CHAPTER 5

1067 Words
  5 P.M. nag out na ako sa biometrics. Oras na ng uwian, naglakad na ako palabas at nang nakarating na ako ng gate, naglakad ako papunta sa kanto dahil wala na halos mga tricycle na pumapasok sa kanto ng School dahil sa halos nag-uwian na lahat ng mga estudyante at guro. Nang marating ko ang eskinita, nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko. "Jeric?" Ang damuho kong ex! "Can we talk? Please?" Pakiusap nito. "Wala na tayong dapat pag usapan pa," pagmamatigas ko naman. Hinigpitan nito ang hawak sa braso ko. "Ano ba?!" Asik ko dito. "Kausapin mo muna ako," anito na mas lalong hinigpitan ang kapit sa’kin. "Harassment na itong ginagawa mo sa’kin Jeric! pwede ba? Kung ano man ang sasabihin mo, ayoko nang marinig kaya pwede bitiwan mo ako bago pa kita ireklamo at mawala lisensiya mo!" Sigaw ko. "Hindi mo ako masisisi! Ayaw mo kasing ibigay ang gusto ko!"   "Ang kapal ng mukha mo!" sinampal ko siya gamit ang isang kamay ko. Ang lakas ng loob, inabangan pa talaga ako sa kanto, at malapit pa sa school. "Ano ba?! Bitiwan mo ko! Sasampahan talaga kita ng kaso." Hinihila na niya ako papunta sa kung saan. Sa tingin ko ay lasing ito kaya malakas ang loob. Kaya rin pala absent ito maghapon kanina sa School. Nagulat naman ako nang bigla itong napabulagta at dinig ko ang malutong na suntok galing sa kung sinong lalaki.   "Stay away from her!" Dinig kong sabi ng lalaki with a British accent. Naka cap ito at naka porma na parang dinaig si Cardo Dalisay sa pa leather Jacket nito. "Who are you?" Tanong ni Jeric damuho sa lalaki habang pinapahid ang dugong namuo sa labi nito. "You don't know who you're messing up with," pahabol na sabi pa ng mokong.   "No! I think you don't know who you're messing up with," tugon naman ng lalaki. "Now go! Or else I'm going to kill you!" Anitong muli na nagpasindak kay Jeric na dumudugo na rin pati ang ilong ngayon. Lumayo nalang din ito. Pero bago pa umalis ay humirit pa ng salita. "I'll sue you for doing this." "Go ahead! I'll sue you for harassing her," maangas namang sagot ng lalaki. Tuluyan na ngang umalis si Jeric.   Kaming dalawa nalang ang natira n’ong lalaki. Bumaling ito sa akin at saka tinanggal ang cap. "So you are the lost Princess," anito na ikinataka ko. "Huh? Excuse me? What are you saying?" Naguguluhan kong tanong. Ano daw? Tinawag niya akong Princess? Lost princess? "So you are Princess Kirsten." Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Aba! ‘yong parang na disappoint sa nakita niya ganern! "I'm sorry, I'm afraid you might have mistaken me for another person," sabi ko naman.   PRINCESS KIRSTEN, KIRSTEN, KIRSTEN yun ang narinig kong pangalan na sinabi niya. Kirsten ako yun eh! Pero ako lang ba ang Kirsten sa mundo? Hindi naman siguro diba? "No I'm not my P.I will not be mistaken," Giit nito. P.I? Minura ba ko nito? "You are Princess Kirsten Mutya Allistaire, Duchess of Autumnlove Springland." Napanganga ako at di makapaniwala sa naririnig. Mayamaya ay may dumating na isang sosyal na limousine. Lumabas ang driver nito na nasa late 50s na ang itsura at nag bow sa'kin. "Wait, please don't do that. I'm just an ordinary person, yes my father is from Springland but he is just a soldier in the palace," paliwanang ko pa. Kaloka! Di ko kinakaya.   "No, you are the lost daughter of the late Prince Henry and Princess Madelein Allistaire," giit pa ng lalaking bata bata. ‘yong ano. ‘yong gwapo. Madeleine, yun ang buong pangalan ni mama pero wala itong nababanggit na princess siya, at anak ako ng isang prince. "I have to talk to my mother first," sabi ko. Ewan ko ba at baka nag ha hallucinate lang ako! Princess daw ako? "We will go with you," sagot naman ng lalaki. Ay shocks. Sasama sa’kin agad agad?    "And who are you by the way? Why should I trust you? I don't even know you," pagtataray ko dito. Naisip kong hindi ko naman siya kilala kaya hindi ako pwedeng sumama ng basta nalang. Malay ko ba baka modus na kidnapper pala ang mga ito. Tapos nagbebenta ng kidney at iba pang organs. No way!   Pero sa itsura n’ong oldies mukha naman itong disente rin kasi formal ang suot, pero ‘yong lalaking nagligtas sa akin ay parang sanggano, body guard na mukhang gangster pwede pa. Natigil lang ang pag iisip ko nang magsalita ‘yong driver.   "I am Mr. Xavier Fox and He is Prince Dalton Anthony Hamilton, of Southerland," anang lalaki.   Huwaw! Prince ito?   Taas noo naman ang lalaki. Yebeng. Natigilan ako. Woah talaga? Nalaglag ang panga ko na di makapaniwala.   Pagkatapos ay may kinuha ang Prince kuno mula sa bulsa ng jacket niya.   Picture ng mama ko kasama ang isang baby at isang lalaking nakaporma ng Duke or hari. At kamukha ko ito.   "This is the proof. Your father together with you, and your mother,"   Hindi ko maintindihan pero merong isang bahagi sa puso ko na gustong sumama sa kanila. At pinagtibay pa 'yon ng pruweba nang makita ko ang picture ng mama ko kasama ang isang Prince. At ako naman talaga ang baby na 'yon base sa mga baby pictures ko na nasa bahay.   Pero nagmatigas pa rin ako. "And so? That is just a picture. Malay ko ba baka napulot mo lang yan or ni download sa google!" Ay wow. Sikat ka te?   "What?"   "I said I don't trust strangers like you." Inirapan ko pa ito.   "I wouldn’t save you if I will just harm you in the end. Logic."   Aminin ko man o hindi gusto kong pagbigyan ang taong to. Who knows baka totoo ang sinasabi niya.   Total ito naman talaga ang hinihiling ko, ang makilala ang papa ko.   Out of curiosity ay pumayag ako na isama ang mga ito sa bahay namin sakay ng limousine.   Pagdating namin sa bahay ay hinanap ko agad si mama.   "Ma!" Sigaw ko kay mama.   "Yes nak!" Sagot ni mama na pababa galing sa taas.   "Oh bakit natagalan kang umu--" naputol ang sinasabi ni mama nang makita niya ang mga kasama ko.   "Sino yang mga 'yan?"     "Prince Dalton, and his Butler Mr. Xavier, they are from Springland,"     Shookt si mama na tila may pangangamba sa mukha.   "Paalisin mo sila dito Kirsten,"   "Bakit ma? Para hindi ko malaman ang totoo? Na anak ako ng Prince sa Springland?" Sabi ko na mas lalong nagpagulat kay mama.   "Anong sinasabi mo? Huwag mong papaniwalaan ang mga ‘yan. Di mo ‘yan sila kilala," depensa nito.   "So ano tong picture ma? Gawa gawa lang to?" Sabi ko sabay ipinakita ang picture na dala ni Prince Dalton.   Natameme ang mama. Bumuntong hininga bago nagsalita...   "Sumunod ka sa’kin sa taas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD