Chapter 21
(Maesy, point of view)
.
.
.
.
.
Sa lumipas na araw, hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng mga bagong mga kaibigan. Hindi namin aakalain ni Joan na magkakaroon kami ng mga kaibigan. Akala ko nung una kasi na sa buong school yr. tanging ako at si Joan lang ang mag kasama, hindi pala. Dahil sa pag lipas ng mga araw, nagkaroon kami ng panibagong mga kaibigan.
At yun ay sila, Cherry, ang setmate ko. Si Bea, ang set mate ni Joan. Si Cherry at Bea ay mga ka group mate din namin ni Joan. At si Rochelle, na pinsan ni Bea na classmate din namin, hindi nga lang namin siya naging set mate o naka group, Moerong kasi ang apleyedo niya, Kaya lagi siyang naiiba sa amin. Dahil madalas sa aming subject ay nasa alphabetical arrangement. Seguro sa walong subject namin ay nasa tatlonh subject lang na hindi alphabetical arrangement.
Yung mga iba din namin na kaklase ay ka close namin. Halos lahat ata kami na mag kaklase ay mag kaclose. Pero pansin ko lang na lahat ng kaklase kung lalaki ay laging sumusunod sa gropu nila Geron.
Ay! oo nga pla. Kahit halos lahat kami ay close sa isat isa, hindi parin mawawala ang my gropu grupo. Tulad na nga lang kami ni Joan, Lima kami na mag kakasama, ako, si Joan, Cherry, Bea at Rochelle. Meron din na sumasama sama sa amin na dalawa pa. Pero yung tipong trip lang nilang sumama o maki join. At sila sina, Kimberly at Mara.
Sa ibang grupo naman, andun sila Clariss, Mary Joy, at Maricris, kasa kasama din nila minsan sila sina, Mariquel, at Janine. Minsan din mag kakasama sila ng grupong sila, Geron, Jayvee, Johnson, At ang kambal na sila Chexter at Lexter. Sumasama sama din sa grupo nila sina, Christian, Roel, Jhon Paul at Mark.
Yung iba kung kaklase ay individual na. hihi. Indiviadual! kasi, wala silang grupo. Pero hindi sila tulad ko dati na pag walang grupo mas gugustuhing mapag isa nalang. Dahil ang mga kaklase kung individual, ay sumasama sama sila sa grupo na gusto nila. Tulad nalang ng mag pipinsan na sina, Trixie, Jennifer, at Jayde, si Jayde ay half half! as in half girl at half boy, inshort bakla po siya. Pero maganda pala mag karoon ng kaklaseng bakla. Kasi lagi silang nag papasaya sa klase. Kahit ganyan si Jayde ay matalino din yan. Actually! lahat ng kaklase ko matatalino. Hindi lang halata kasi, nauuna ang kalokohan.
Yeah!! seguro nga! maituturi ko na bless sa akin na kabilang ako sa section na eto. Kasi ang saya nilang kasama. Magkakaiba man kami nang pag uugali at pagkatao, pero nag kakaisa naman kami sa mga kwentuhan, tawanan at kalokohan. Nag dadamayan pa yan. Pag alam nila na may kaklase kami na nahihirapan sa leksyor namin, nagbibigay sila ng sagot. Yeah!! ganyan sila kabait. Diba!
Oo. Matalino sila, hindi nga lang halata. Mas gusto nila na pagkatapos nang diskasyon ay quiz agad, tamad na daw kasi sila mag review pag ipapa bukas pa daw ang quiz. Pero pagdating ng Exam hindi mo sila makikitang mag rereview mga yan sa mga paligid. Dahil bago mag start ang klase kung san merong exam, hihingi sila ng sampung minuto para makapag basa o maka pag review. Diba!! ang astig nila. Hindi ko aakalain na ganyan ang mga maging kaklase namin ni Joan.
Sa kalokohan?!, hindi din ako naka ligtas. Nung una tatawa tawa ako pag may napag titripan ang mga grupo nila Geron. Pero, hindi sila nag ubully auh! trip lang, Trip na ikaka tuwa mo din. Seguro part din ng pagiging Highschool life.
Dumating nga yung araw na ako ang napagtripan ng grupo nila Geron at Jayvee.
