Chapter 30 (Chloue, point of view) . . . . . "mama! ano po etong kukunin neyo sa akin si Maesy? " tanong ni Daddy Warren sa lola ni Maesy. "kukunin ko na siya sayo, sapat na ang paghihirap niya mula sayo. Panahon na para sa akin naman siya. Ako ang ina ng ina ni Maesy na dati mong asawa. Sapat na ang paghihirap at pag dudusa niya mula sa kamay mo." matigas na wika ng lola ni Maesy. "patawad po ma, hindi ko sinasadya na masaktan ko ang anak ko. Nag sisisi ako, bumabawi ako ngayon sakanya," sagot ni Daddy Warren. "hindi na natin maibabalik ang kahapon Warren, nasaktan mo na ang anak mo! kaya sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko ang apo ko!! " "wag naman po ganyan, si Maesy nalang ang meron ako. Si Maesy nalang ang naiwan sa akin mula sa ala-ala ni Sheena! " sagot ni Daddy Warren

