"woii panget tingnan mo may nag iwan ng gift dun sa locker ko." kuha ko sa atensyon ni Ryle na agad namang lumingon sakin.
"Asan?Patingin nga. May name bang nakalagay kung galing kanino? Anong laman?" Sunod-sunod na tanong nya sakin.
"Kung makapag tanong 'to kala mo reporter amptt. Btw walang name kung kanino man toh galing at diko pa alam kung anong laman nito." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ang box na hawak ko.
" Baka naman may manliligaw kana ha?Tapos itinatago mo lang sa'kin. Umayos ka SHAIRA YZABELL." seryosong saad nya sakin at wow haaa buong pangalan kopa talaga,sapakin ko kaya 'to.
Pero dahil sa sinabi n'ya bigla akong na-excite kung sino ang nagbigay nito at kung anong laman. Wahhhh!!myyy goshhhh beke nge mehh secret admirer akesh hanebe keleg me henggeng sa benes.
At dahil sa maharot kong isip ea dali-dali ko itong binuksan.
"Amptt bat ang hirap nito buksan." Pagrereklamo ko at pinagtawanan lamang ako ni Ryle.
"Shayy asan utak mo? Panget mona nga tas nawala pa utak mo tskk kawawa ka naman."Pang-aasar nya sa'kin.
"Alam mo ikaw,sarap mong sapakin e' no. Tulungan mo na lang kaya ako rito hindi yung puro ka lang dyan pambibwesit."
"Sira kaba? Ba't kasi d'yan mo binubuksan e' ayun yung may nakalagay na OPEN BWAHAHHAHA ealtea shayyy ."
Agad ko namang tiningnan ang part ng box na tinuro n'ya at tama nga s'ya may nakalagay na OPEN dun,medyo lumipad nga utak ko sa sobrang pagiging excited at ang tarantadong 'to hanggang ngayon tumatawa pa rin na para bang wala ng katapusan ang mundo. Bruhhhh!! Naway mabulunan ka ng sarili mong laway. Ilang segundo lang hinintay ko at nagkatotoo ang kahilingan ko.
"Nice, an'bilis nga naman talaga ng karma BWAHAHHA."I said with a smirk sabay bitbit ng box at takbo palayo sakanya.
"Woiii teka saan ka pupunta? Shaira bumalik ka ritoooooo!!" Narinig kong sigaw n'ya ngunit diko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo papunta sa parte ng school na walang masyadong tao,at nagsilbi na ring tambayan ko.
Nakarating na'ko sa likod ng school, yes sa magubat na parte ng school ang tambayan ko. Pagrating ko doon ay dali-dali kong binuksan ang box na dala ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang kahon ngunit agad ko rin itong nabitawan.
"W-what t-the hell i-is this." Nauutal na saad ko habang nanginginig ang aking katawan. Sa sobrang gulat at kabang aking naramdaman at bigla na lamang linamon ng kadiliman ang aking paningin. Ngunit bago ako tuluyang bumagsak sa lupa ay naramdaman kong may matipunong braso na sumalo sa'kin at do'n na ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako sa di pamilyar na silid,ikinalat ko ang aking paningin at tsaka ko nakita si nurse yhan na kausap si Ryle. Goshhh 'kala ko pa naman nakuha na ako ng anak ng isang mafia boss tskk kahit talaga kailan expectation vs reality amptt huhu.
Bongga na sana pag-iisip ko ng kung ano-ano ng biglang may pumitik sa nuo ko,at nung idilat ko ang aking mata nakita ko ang bwesit na pagmu-mukha ni Ryle.
"Arggghh kahit talaga kelan pa epal kang pangit ka amptt."Inis na sigaw ko sakanya.
"Woahhh? At ngayon ikaw pa 'yung galit? Di ba dapat ako 'yung magalit sayo dahil sa pag alis mo ng walang paalam at pa'no nalang kung hindi kita sinundan? Edi nakabagok na sana 'yang ulo mo sa bato." He said it with a low but serious voice.
Hindi ako umimik at narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya, sabay ang pag yakap nya sa'kin ng mahigpit.
"I'm sorry shayy, do I scare you?" May pag aalalang tanong nya.
"Sorry I'm just worried . I didn't mean to scare you like that." dagdag n'ya pa ngunit nanatili akong walang imik.
"Nga pala. Anong laman nung box?" Kumalas s'ya sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako habang naka ngiting-aso. Ngunit ang mga ngiting iyon ay napalitan ng pag-aalala nung makita n'ya akong namutla.
"Heyy Shayy are you alright?" Tanong nya sakin.
"T-that b-box"
"Bakit namumutla ka?Ano bang meron sa box na'yon?" pag-uusisa n'ya ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang pag- aalala
"N-no h-hindi iyon p-pwedeng m-mangyare." Wala sa sariling usal ko. Agad akong bumangon at umalis doon. Kailangan kong malaman kung sino ang nagbigay ng box nayon.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa clinic ng biglang may humatak sa braso ko at hinigit ako papalapit sa kanya tsaka ako isinandal sa pader na para bang kino- corner.
