Episode 03

3425 Words
M.C P.O.V  "Ok Mr.Lewis.Makakarating po kay Boss ang pinapasabi nyo.Goodbye po." Binaba ko na ang landline phone sa desk ko at buntong hiningang sumandal sa upuan ko.It's been 3hrs simula na pumasok ako pero wala namang Travis Lancellot Amadeus ang nadating.Sabi nya papasok sya sa kumpanya nya ngayon so bakit wala pa sya?Inabutan na naman ata ng katamaran ang isang iyon. Bakit kasi naniwala ako sa kanya na papasok sya ngayon eh sinabi nya din sa akin yun ng maraming beses pero ni isa wala syang tinupad na papasok na sya.Ewan ko ba pero pakiramdam ko dissapointed ako dahil umasa talaga ako na papasok sya ngayon. Matapos nya akong isama sa pagpaplano para sa kasal ni Sir Balance kahapon at matapos nya akong ihatid sa sakayan ng bus pauwi sa tinutuluyan ko ay sinabi nya na papasok sya ngayon.Kainis,naniwala ako. Im sure miya-miya lang matatambakan na naman ako ng trabaho.Marami na naman akong papel na makikitang itatambak sa lamesa ko.Late na naman akong makakauwi sa apartment ko at panigurado na magtatampo na sa akin si Eiji. Eiji is my little brother and he's special for me dahil kakaiba sya sa lahat ng mga bata.Eiji has a BrainDown Syndrome.Special child kung baga na may sariling mundo.Nang iwan kami ng Mama namin para sa bago nyang pamilya matapos mamatay si Papa ay sa akin naiwan ang responsibilidad para alagaan si Eiji.Hindi ako nagrereklamo dahil masaya akong alagaan ang kapatid ko pero syempre hindi ko maiwasang malungkot dahil wala akong masyadomg time sa kanya.Hindi ko sya masyadong matutukan ng ayos at laging sa bestfriend kong si Mickey naiiwan ang kapatid ko.Actually hindi alam ni Boss ang tungkol sa kapatid ko,dati kasi nago ako matanggap sa GFI ay maraming company ang hindi ako tinanggap dahil sa sitwasyon ko sa kapatid ko.Kesyo daw mas mabuting sa kapatid ko nalang ilaan ang oras ko.Ginagawa ko naman yun pero kailangan din namin ng pera pang gastos lalo na at nasa medication ngayon ang kapatid ko dahil nalaman namin na may problem sya sa puso nya. Naawa ako sa kapatid ko dahil sa kalagayan nya,minsan hiniling ko na sana ibang tao nalang ang dinapuan ng sakit ng kapatid ko dahil ayokong mawala si Eiji sa akin.Sya nalang ang pamilya ko matapos kaming iwan ni Mama.Kaya ginawa ko lahat para makahanap ng trabaho.Nag apply ako dito sa GFI at inalis ko sa information ko naay kapatid ako na may BDS na sakit.Kaya laking pasasalamat ko ng matanggap ako kaya lang nabawasan naman ang oras ko para sa kapatid ko dahil nga may katamarang taglay ang Boss na meron ako. Nakakainis lang dahil kahit gusto kong maghanap ng ibang trabaho para magkaroon na ako ng oras sa kapatid ko ay hindi ko magawa.Isipin ko palang na magsusulat ako ng resignation letter at ibigay yun kay Boss ay parang hindi ko kaya.Kaya nga kahit maganda alok ni Hans sa akin ay hindi ko parin tinanggap dahil pakiramdam ko pag umalis ako sa GFI ay may parte sa akin na magkukulang.Tanggap ko naman na sa sarili ko na kahit anong pilit kong tago sa nararamdaman ko para kay Boss ay hindi ko na magawang pigilan na bumalik ang paghanga ko sa kanya.Ang ikinakatakot ko lang ay baka mas lumalim ito at maging dahilan para mahirapan akong iwan si Boss.Ayokong umabot sa pagmamahal ang paghangang meron ako ngayon kay Boss kasi iba epekto sa akin.Tulad ngayon,nag expect ako na makikita ko sya dahil sinabi nya na papasok sya pero ngayong sa tingin kong hindi mangyayari yun ay heto ako at