"Bat kaba dikit ng dikit sa akin! umusog ka nga!" reklamo ko kay Geron, nasa loob kami ng classroom at nagtuturo ang aming guro, pero nakaka hikab, ang lumanay kasi neto kung magsalita. Kaya parang boring na subject kami ngayon Kaya etong si Geron dikit ng dikit sa akin. Magkahiwalay kami ng upuan pero magkatabi kami, yun nga lang dikit parin siya ng dikit.
"hindi mo kasi ako pinapansin!" sagot naman neto.
"anong connection nun sa pagdidikit mo sa akin?! pwede ba umaayos ka ng upo!" reklamo ko ulit. At yeah! medyo nagsasalita na ako ngayon, kumpara dati. Dahil yun sa mga kaklase ko ngayon. At dahil din kay Jayvee. Hindi ko kasi inaasahan na ganito ang magiging school year ko. At oo, Lagi kung nakakasama si Jayvee. Hindi nga lang halata. Madalas kami mag sama tuwing lunch break, o kaya sa morning class, minsan nagkataon lagi na magkasabay kami na nauunang pumasok sa first subject namin sa hapon. Minsan din sa umaga ganun din. Diko alam kung nagkataon lang ba lagi o sadya. Ewan! pero kung ano man yun ay nag papasalamat ako dahil my pagkakataon na nakikilala namin ang isat isa. At syimpre, dahil din dun, ay nailabas niya yung totoong ako. Nagagalit niya ako, naasar, napapangiti at napapatawa niya ako.
Hindi halata na close kami ni Jayvee dahil ang madalas na makita nila na kasa kasama ko ay si Geron.
Pero totoo na dahil kay Jayvee ay medyo nagdaldal ako. Totoo na dahil kay Jayvee lumabas yung tinatago kung ako.
"ayoko nga!" sagot naman ni Geron. Para siyang bata. Dinaig pa si Johnson sa pagiging isip bata. Nag pout eto sa akin, nag papa cute ang loko. Ano naman ang gimik neto, "kausapin mo naman ako." sabi pa niya.
"sira kaba?! nag tuturo yung teacher natin, paano kita kakausapin! pwede ba manahimik ka nalang at makinig! lumuwag na naman ba yung tornillio sa utak mo?!" sabi ko. Nagbubulungan kami ni Geron satuwing may sinasabi kami sa isat isa. At kung makikita mo kami, para ko siyang hinahalikan at ganun din siya, Pero yung mga kaklase ko hindi malisyuso.
May sinasabi pa siya, pero hindi ko na pinansin. Ang kulit niya ngayon, hindi naman siya ganyan ka kulit. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko na din naiintindihan ang mga sinasabi niya kasi, nag focus nalang ako sa tinuturo ng aming guro. Hanggang sa sinusundot sundot na niya ang aking mukha na kadahilanan na napalingon ako sa kanya, at sakto din na inilapit din niya ang kanyang mukha sa akin, kaya naglapit ang mukha namin, pero hindi as in na malapit lapit, na kangiti eto sa akin. Kung itatanung neyo kung may nararamdaman akung kilig factor?! wala po. Normal lang para sa akin yung ganung tagpo sa pagitan namin ni Geron. Para lang niya akung Little sister at ako naman ay tinuturi ko siyang kuya. Kaming dalawa lang ang nagkaka alam na ganun ang turingan namin. Dahil nag usap kami about diyan. Kaya walang malisya.
At heto ako ngayon, masama ang tingen na ibinibigay ko sa kanya. Sa gilid ng aking mata, kahit kay Geron ako nakatingen, pansin ko din ang pigil na ngiti ni Johnson, pati din si Bea ay pinipigilan ang tawa. Ganun din si Cherry, tinatakpan ang mukha gamit ang kamay, nakita ko din si Joan na nakatakip ng panyo ang kanyang bibig. Bakit kaya??! ang werd nila. Dahil sa nakikita ko sa paligid ko ay inirapan ko nalang si Geron, at ibinalik ang aking paningen sa aming guro na nagtuturo. Hanggang sa napansin ko nalang na tumigil si Geron sa pangungulit sa akin. At napansin ko din na sumeryoso ang mga katabi ko. Hindi na sila pigil sa pag tawa. Kahit si Joan ay hindi din na niya tinatakpan ng panyo ang kanyang bibig. Nakita ko din eto na nag susulat. Maliban lang kay Bea na bungisngis talaga.
Isang sandali nalang ay dismissal na namin, pagkasabi ng aming guro ng, "okey class, dissmiss see you tomorrow!!" nagtaka ako dahil kumaripas ng takbo sila Geron, Johnson at Jayvee. Ang weird talaga nila. Ganyan naba sila ka atat na makaalis. at kumaripas sila ng takbo paalis.
Niligpit ko na ang gamit ko, hindi ko na din pinansin ang bag ko. Basta ko nalang inilagay ang gamit ko sa loob. Pero napansin ko lang na hindi gumagalaw sila Joan, Cherry at Bea. At nakatitig sila sa akin. Para bang inaabangan nila ang bawat kilos ko.
Nagkibitbalikat nalang ako. Hindi ko nalang sila pinansin, Nang aakmang kukunin ko ang aking bag ay hindi ko eto makuha, hinila ko na pero, parang nakatali eto. Bigla kung tinignan isa isa sila Joan, Cherry at Bea na pinipigilan ang tawa, kumont ang aking noo. Smell so bad! gggggrrrrrrr!!!
Tinignan ko ang bag ko at!! confirm! nakatali nga eto. Aaaahhhh!! sabi na nga ba!! napag tripan ako ng mga mokong na yun! aaaahhhhh!! masamang tingen ang ibinaling ko kila Cherry, Joan at Bea. Hanggang sa hindi na nakapag pigil si Bea at tumawa eto ng tumawa. Humalakhak sa kakatawa.
"ohh!! wala akong kinalaman diyan! hindi ako ang nasa likuran mo, lalong lalo na na hindi rin ako ang katabi mo." dipensa ni Joan, nang binalingan ko eto ng tingen, na nagsasabi na "can you explain" look. Isinunod ko si Cherry na tinignan.
"mas lalo naman ako! nasa harap kaya ako." dispensa din ni Cherry.
Kaya tinignan ko ng masama si Bea, na patuloy parin sa pagtawa,
"oh! oh! easy Chean! relax! hindi ako ang may gawa niyan, maliban sa akin, sino pa ba ang katabi mo at nasa likod mo."
Doon ako napa isip. Tama! kaya pala kahina hinala ang kinikilos ni Geron kanina, at saka hindi ko din pala napansin Kanina si Jayvee.
Tumingen ako sa may pinto! kaya pala kumaripas ng takbo ang tatlo!
"aahhh!! Jayveeeee!!!" sigaw ko.
Tawa ng tawa si Bea, at syimpre nakikitawa din sila Cherry at Joan.
"bat di neyo ako binalaan??!" sabi ko sa tatlo.
"kung sinabi namin sayo, di wala ng nakakatawa! saka okey lang yan, atles tao kana!! hahahaha..." sabi ni Bea na patuloy parin sa pagtawa.
"tama! tao kana! hahaha!! sa wakas napag tripan kana! wellcome to the club!!" sagot naman ni Cherry.
"wellcome to the club friend!" sabi din ni Joan.
"welcome to the club!!" sagot din ng mga kaklase ko na naiwan pa sa loob, pa ngiti ngiti rin ang mga eto.
ggggrrrrr!!! aaahhh!! ibang klase din ang pag wellcome ha! pero totoo naman na ako lang sa grupo namin nila Joan ang hindi pa na pag titripan. Ngayon lang. Bat hindi ko iyun na isip, na pwedeng anytime igogoodtime nila ako.
Kinalas ko ang pagkakatali ng bag ko sa upuan ko. Dun nila kasi tinali. Akala ko tapos na ang pang gogood time nila pero hindi pa pala,
Bigla nalang sumilip si Jayvee sa may bintana kasama si Geron at Johnson, at sabay sabi nilang tatlo na "merry Christmas and happy new yr.!! congratulation!!"
"palakpakan!!" dagdag na sabi ni Johnson at nagpalakpakan din si Geron at Jayvee pati yung kambal na nasa loob pa ay nagpalakpakan din at ngumingiti mga eto. Sinamangutan ko nalang sila.
Pero etong mga kaibigan ko nakatitig parin sila sa akin.
Kaya naman ng aakmain kung bubuhatin ang bag ko ay napa ngiwi ako sa bigat. Oo! as in ang bigat bigat. Sa sobrang bigat ay nabitawan ko ang bag ko at nahilog eto sa baba na kadahilanan na may tumunog sa bag ko. Lumaki ang mata ko, at isa isa kung tinignan ang mga kaibigan ko. Saka binalingan ng tingen ang aking bag, pinulot ko eto mula sa pagkakabitaw ko dahil sa bigat, inilapag ko eto sa desk ko at pag bukas ko sa bag ko,
"aaaahhhhhh!!!! Jayveeeeeee!!" sigaw ko. Alam ko na si Jayvee lang ang makakagawa neto dahil katabi ko so Geron at ka row ko naman si Johnson, at salikod ko si Jayvee, kaya segurado ako na siya ang naglagay ng tatlong pirasong bato na naglalakihan sa loob ng bag ko. Oo!! tatlong batong malalaki ang laman ng bag ko. Kaya pala ang bigat bigat.
At yung mga kaibigan ko ayun tawang tawa. Lalo na etong si Bea at Cherry. Bentang benta sa kanila ang pag gogoodtime nila sa akin ng tatlong ugok na iyon!!.
Hanggang sa paglabas ng classroom ay walang humpay parin ang tawa ng dalawa, todo kung makahalakhak. Si Joan pigil parin ang pagtawa niya, hinahawakan pa niya ang tiyan niya, dahil masakit na daw eto dahil sa kakatawa. At ako, eto ngayon masama ang mukha.
Hindi ko inaasahan na ganito nila ako i gogood time, pag dating namin sa next subject namin, sa next classroom namin nakita ko ang tatlo na magkakatabi. Huumalakhak sa kakatawa etong si Johnson ng makita ako.
Si Geron naman ay titingen sa akin, tapos tatawa at hinhinto sa pag tawa, titingen ulit sa akin at tatawa ulit. Tsk! nakaka bad trip sila.
.
.
.
.
.
Lumipas pa ang ilang araw, ang dating tahimik kung mundo ay nagkaroon ngayon ng mas makulay, at mas maingay. Dahil yun sa mga bago kung kakilala. Mga bago kung kaibigan. Lalo na dahil kay Jayvee. Dahil mas pinamulat niya sa akin ang makulay na mundo. Dahil din sa mga kalokohan niya, sa pagiging bibo niya, sa pagiging weirdo niya, ay naging weirdo narin ako. Salamat sakanya.
Sa pag lipas ng mga araw, linggo at buwan, sa bawat pangungulit at kalokohan ng aking mga kaklase, ay nakikisali din ako. Minsan igogodtime nila ako, syimpre! lintik lang walang ganti. Hahahaha.. Tulad na nga nung napagtripan ulit ako. Nilagyan lang naman nila ng basura ang loob ng bag ko. Pero hindi yung nakakadiring basura ang inilagay nila, yung mga tuyong dahon ang inilagay nila. Sari-sari, tuyong dahon at mga papel. Yan ang mga inilagay sa bag ko. Syimpre dahil naturuan ako ng kalokohan ng mga bago kung kaibigan, gumanti ako.
Katulad ngayon, nasa hardin kami, lahat kaming mag kaklase. Pinag pupulot kami ng mga tuyong dahon at mga basura na nakakalat. At ako naman ay nakaisip ng magandang idea.
Lumingon ako sa paligid, at lahat sila ay busy. Lahat sila ay may kanyang kanyang ginagawa. At dahil dun, kinuha ko ang pagkakataon na iyun.
Kumuha ako ng tuyong dahon at mga papael na punit punit. Pero nakita ako ng mga kaibigan ko, sila sina Joan, Bea, Cherry at Rochelle. Kinindatan ko sila bilanh senyalis na wag silang maingay. Nag okey sign naman silang lahat. Tapos etong si Bea at Cherry ay ang lapad pa ng ngiti. So alam ko na gusto din nila ang gagawin ko. Dahil lahat kami ay napagtripan nila pero hindi pa kami nakakaganti.
Pumasok ako sa loob ng classroom namin, kung saan naiwan lahat dun ang aming gamit, especially ang bag. Pasimple akung pumasok. Pagkapasok ko tumakbo ako at lumapit sa bag ni Jayvee, luminga-linga pa ako sa paligid kung may tao na nakakakita sa akin. At ng maconfirm ko na wala saka ko doon isinagawa ang plano ko. Inilagay ko ang tuyong dahon at punit punit na papel. Nang mailagay ko iyun, luminga-linga ulit ako, at ng wala ulit akong makitang tao na nakatingen sa akin, pasimple akong naglakad at lumabas ng aming classroom at nagtungo sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan.
Pagkalapit ko sa mga kaibigan ko pasimple kami nila Cherry at Bea na nag apiran. Ngumiti naman sila Joan at Rochelle na umiiling.
Hindi pa tapos ang aming paglilinis, nang mag ring ang bell, hudyat na tapos na ang isang oras ng klase, at kailangan naming lumipat sa susunod naming klase.
Nandito kami ngaun sa next subject namin, at walang setting arrangement dito, kaya naman kung saan na kami umupo at pumwesto. Nasa bandang gitna kaming mag kakaibigan, at sina Jayvee at ang mga kaibigan neto ay nasa hulihan.
Wala pang nangyayari sa patibong ko. Hindi pa kasi inunahan ni Jayvee ang kanyang bag. So, hindi pa niya nalalaman kung ano ang inilagay ko sakanyang bag.
"okey class, copy this in youre notebook." sabi ng aming guro.
Hayan na! malalaman na niya! exiting!
Isa!
Dalawa!
Tatlo!
"sino may gawa neto?!" sigaw ni Jayvee. Tumayo eto at inilabas niya sa kanyang bag ang tuyong dahon at mga papel.
Tinignan niya ang mga kaibigan neto. Itinaas ni Geron ang dalawa netong ksmay na parang sumusuko sa pulis,
"Relax dud! hindi ako may gawa niyan!" sabi ni Geron.
"Lalong lalo naman kami!" sabat naman ng kambal. Nang balingan sila ng tingen ni Jayvee.
"Bro! hanep! napag tripan ka din?! hahahaha!!! biruin mo? kung ano yung ginagawa mo, bumabalik sayo! hahaha!!!" sabi naman ni Johnson na tumatawa pa.
"so?! hindi din ikaw ang may gawa neto?!" takang tanong naman ni Jayvee.
"hindi!" sagot agad ni Johnson na umiiling iling pa. "kung sino man ang may gawa niyan! pasasalamatan ko! hahaha!!" dagdag pa na sabi ni Johnson at tumatawa pa eto.
Palihim kaming tumatawang nila, Joan Cherry at Rochelle, pero etong si Bea ay hindi niya mapigilan ang kanyang tawa. Humalakhak eto ng humalakhak sa kakatawa.
"sorry! hindi ko na talaga mapigilan, hahaha!!! yung hitsura niya kasi! hahaha!! hindi ma ipinta yung pagmumukha niya! hahaha!! para siyang bata na inagawan ng candy! hahaha!!! hindi ko inakala na may ganyan ka palang side Jayvee! hahaha!!! " sabi ni Bea na tumatawa pa.
Nabalin tuloy sa amin ang lahat ng tinginan ng aming kaklase.
"so?! ikaw ang may gawa neto Bea?!" Inis na tanong ni Jayvee.
Ikinaway naman ni Bea ang dalawa netong kamay na nagsasabing hindi siya ang may gawa.
"ey! sino?!! " tanung naman ni Geron.
Nilingon ako ni Bea, at ganun din sina Cherry, Joan at Rochelle.
Pinagtingenan naman ako nila Jayvee, Gerin, Johnson at ang kambal. Ganunbdin ang mga kaklase namin, sa akin naka tingen.
Nag peace sign naman ako at ngumiti.
Saka, humalakhak ng humalakhak sina Johnson at Geron sa kakatawa. Umiling iling naman na naka ngiti ang iba naming kaklase. Pero si Jayvee, ngumisi eto, at tinapon niya sa basurahan ang nakuha niya sa bag niya na tuyong dahon at pira pirasung papel. Pagkatapos niya etong itinapon, hindi ko na napansin kung saan na eto nag punta hanggang sa,
"hindi ko inispek na gagawin mo iyon, hindi mo naman sinabi sa akin na gusto mo ng laro. tsk! game kana ba?" bulong sa akin.
Paglingon ko, sa bumulong sa aking taynga ay si Jayvee iyon. Naka ngiti eto sa akin ng nakapalapad na ngiti.
EY! ayuko ng ngiting ganyan. May balak talaga siya sa akin. Patay!
Ewan ko kung anong naisip ko ay bigla kung hinablot ang bag ko saka ako tumayo at lumayo sa kanya. Sa tuwing lalapit siya sa akin ay siya ring paglayo ko. Ewan kung ano nasa isip ko, basta ang gusto ng isipan ko na lumayo ako sakanya. Hindi ko gusto ang pinaplano niya.
Atras! hakbang! atras! hakbang! ganyan ang naging stilo namin ni Jayvee. Habang kabang kaba ako siya naman ay naka ngisi.
Isa!
Dalawa!
Tatlo!
.
.
.