kassandra pov:)
Nandito na ako ngayon sa inuupahan kong apartment kakauwi ko lang galing sa kompanya ni sir kairo para sa interview balak ko mag grocery ngayon dahil wala na akong stocks ng can food at noodles din kaya pupunta ako ng grocery.
(time skip)
(grocery)
Naglalakad ako ngayon dito sa grocery dahil hinahanap ko yung noodles nang biglang may nakabanggaan ako na babae.
"aray ko nmn"daing ko.
"ouch"daing ng babae.
"sorry sor-" putol kong sabi dahil nagulat ako nang makita ko kung sino itong babae.
"sandra?!"sabi ng babae.
“omg sandra ikaw nga” sabi ni chloe
“ahahaah” tawa ko dahil nakakatawa syang pagmasdan dahil sa reaksyon niya na gulat pero nakangiti at tumatalon talon pa. Si chloe kasi ay kaibigan ko simula highschool hanggang makapagtapos ako kaya namiss ko talaga sya at siguro sya din.
“long time no see!” “kamusta ka na sandra?! “ngayon nalang ulit tayo nagkita simula nang mamatay ang mga magulang mo ah ayos kana ba?!”.sabi ni chloe.
“ok lang naman ako! Eh ikaw kamusta ka?!sabi ko.
“eto kakauwi ko lang ngayon galing sa states kasama asawa ko dito na kasi namin balak tumira. Sabi ni chloe.
“eh ikaw kamusta love life mo?! May boyfriend kana ba?. Sabi ni chloe sa akin umaasang meron na akong kasintahan.
“ahaha wala eh mas iniintindi ko kasi muna ngayon ang pag tatrabaho ko kesa sa paghahanap ng kasintahan hindi pa naman ako gurang para mag madali” sabi ko na ikinatawa nya.
“ito naman ang ibig ko lang naman iparating sayo eh kahit na hindi kapa gurang subukan mo naman maghanap baka mamaya nandyan lang yan sa tabi-tabi noh tsaka anong gusto mo tumandang dalaga?!. Sabi ni chloe.
“hay nako sa susunod ko nalang aatupagin yang mga pinagsasabi mo chloe hindi din naman ako nagmamadali at mas lalong hindi ko kailangamg mag madali. Sabi ko
“eh bakit ka nga pala nandito sa grocery chloe
Mamimili ka din ba ng pagkain mo katulad ko?" sabi ko.
“ah hindi bibili kasi ako ng.....” putol na sabi nya at lumingon lingon pa upang tignan kung may tao ba sa paligid at nang makumpirmang wala naman ibang tao sa paligid lumapit sya sakin at bumulong ng....
“pregnancy test sandra balak kong bumili ng pregnancy test” bulong ni chloe sa akin.
___________________________________