Shiela's POV
Congratulations sa ating lahat, beshy! Masayang sigaw ng mga kaibigan kong sina Almira at Kyla. Nang palabas na kami ng school campus ng UV Car-Car, kakatapos lang ng recognition namin bilang Dean Lister ng second year college. Pariho kaming naka-top bilang BEED student.
Excited akong umuwi sa bahay para ibalita kay Papa. Kahit hindi siya nakadalo ay masaya pa rin ako. Alam kong masaya din siya para sa akin, kaya kahit wala siyang pahinga ay doble kayod siya sa pagpapamasada ng jeep para lang matustusan ang pag-aaral ko. Mahal na mahal ko si Papa dahil mula noong namulat ako sa mundong ito, siya ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin. Siya ang naging mama at papa ko dahil nasawi ang aking ina sa pagluwal sa akin. Kaya sinipagan ko ang aking pag-aaral para makabawi ako kay Papa at para matulungan ko siya.
“Beshyyy, kakain muna tayo sa labas! Mang Inasal tayo, treat ko.” Masayang yaya ni Almira sa aming tatlo. Siya ang may kaya sa buhay dahil nasa Japan ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay isang teacher, pero humble lang siya at hindi namimili ng kaibigan..
“Sige ba, gusto ko yan. Tara na!” saad ni Kyla at hinawakan ako sa kamay.
Naglakad kami papunta sa isang fast food malapit lang sa school. Habang naglalakad, ako naisip ko si Papa kung nakakakain na ba siya. Alas onse na ng umaga.
Pagdating namin sa loob ng fast food, medyo mahaba ang pila ng mga customer na kakain din. May mga nag-uusap sa gilid, may mga nagtatawanan. Umupo lang kami ni Kyla sa bakanteng mesa sa gilid at hinayaan namin si Almira na mag-order ng pagkain namin.
May mga magpamilya din na galing sa recognition, buo ang kanilang pamilya. Hanggang tingin na lang ako. Ang saya palang tingnan kapag buo ang pamilya. Pero sa kabilang isip ko ay masaya pa rin ako dahil hindi nagkulang sa akin si Papa sa pag mamahal sa akin..
Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang order namin—may halo-halo at drinks.
“Ang dami naman ng inorder mo, Mirang! Baka naubos na pera mo niyan. Papagalitan ka talaga ng Mommy mo,” saway ko kay Almira nang magsimula na kaming kumain.
“Ay sus, okay lang ito, beshy. Minsan lang ito at wala nang klase—bakasyon na. Kaya okay lang,” ngiting sagot ni Almira.
Papatapos na kami sa pagkain nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong dinampot sa aking bag at nagtungo sa gilid ng restroom para marinig ko si Tita Mary sa kabilang linya.
“Hello, Tita,” kalmado kong sagot.
“Shiela, tapos na ba ang recognition? May nangyari sa Papa mo. Kailangan mong pumunta dito sa City District hospital.” Basag na boses ni Tita kaya parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
“Ano po? Bakit? Anong nangyari kay Papa?” naiiyak kong tanong. Nanghihina ang tuhod ko.
“Inatake ang Papa mo, Shiela. Kaya pumunta ka agad dito, ngayon din. Sige na, ibaba ko na ito—tinawag ako ng nurse,” paalam ni Tita at binaba ang tawag.
Tumulo ang luha kong bumalik sa table ng dalawa kong kaibigan. Nagtaka silang nakatingin sa akin..
“Besh, mauna na ako sa inyo ha. May emergency—nasa hospital si Papa.” Paalam ko sa kanila at pinulot ang bag.
Hindi sila nakapagsalita. Kinawayan ko na lang sila. Pagkalabas ko, nagmadali na ako. Wala na akong oras pang magpaliwanag sa kanila.
Paglabas ko ay agad akong pumara ng jeep at dumiretso sa hospital. Pagdating ko sa entrance ng hospital, agad akong lumapit sa nurse station.
“Good afternoon, nurse. May Nelson Alcasin po bang naka-admit dito?” hingal na tanong ko..
Napaangat ito ng mukha.
“Yes, ma’am. Nasa ward room na po. Kanina pa siyang umaga rito. Monitor lang po namin ang kalagayan niya—ang blood pressure niya. Puntahan niyo na lang po, nandoon si Doc ngayon.”
