Chapter(67) Over think

1562 Words

Shiela’s POV Alas dos na ng hapon nang makalabas ako sa campus, pero hanggang ngayon lutang pa rin ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Celesty. Kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na okay lang, na wala namang mababago kung kasal ba talaga kami o hindi, iba pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Masakit.Nakakatakot. At habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko, lalo lamang bumibigat ang dibdib ko na para bang may malaking bato na nakadagan doon. “Manong!” tawag ko sa tricycle driver na nakahinto sa unahan. Agad siyang lumapit sa akin. “Ma’am, saan po kayo?” tanong niya habang inaayos ang helmet na nakasabit sa manibela. “Sa munisipyo po tayo,” mahina kong sagot. Pagkasabi ko noon ay parang lalo akong kinabahan. Buo na ang desisyon ko. Gusto kong malaman ang totoo. Ayoko nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD