Chapter 47 (Measy, point of view) . . . . . . "Ay! ang ganda! pak na pak!" papuri sa akin ni Veron. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. At parang hindi ako ang nasa salamin. Ang ganda ko nga. Napa ngiti ako dahil pinuri ko ang sarili ko. "teka pala! may kulang saglit at kukunin ko." sabi ni lola. At nagmadali etong umalis sa kwarto ko. Andito kami ngayon sa loob ng kwarto ko, dahil inayusan ako. Pinadala ni papa ang mag aayos sa akin. Ayoko sana, kaso sabi nila tita Gwen, ate Vyda, Veron at lola ay kailangan dahil isang beses lang etong pagkakataon. Araw kasi ng Graduation ko ngayon. Sa wakas graduate na ako. Eto yung pinaka hihintay ko. Mayat maya, dumating na si lola. At may dalang isang kwentas. Isinuot sa akin iyon ni lola. "ayan! bagay na bagay. Buti at naitabi ko