Agad akong nagtungo sa ward at hinanap sila si Tita at Papa.
Lumapit ako sa kanila.
“Tita,” saad ko at lumapit sa gilid niya. “Kumusta si Papa?” bulong ko habang ang doctor ay nagsusuri kay Papa.
Si Tita ay kapatid ni Papa na lagi ring nakaalalay sa amin.
“Hintayin nating matapos magsuri ang doctor, Shiela, para mapaliwanag niya sa atin kung ano ang kalagayan ng Papa mo,” sagot ni Tita..
Lumapit ako kay Papa at hinawakan ang kamay niya.
“Papa, pagaling ka po. Mahal na mahal kita,” mahina kong bulong.
“Sino ba sa inyo dito ang lagi niyang kasama sa bahay?” biglang sabi ng doctor.
“Ako po, Doc,” agad kong sagot.
“Diretsuhin ko na kayo. Ang pasyente ay may mild stroke. Posibleng mahirapan na siyang maglakad dahil naapektuhan ang mga ugat niya. May mga dugo na bumabara. Pero huwag kayong mag-alala—may gamot akong ire-reseta.Pero
Hindi na siya makakapagtrabaho dahil apektado ang kalahati ng kanyang katawan. Kahit may gamot siya, para lang iyon sa maintenance niya—para sa kanyang high blood at diabetes. Kaya kailangan niyang mag-ingat sa pagkain.
May paraan din para hindi siya tuluyang maging disabled at makapaglakad pa—kailangan niyo siyang ipa-therapy.” Paliwanag ng doctor.
Nagkatinginan kami ni Tita.
“Salamat, Doc,” sabi ni Tita.
Lumabas ang doctor. Nanghihina ang tuhod kong umupo sa gilid ng bed ni Papa.
“Shiela, anong balak mo ngayon?” mahinang tanong ni Tita.
“Hindi ko alam, Tita. May kaunting pera na doon si Papa para sa pag-aaral ko—iyon na muna ang gamitin natin sa bayarin dito sa hospital at sa mga gamot niya,” sagot ko.
“Sige. Tatawagan ko rin si Jeykim. Sahod niya bukas—baka may maiambag siya,” sabi ni Tita.
“Salamat po, Tita.”
Lumipas ang dalawang linggo. Nakauwi na kami sa bahay. Naka-upo si Papa sa kanyang wheelchair, tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
Lumapit ako dala ang pagkain niyang tinulang isda na nilagyan ko ng malunggay.
“Papa, kain na po kayo dahil marami pa kayong gamot na iinumin.”
Malungkot siyang tumingin sa akin. Naapektuhan din ang pagsasalita ni Papa para siyang ngu; ngu kong magsalita kaya hindi ko siya maintindihan kapag nagsasalita siya kaya isinusulat niya sa maliit na whiteboard.
Lumapit ako sa kanya at sinubuan ko siya.
Pagtapos kumain ni Papa, pumasok si Tita Myleneb dala ang prutas at pinakulu-ang dahon ng guyabano para inumin ni Papa, para makatulong na bumaba ang kanyang blood pressure..
“Good morning, Tita,” bati ko.
“Good, Shiela. Tumawag nga pala si Jeykim kanina. Baka gusto mo raw mag-apply ng trabaho doon sa company na pinagtatrabahuhan niya—may hiring daw doon,” kalmadong sabi ni Tita.
“Talaga, Tita? Magandang balita iyan!” masaya kong saad.
Ngunit biglang sumabat si Papa. Umiiling-iling siya at inabot ang pen at board sa gilid niya.
Nagsulat siya at pinakita sa amin
“No! Hindi ako papayag. Magtrabaho ka, anak. Ibenta mo itong lupa natin at tapusin mo ang pag-aaral mo!.”
Lumapit ako sa kanya at niyakap si Papa.
“Papa, hindi pwede na ibenta natin ito. dahil Ito lang ang meron tayo. Babalik din naman po ako sa pag-aaral. Magtatrabaho lang muna ako ngayon hanggang sa gumaling ka at makaipon na ako..
Kailangan ko pong magtrabaho ngayon para makabili ng gamot mo at makabayad sa therapy mo. Papa, payagan niyo na po ako. Mahal kita, Papa kaya ko ito gagawin.”
Umiyak kong saad. Pati si Papa ay naiyak din. Ayaw ko rin naman malayo kay Papa, pero kailangan…