nadidissapoint. Dapat si Eiji lang ang iniisip ko eh kaya lang dumadagdag si Boss.Sakit na sa ulo! Umalis ako sa pagkakasandal ko para tapusin ang report ko na ibibigay ko kay Sir Paul ng matigilan ako ng may humintong bulto ng isang babae sa harapan ko na agad kong ikinalingon. Nakatayo sa harapan ko si Ms.Annika Lopez yung isang member ng board na kung magmake up akala mo clown.Yung akala mo sitahin ako nung nakaraang araw dahil hindi ko maiharap sa kanila si Boss eh wagas kung sitahin ako.Dapat pala sinabi ko rin kay Boss kahapon na pinagalitan din ako ng clown na ito para tinanggal din ang isang ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at yukong binati ang clown na nasa harapa ko. "Hello po Ms.Lopez!Ano pong kailangan nyo?" mahinahong tanong ko na ikinangisi nya. "Isa lang naman ang pakay ko dito.Pumasok na ba si Travis?" tanong nya na lihim na ikinataas ng kilay ko. Travis?At kailan pa naging close si Boss at amg clown na ito para tawagin nya si Boss sa First name nya?Dati President Kiosk lang tawag nya ah bakit Travis nalang ngayon. . Teka?Bakit naiinis ako?Nagseselos ba ako?Hindi naman diba. "Nasa loob ba sya ng office nya?" tanong nya pa  "Im sorry Ms.Lopez pero simula ng hindi po sya umattend sa boardmeetings nyo which is ilang linggo na ang nakalipas ay hanggang ngayon ay hindi parin po sya nagpapakita sa kumpanyang ito.Sorry po pero walang Sir Amadeus ang narito sa GFI." ngiting paliwanag nya na ikinangisi nyang muli sa akin. Akala naman nya kinaganda nya yun. "Then tell me where he lives and i'll go with him personally." sabi nya na akala mo kung mag utos ay reyna. "May appointment po ba kayo sa Boss ko?kasi po kung wala ay humihingi na po ako ng paumanhin sa inyo dahil hindi ko po maaring ibigay amg location ng bahay ng amo ko.Private po kasi yun." sagot ko na ikinawala ng ngisi nya at ikinasimangot nya. "It's not of your bussiness if i have an appoinment or not in your Boss.Just tell me where is his house?" inis na reklamo sa akin ng clown na ito. Ano ba kasing pakay nya kay Boss at kung magdemand na mapuntahan ito ay wagas? "Im sorry pero hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo.Makakaalis na po kayo." ngiting sabi ko bago ako bumalik sa pagkakaupo para ituloy ang pag aayos ng report ko ng magitla ako ng hampasin ni Ms.Lopez ang lamesa ko gamit ng dalawa nyang kamay at ng lingunin ko sya ay masamang tingin ang ibinibigay nya sa akin. "And who do you think you are para paalisin ako?I am one of the boardmember of this company and i have the rights to know where your Boss is living!" sabi nya sa akin naay mataas na boses na kulang nalang sigawan ako. Kung makademand akala mo girlfriend. "What's happening here?"  Parehas kaming napatingin ni Ms.Lopez ng dumating si Sir Paul na may pagtataka sa mukha na papalit-palit na tumingin sa amin ng clown ma ito. Umayos ng tayo si Ms.Lopez at ngiting humarap kay Sir Paul. Witch! "Vice President Jimenez im glad you drop by here.May isang empleyado kasi dito na akala mo ay kung sinong magbawal na magbigay ng impormasyon na kailangan ko." sumbong nya kay Sir Paul na ikinaungos ko. Baliw na babae.Pasalamat sya hindi ako pumapatol sa clown. "And what do you want to know from Ms.Soriano?" takang tanong ni Sir Paul sa Clown na maarteng ngumiti. Sarap burahin ng makakapal na make up nya sa mukha.Nakakabwisit na! "I just want to know where Travis lives.Yun lang pero itong sekretarya nya ay masyadong madamot para sabihin sa akin kung saan nakatira si Travis." "At bakit mo naman gustong malaman ang tirahan ni Pres.Amadeus?" tanong ni Sir Paul Bakit nga ba? "Masama bang malaman.Besides it's personal." sagot nito na ikinairap ko. Personal!Ang sabihin nya may gusto sya kay Boss at gusto nya itong i-seduce kaya gusto nyang malaman kung saan nakatira si Boss.Naiirita na ako sa kanya sa totoo lang! "Ms.Lopez si Ms.Soriano ay ang pinagkakatiwalaang sekretarya ng presidente kung nasa rule ni Pres.na walang makakaalam ng tirahan nya ay ginagawa nya lang ang trabaho nya.You don't need to be mad at her." paliwanag ni Sir Paul na lihim kong ikinangiti. Buti nalang kinakampihan ako ni Sir Paul.Ang bait talaga nya. "Wala namang masama kung malaman ko diba?Besides im sure i will be the future Mrs.Amadeus kaya dapat ngayon palang nasa akin na din ang side nyo." Future Mrs.Amadeus?Lakas naman managinip ng clown na ito.Eh wala ngang balak magmahal si Boss eh mag asawa pa kaya!Baliw na talaga ang babaeng ito. Grabe naman iself-proclaim ng clown na ito na future Mrs.Amadeus sya.Lakas mangarap eh wala ngang balak magmahal si Boss eh mag asawa pa kaya! Nakuu!Ipagpilitan pa talaga nya na hingin ang gusto nya makakatikim na talaga sya sa akin. "Ms.Lopez si Ms.Soriano ang pinagkakatiwalaang sekretarya ni Pres. at kung nasa rules nya na hindi ipag bigay alam kung saan nakatira si Pres ay desisyon nya yun." sagot ni Sir Paul na lihim kong ikinangiti. Sa mga ganitong sitwasyon talaga laging nasa side ko si Sir.Paul. May inis sa mukhang binalingan ako ng tingin ng clown na ito.Laki talaga ng problema ng isang ito.Never kong ibinigay sa kanya ang gusto nya baka i seduce nya lang si Boss mahirap na. "Kung ako sayo ibigay mo na sa akin amg kailangan ko!" naiinis na sabi nya sa akin na ikinailing ko nalang. Tumayo ako sa kinauupuan ko at matamis na nginitian ang clown na nasa harapan ko. "Ms.Lopez ipagpaumanhin mo pero hindi ko maaring ibigay amg gusto mo lalo na at confidential informatiom iyon ng Boss ko.Kung gusto mo talagang makita si Boss eh gumawa kayo ng paraan para makita kung saan sya nakatira." ngiting sabi ko na ikinaasar nya. Tingnan ko lang kung mahanap nya si Boss. "You b***h!" bulyaw nya sa akin at hindi ko napaghandaan ang ginawa nya dahil mabilis nya akong hinila palabas sa table ko at malakas na tinulak dahilan para masalampak ako sa sahig at maituon ko ng malakad ang mga tuhod ko sa sahig na ramdam kong ikinasakit ng tuhod ko. "M.C!" rinig kong tawag sa akin ni Sir Paul na agad akong nilapitan. Bwisit!Hindi ako nainform na baliw na ang babaeng clown na ito.Sakit kaya! "Ms.Lopez you should not did this to M.C!She was just doing her job!" sita ni Sir Paul sa adik na clown ito na masamang ikinalingon ko sa kanya at bruha nginisian lang ako. Sobra na amg clown na ito! "Serves her right!Masyado kasing pabida!" ngising sabi nya sa akin. Dahan-dahan akong tinulungan ni Sir Paul na makatayo.Tinatanong ako ni Sir Paul kung okey lang ako pero hindi ako makasagot dahil nakatingin lang ako sa clown na nasa harapan ko. Kung yung Mama ko nga na iniwan kami ay hindi ako tinulak kahit kailan tapos sya lang ang gagawa sa akin nito?Aba. . hindi ata ako papayag nyan. Wala na akong pakielam kung boardmember sya ni Boss hindi naman ako siguro matatanggal kung makatikim ng sampal ang mukha nya dahil self defense ko lang yun. "Okey lang na singhalan mo kong clown ka pero ang itulak ako aba!Hindi na ata tama yun." inis na sabi ko na parang ikinagulat nya. "Clown?At sinong clown ang tinutukoy mo ha?Ako?" asar na tanong nya na ikinangisi ko. "Sino pa ba ang may makapal na make up na akala mo clown na magpapalabas sa birthday party ang tinutukoy?Syempre ikaw alangan naman si Sir Paul." sabi ko na mas ikinaasar nya sa akin. "How dare you!Isa ka lang naman walang kwentang secretary ni Travis dito!" singhal nya na ikinaputol na ng pisi ko. Walang kwentang secretary?bakit alam nya ba ang paghihirap ko para sabihan nya lang ng ganun.Akmang susugurin ko ang clown na ito ng pigilan ako ni Sir Paul. "Sir Paul bitawan mo ko!Isang malakas na sampal at sabunot lang sa clown to!!" sabi ko na pilit pinipigilan ni Sir Paul. "M.C kalma ka lang. ." pigil ni Sir Paul sa akin. "Don't call me clown you witch!" akmang susugod din sa akin ang clown na ito ng pumagitna sa amin si Sir Paul at inaawat kami. "Stop it Girls!"  Mahawakan ko talaga ang buhok ng clown na ito talagang kakalbuhin ko sya!!! "What the heck is happening here?" Napatigil kami at si Sir Paul na umaawat sa amin mg makita namin si Boss na may pagtatakang nakatayo di kalayuan sa amin na naka office attire na lalo nyang ikinagwapo. Damn it!I think im already fell for him. Pero teka!Totoo bang naandito si Boss?Pumasok talaga sya ngayon?Totoo ba to o naghahallucinate lang ako? "Pres.Amadeus your here." hindi makapaniwalang sambit ni Sir Paul na bakas sa mukha ang gulat dahil naandito sa company si Boss na hindi naman pumapasok dito. "Yes im here and im asking kung anong meron dito?" tanong ni Boss sa amin na rinig kong ikinatikhim ng babaeng clown na ikinalingon ko sa kanya.Inayos nito ang sarili nya bago ngiting naglakad palapit kay Boss. Flirt! "Hi!Travis altlast your here." malanding sabi nya kay Boss. "M.C what happened here?" baling na tanong sa akin ni Boss na binalewala lang ang kanyang kaharap. Okey!Hindi ako magsusumbong. . ipapaliwanag ko lang kung bakit naadnito ang clown na ito. "Iyan kasing adik na clown na yan kung makahingi ng address ng bahay mo akala nya eh reyna sya.Syempre ayokong ibigay ng walang pahintulot mo pero anomg ginawa ng adik na clown yan sa akin.Tinulak lang naman nya ako kaya napasubsob ako sa sahig.Boss tinulak ako at tingnan mo ang tuhod ko namumula at nananakit dahil sa bruhang clown na yan." hinihingal na sabi ko na ikinatunganga lang sa akin ni Boss at rinig ko namang mahinang ikinatawa ni Sir Paul na nasa tabi ko. teka!May nakakatawa ba? "Your so cute M.C!Ranting about what happened a while ago makes you cool and cute." puri ni Sir Paul sa akin na bahagya kong ikinahiya ng marinig ko ang sinabi nya. Ranting?Diba sabi ko hindi ako magsusumbong?So bakit ganun ang kinalabasan? "Your secretary is lying Travis." angal nung adik na clown na yun kay Boss. So ako pa ang sinungaling?Sasabunutan ko na talaga ang babaeng yan makita nya! Hindi pinansin ni Boss ang adik na clown na yun at naglakad sya palapit sa akin.Nagulat nalang ako ng bigla syang lumuhod at tingnan ang namumula kong tuhod at alam komg hindi rin inasahan ni Sir Paul ang ginawa ni Boss. "B-boss a-ano bang ginagawa nyo?"  Bumuntong hininga si Boss bago muling tumayo sa pagkakaluhod nya at binalingan ang adik na clown na hindi ron ata inasahan ang pagluhod ni Boss sa harapan. Hindi ko inasahan yun. "Ms.Lopez i knew my secretary well.Hindi marunong magsinungaling ang secretary ko.Besides anong karapatan mong itulak ang secretary ko?And don't you dare f*cking call me on my first name because your just one of my boardmember here.I can fired you for hurting my secretary." sabi ni Boss na ramdam ko ang kaseryosohan sa sinabi nya na ikinakabog ng puso ko. Ganito din ang reaksyon ko ng tanggalin nya si Mr.Guillermo ng dahil sa akin.Damn!Paghanga lang ang alam kong meron ako sa Boss ko pero sa ginagawa nya ngayon hindi ko na alam kung humaganga pa ba ako sa kanya o nahuhulog na ako ng tuluyan sa kanya. "W-what?You can't do that Travis." di makapaniwalang sambit ng adik na clown na ito. "Try me Ms.Lopez." banta ni Boss na ngayon ko lang nasaksihan. Ang Boss na kilala ko ay hindi marunong magseryoso mg ganito pero sa nakikita ko ngayon mukhang seryoso nga sya. "Just leave Ms.Lopez bago pa magdesisyon akong tanggalin ka sa kumpanya ko." sabi pa ni Boss na asar na ikinaalis ng adik na clown na yun. Buti naman wala na amg adik na clown na yun. "Aish!!Bakit naman hinayaan mong itulak ka ng babaeng yun." biglang sita ni Boss sa akin na nakaharap na sa harapan ko. "E-eh!Hindi ko inasahan Boss na itutulak nya ako eh!" paliwanag ko na ikinaismid lang ni Boss. "Tss!" sabi nya lang na ikinalingon nya kay Sir Paul. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong nya kay Sir Paul na ikinangiti nito. "Wala lang dinadalaw ko lang si M.C." sagot ni Sir Paul na ikinasimangot ni Boss. Bakit naman sya nakasimangot?Masama ba ang araw ni Boss ngayon? "Mukha bang Ospital ang Kumpanya ko ha Jimemez?Paseyente ba si M.C dito?Lumayas ka na nga at bumalik sa opisina mo." inis na sita nito kay Sir Paul na bahagyang ikinatawa ni Sir Paul. "Sige na!Aalis na ako.Anyway. .natutuwa akong sinapian kang pumasok sa kumapanya mo." sabi ni Sir Paul na ikinaismid lang ni Boss. Nagpaalam na si Sir Paul kaya kami nalang ni Boss ang naiwan dito sa pwesto ko. Hindi talaga ako makapaniwala na naandito ngayon si Boss sa kumpanya nya. "Magdala ka ng ice pack sa office ko." sabi ni Boss bago naglakad papasok sa office nya. Ice pack?Anong gagawin nya sa ice pack? Kibit balikat nalang akomg sumunod sa utos ni Boss.Mabilis akong pumunta sa Pantry at agad kinuha ang pinapakuha ni Boss.Nang makakuha na ako ng Ice pack ay mabilis akong bumalik at pumasok sa loob ng office ni Boss na nakaupo sa table nya at nakasuot ng reading glass at may kung anong tinitingnan sa laptop nya.Hindi ako sanay na naandito ngayon si Boss sa office nya at nagtatrabaho,seryoso lang sya sa ginagawa nya.Nakakapanibago talaga si Boss. "Boss ito na yung pinapakuha mo." agaw ko sa atensyon nya na ikinalingon nya sa akin. Nakakainis lalo syang gumuwpo sa suot nyang reading glass.Kainis. "Good!Maupo ka sa sofa." sabi nya na takang sinunod ko. Naglakad ako papunta sa sofa nya at umupo doon ng makita ko syang sinara amg laptop nya at inalis ang reading glass nya bago tumayo sa pagkakaupo nya at naglakad palapit sa akin at tabing umupo sa akin.Magtatanong sana ako kung anong gagawin nya sa ice pack na pinakuha nya ng laking gulat ko ng kunin nya ang dalawang binti ko at ipatong iyon sa hita nya na alam kong ikinapula ngayon ng mukha ko.Agad inagaw ni Boss amg ice pack na hawak ko at padampi-dampi nya itong nilalagay sa namumula kong mga tuhod. Ano bang ginagawa ni Boss?Para sa akin ba ang ice pack na pinakuha nya?Kaya ko namang gawin yun eh! "B-boss a-ako na kaya ko na yan!" nahihiyang sabi ko na hindi nya pinansin at patuloy sa ginagawa nya. Damn.Im wearing a skirt at nakakailang ang posisyon naming dalawa.Gosh! "Hindi mo dapat hinayaang saktan ka ni Ms.Lope,Maria." sabi nya na hindi nakatingin sa akin. "Ah--eh. . hi-hindi ko nga kasi inaasahan na gagawin nya yun Boss." sabi ko. Habang patuloy si Boss sa pagdampi ng Ice pack sa tuhod ko ay napatitig naman ako sa kanya.Yung paghanga na meron ako sa kanya ay sa tingin ko ay wala dahil ngayon sa tingin ko tuluyan na akong nahulog sa kanya. Nalalagay ako sa mahirap na sitwasyon ngayon kung saan may nararamdaman na ako kay Boss at malabong masuklian nya ang nararamdaman ko para sa kanya.Isa pa pag nalaman nya ang tungkol kay Eiji ay mas malabong mapansin nya ako.Sino ba namang lalaki ang magmamahal sa may kapatid na may BDS at may sakit sa puso?Wala syempre kaya masasaktan lang ako.Wala naman syang ginagawa para mahulog ako sa kanya pero heto ako mukhang palihim na magmamahal nalang san kanya. "Ayan!Wala na masyado amg pamumula ng tuhod mo.Masakit pa ba?" tanong na lingon nya sa akin na agad kong ikinatango. Hindi nya dapat mapansin na bothered ako sa presensya nya. "Hi-hindi na." mabilis kong inalis ang mga binti ko sa mga hita nya dahil hindi ko na kayang maramdaman ang bolta-boltahemg kuryente na nararamdaman ko dahil sa pagkakadikit ng binti ko sa mga hita nya. Bahagya akong tumikhim at tumayo sa pagkakaupo ko na habol tingin sa akin ni Boss. "Oo nga pala Boss. .Mukhang naextend amg kasipagan mo at talagang tinotoo mo ang pagpasok ngayon ah." sabi ko na malawak na ikinangiti nya. "Syempre naman.Mahirap na baka totohanin ni Taz ang banta nya sa akin." sabi nya ka ikinakunot ng noo ko. Anong ibig nyang sabihin? "Teka!Enlighten me Boss.Hindi ko nagets eh!" sabi ko na ikinatayo nya at humarap sa akin. "Binantaan ako ni Taz na may gagawin sya pag hindi parin ako pumasok sa kumpanya ko.Mahirap na baka totohanin." sabi nya na ikinasimangot ko. So kung hindi sya binantaan ni Sir Westaria ay hindi parin pala sya papasok.Dapat pala noon palang binantaan na sya eh para dati palang sinipag na. "Sana Boss araw-araw kang bantaan ni Sir Westaria para sumipag ka or mas ok kung ituloy ni Sir Westaria ang banta nya para magtino ka na." sabi ko na bigla nyang ikinaseryoso. "Aaminin kong tamad akong pumasok sa trabaho ko Maria pero kaya ko namang sipagin wag lang gawin ni Taz ang banta nya.Hindi ako papayag." sabi nya bago naglakad pabalik sa table nya at seryoso lang na umupo doon. Anong meron?bakit parang nawala sa mood ang isang ito.Ano ba yung banta ni Sir Westaria at mukhang ayaw talaga ni Boss na mangyari yun. "Boss----" "Ano bang schedule ng mga gagawin ko ngayon.Sabihin mo na ng magawa ko na." putol na utos nya sa akin na ikinatango ko lang. "Okay. .sandali lan kukunin ko lang yung hands out ko." sabi ko na akmang lalabas na ako sa office nya ng tawagin nya ako. "M.C. ." Agad naman akong lumingon kay Boss na may kaseryosohan nakatingin na sa akin. "Bakit Boss?" "Loyal na secretary kita diba?" tanong nya na ikinasalubong mg kilay ko. "Diba M.C. .tell me na akin lang ang loyalty mo,na ako lang ang Boss mo." sabi pa nya na lalo kong ikinalito. "O-oo naman Boss." sagot ko nalamg na ikinangiti nya na. "Good!Sige na kunin mo na yung hands out mo para sa schedule ko.Bigla akomg ginanahan magtrabaho." malawak na ngiting sabi nya na ikinatango. Lumabas na ako sa office nya na naguguluhan.Anong meron kay Boss? Weird nya ngayon.As in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD