa yan? sa kbila ng mga sinabi nya pero parang wala na yun sakanya ngayon? uwaaaaaaaa
"A-ayos lang hehe"sabi ko at uminom ng tubig
"Bat nauutal ka Haiven?"tanong naman ni David kaya umiling lang ako
"Ganon talaga pag umaga medyo hindi pa buhay ang dila ko kaya ganon"sabi ko letse ang stupid ng reason ko huhu
Buti nalang at andyan na ang pagkain at lahat sila naging busy na sa pinag uusapan nila about sa party mamaya
"Haiven mamaya ihahatid kita dun sa kaibigan ko para mabigyan ka ng damit mag babartender ka don pero naka masked ka naman"sabi ni David
So ayon ang plano nya?
"Magkano sahod?"agad kong tanong hehe malay mo naman diba
"Walang sahod"poker face na sabi ni Matthew tsk sayang naman!!!
"So bibigyan ka namin ng palatandaan once na dumating kami don lahat kami may pin sa damit kaya tandaan mo ang design ng pin na gagamitin namin"sabi naman ni Matthew
"Pag nagkagulo don wag na wag kang sasali at wag na wag ka aalis sa pwesto mo"sabi ni Thomas kaya tumango ako
"At isa pa Haiven wag na wag mo tatanggalin ang mask mo"sabi ni Julian okay over sila ah di naman na ako bata...
At diko pa nararanasang dumaan sa pagkabata....
"Haiven can we talk?"biglang sabi ni Matthew himala nag paalam sya sakin eh dati naman grabe to makahila
"Ano bang pag uusapan?"agad kong tanong at ayon hinila nya ko...
Akala ko pa naman nagbago na sya huhu.
Napadpad kami sa rooftop ng hotel at mukhang landingan na to ng helicopter!!!
"Anong gagawin natin dito?"tanong kong muli pero itinuro lang nya ang helicopter na nandun at umaandar....
"Tara sasakay tayo don"sabi nya pero nanlaki ang mata ko pangalawang beses ko na to sumakay ng helicopter yung una eh yung sa helicopter ni Carl sa una natatakot ako pero sinuot sakin ni Carl yung headset nya para daw malibang ako habang nakikinig ng music....
"Dont tell me takot ka?Nakasakay kana ng chopper nung nasundan ka ni Carl diba?" napatango ako
"Pero nag soundtrip ako nun para daw diko mamalayan"sabi ko at ngumuso bumuntong hininga naman sya
"Daming arte"asik nya at inilabas ang earphone nya at nilagay sa tenga ko...
Pero ibang iba pa din to....
Parang may hinahanap akong diko malaman....
May sinabi pa sakin si Matthew pero diko maintindihan dulot ng malakas na tugtog
Ilang minuto kami sa ere bago mapadpad sa isa na namang building...
Nang nakalanding na agad kong tinanggal ang earphone at bumaba
"Asan tayo? Anong ginagawa natin dito?"agad kong tanong
"Wag ka na maingay at sumunod ka nalang tsk"singhal nya at hinila ako
Pinagmasdan ko ang paligid parang mall naman to eh
"Bibili ako ng tuxedo para mamaya"sabi nya at diretso ang tingin sa daan
"Bibili ka lang pala eh bat mo pa ako sinama?"nakanguso kong sabi
"May Mcdo dito diba gusto mo kumain don"sabi nya kaya nangislap agad ang mata ko. Kaya ba nya ako sinama para kumain? gaaaaahhhhh
Teka ambait nya ata ngayon...
"Birthday ko ba? bat ambait mo sakin?"agad kong tanong kaya bigla syang natawa
"Ganon ba ako kasama sayo?"wika nya kaya napanguso ako ulit
"Hindi naman pero kasi iba ang kilos mo... Baka naman hindi ikaw si Matthew?!Halaaa kung sino ka mang kaluluwa ka umaliss ka~~~"
Swaaaaassshhhh
"Mag ingat ka nga puro ka dada pano pag nahulog ka"sabi nya bahagya akong napatulala...
Tug dug tug dug tug dug
1
2
3
4
5
Ngayon ko palang na rerealize na hawak nya ang bewang ko at magkalapit ang mga mukha namin
>/////////
Otokeeee (What to do?)
Agad kong inayos ang pagkakatayo ko at napatalikod...
Napahawak ako sa dibdib ko ang bilis nya parang naghahabulan sila sa loob....
"Thank you" yan ang lumabas sa bibig ko
"Mag ingat ka baka sa susunod di na kita masasalo"sabi nya at nagpauna ng maglakad...
Sumunod din naman ako agad dahil ayoko maligaw...
Jusko puso kalma lang muna ah medyo naguguluhan na ako!!
To be continued....
A/N: Pasensya na sa mga naghihintay :) mwaps