"Answer my dimshit question shayy, anong nakita mo sa box?"Malamig na wika nya habang nagtatagis ang kan'yang panga. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata na ikinatakot ko.
Nagbaba ako ng tingin upang maiwasan ang nakakatakot n'yang aura ng bigla nyang hinawakan ang aking baba at unti-unti itong itinaas dahilan para magtagpo ang aming mga mata, kanina'y puno ng galit ang kanyang mga mata ngunit ngayon ay puno na ito ng kakaibang emosyon na hindi ko matukoy at mapuna.
"Anong ginagawa nyo ritong dalawa? Sa pagkaka-alam ko'y oras ng klase ngayon."Halos mapamura ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng aming school principal, di ko alam kung kelangan kung kabahan dahil baka ma-guidance kaming dalawa ni Ryle ,or dapat ba akong matuwa dahil dumating sya at sa wakas matatakasan ko rin ang mga katanungan ni Ryle na hindi ko kayang sagutin.
"Galing ho kami sa clinic, nawalan po kasi ng malay si Shaira kanina." Simpleng sagot ni Ryle.
"Ganun ba?" Maiksing tugon nito at biglang bumaling sakin ang kanyang nakahihepnotismong tingin.
"Are you okay now Ms. Diaz?"tanong n'ya sa'kin na halos mangatog ang aking mga tuhod sa kilig, ackkk bat kase ang cool nya. Btw hindi pa matanda ang principal namin ngunit hindi rin s'ya ganun kabata ,tamang-tama lang para matawag kong baby aheee.
"A-ahm I feel better na po sir." Naiilang na sagot ko sakanya amptt gagiii kinikilig ako anebe.
"Mabuti naman kung ganon."Saad n'ya ng nakangisi, wahhh gusto kong sumigaw sa kilig pero di pwede kaya kalma lang dapat.
"Di ba maaring makasuhan or mawalan ng lisensya ang mga guro/principal once na nakipag relasyon sila sa students or kahit makipag fling man lang."tanong ni Ryle na naging dahilan para mapalingon kaming dalawa sa kanya.
Kinurot ko s'ya sa tagiliran at pinandilatan ng mata.
"Kahit kailan talaga epal ka 'no." Pabulong kong saad sakanya.
"What?I'm just asking. May masama ba dun?Wala naman di ba?" Pa-inosenteng sagot n'ya na mas lalong kinairita ko. Kaya iniwan ko sya dun at pumunta na sa classroom namin, bruhhh minsan na nga lang yun pa epal pa s'ya amptt.
Since wala rin naman kaming matinong lecture 'e naisipan kong mag f*******: pampaalis ng inis at pampalipas oras narin. Pumunta ako sa recently searched ko at nangunguna do'n ang pangalang RAINE AIZEIKEL CRISTOBAL.
"Common shayy tigilan mo na s'ya. Wag mo na s'yang istalk pa". Pagkausap ko sa sarili ko, minutes had past and I found myself stalking his timeline again. Gosh hindi na talaga yata ako makaka-move on dito. Ginugol ko ang ilang oras sa pag scroll sa timeline n'ya,halos lahat din ng nag c- comment sa mga post nya'y tinitingnan ko. Gusto ko syang ichat pero wala akong lakas ng loob, kasing kapal ng kahoy ang mukha ko pero pagdating sa kanya tiklop ako, pinapangunahan ako ng takot, takot na baka sa muli naming pag uusap ay mareject ulit ako. Ayokong dumating na naman sa oras na may mababasa ulit akong YOU CAN'T REPLY ON THIS CONVERSATION sa baba ng convo namin. I'm happy and contented loving him secretly from a far.
Nagulat ako ng biglang may lumabas na green sa status n'ya, it means online sya and sad to say pero dati nag o-online sya para sakin ngunit ngayon para sa iba na. Mahirap. Masakit. Nakakadurog. Ngunit kelangan kong tanggapin na hanggang dito nalang lahat. Ako ang may kasalanan kung bat s'ya nawala kaya wala akong karapatan na mag demand. This s**t is my karma. Nagising ang aking isipan ng biglang tumunog ang bell na nag pa-pahiwatig na lunch time na.
Kinuha ko ang aking bag at naghanda na upang lumabas ngunit bigla kong natanaw si Ryle sa pinto. Amptt di pwede 'to, kailangan ko s'yang iwasan.Huminga ako ng malalim bago humakbang ng mabilis papalabas sa room, ngunit ang plano kong pag iwas sa kanya ay nabulilyaso ng mabunggo ko ang pinto. Gagooooo bat ba kase nakalimutan kong salamin ang pinto ng room namin amptt, mabuti nalang at wala ng masyadong tao kaya kunti lang ang nakakita but still nakakahiya parinnnnnnnn.
Binuksan ko ang pinto ng aming pakining room at padabog ko itong isinara. Nakanguso kong kinapa ang nuo kong nakabunggo sa pinto,mabuti nalang at hindi bumukol. Dahil sa inis ko sa pinto ay nakalimutan ko kung bakit ako nagmamadali. Lumingon ako sa kinarorooan ni Ryle kanina ngunit laking gulat ko ng wala na s'ya do'n ,wews mabuti nalang.
Kinuha ko ang aking Ipod at nagkinig ng BABY DON'T CRY by EXO ng bigla akong nakabunggo sa matigas na bagay, tiningala ko kung ano. Nan'laki ang mata ko sa gulat ng makitang si Ryle ito. Grrrr amptt badtrip.
"Tara sabay na tayo mag lunch." Pag-aaya nya.
"Nah, ikaw na lang di pa naman ako gutom 'e." walang emosyon kong sambit.
"Weh?talaga?Hindi ka gutom?" Pangungulit nya.
"Sabing~."di kopa natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang tyan ko, pisteeee panira amptt. At ang ambno kong besprend ayun halos malagutan na naman ng hininga kakatawa letcheeeee. Sinikmura ko muna s'ya bago ako nagmamartsang umalis,hmpp bat ang malas ko sa araw natoooooo kainis.
Pumunta ako sa cafeteria mag-isa ngunit bigla ako nawalan ng gana kumain ng makita kong sobrang haba ng pila sa counter kaya umalis nalang ako at napagdesisyunan kung sa rooftop nalang magpalipas ng oras.
Pagdating ko sa rooftop ay hinalungkat ko ang bag ko sa pagbabakasakaling may ligaw na pagkain dun, and luckily meron nga.
Habang kumakain ako ay nakikinig ako ng kantang "THE ONE THAT GOT AWAY" the lyrics of this song hit me big time. Bawat lyrico nito ay damang-dama ko, para akong dinudurog sa bawat pagbigkas ng mga salitang nakapaluob rito. Habang nakatungo ay diko namalayan ang nagmamabilis na mga luha na kumawala sa mga mata ko hinayaan ko lamang itong umagos kase wala namang makakakita sakin habang umiiyak rito. Pagod na akong magpanggap na matatag. Pagod nakong mag panggap na masaya. Siguro ayos lang naman kung maging mahina ako ngayon,lahat naman mapapagod at kailangan mag pahinga.
Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko ay may bigla na lamang pumunas nito na ikinagulat ko. Ako lang naman ang tao dito sa rooftop haa. Liningon ko kung sino ang pangahas na iyon at naging kampante ako ng makita kong si Ryle lamang ito.
"Hey stop crying." Malumanay nyang saad habang tinutuyo ng kanyang mga hinlalaki ang aking basang pisnge.
"Shayy always remember that you have me okay?. Kung may problema ka don't hesitate to open up. Maybe I'm not good at giving advice but I promise that I'll listen with no judgement."
Wala akong ibang naging tugon kundi tango at ngiti lamang, isinandal ko ang ulo ko sakanyang balikat at ipinikit ang aking mga mata. I feel so comfortable when I'm with this guy, I murmured to myself.
Sa sobrang pag-iyak ko yata 'e 'di ko namalayang nakatulog na ako sa balikat ni Ryle, nagising na lamang ako sa silid ng aking dorm. Yes, sa dorm ako nag i-stay dahil wala narin naman akong pamilyang mauuwian.
Pag bangon ko ay agad sumagi saking isipan kung paano ako napunta rito samantalang nasa rooftop ako, ohh well siguro iniuwi ako rito ni Ryle.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang babaeng naka upo sa sahig habang nagbabasa. Wait, what?Sino ang babaeng 'to amptt. Tumikhim ako upang makuha ko ang atensyon n'ya at gumana nga ito dahan-dahan s'yang lumingon sa'kin at nung makita ko ng maayos ang kanyang mukha...
"Ryleeeeee?!" Gulat na sigaw ko rito.
"Yesh mareee akesh nga." Saad n'ya with matching papitik-pitik pa ng buhok amptt.
"Amptt ano ba pinag gagagawa mo sa sarili mo haa?"Natatawa kong tanong sa kanya.
"Ah ito lang kase iyong naisip kong paraan para pansinin mo ko at para na rin mapasaya kita kahit papano? Effective naman diba?" May pag-aalinlangang sagot nya habang kumakamot sa ulo.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko s'ya ng mahigpit.
"Thank you" Usal ko habang yakap ko parin sya.
"No need to thank me. You're my happiness so your smiles means a lot for me." Pabulong nyang wika.
"What did you say? Can you repeat it?"
"BWAHAHHAH wala-wala ,sabi ko am'pogi ko sobra."Tskk hangin nya talaga kahit kailan.