Episode 05

2787 Words
Chapter 5 -M.C P.O.V- Matapos ang libreng dinner ko kay Boss ay umuwi narin kami sa kanya-kanya naming bahay.Gusto pa nga akong ihatid ni Boss pauwi kaya lang tinanggihan ko dahil narin ayokong malaman nya yung part sa buhay ko inilihim ko.Baka pag nalaman nya ay magdesisyon syang tanggalin ako sa trabaho. Ang totoo,masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay nakasabay ko si Boss kumain.Aaminin ko na yung pagtingin ko kay Boss na itinago ko ay unti-unti na ulit na nararamdaman ko.Alam kong hindi yun maganda para sa akin kaya lang hindi ko na mapigilan lalo pa at nakikita ko na sya at nakakasama sa trabaho. Hanggat kaya ko naman ay itatago ko ang feelings ko sa kanya.Ayokong ang nararamdaman ko for him ang maging dahilan para magkaroon ng gap sa aming dalawa. Kapapasok ko lang sa bahay ng madatnan ko si Mickey na nakikipag laro sa kapatid kong si Eiji ng mapansin nya ako. "Oh friend your here na." bati nya sa akin bago kinuhit si Eiji na busy sa paglalaro ng laruang eroplano nya. "Eiji andito na si Mamay mo." sabi ni Mickey kay Eiji na dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan ko. "Ma-mamay!Halika laro tayo ng epleyn." natutuwang sabi nya na ngiting ikinalapit ko sa kanya. Kahit magkasama kami ni Eiji araw-araw,hindi ko maiwaaang maawa sa kapatid ko.Hindi sya lumaking normal tulad ng ibang bata,walong taon na ang kapatid ko pero dahil sa sakit nya ay hindi sya makapamuhay na naaayon sa edad nya. Authistic ang kapatid ko,pinanganak sya ng Mama ko na may special child.Bata palang sya ng iwan kami ni Mama dahil siguro ayaw ni Mama na mag alaga ng tulad nya.Naawa ako sa kapatid ko dahil nakakulong lang sya sa bahay at hindi pwedeng lumabas dahil delikado sa kanya.May sakit din sya sa puso kaya hindi ko hinahayaan na mapagod sya o magkaroon ng dahilan para atakihin sya.Kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay kaya hindi ako papayag na mawala ang kapatid ko sa akin. Nagpapasalamat nga ako dahil nakilala ko si Mickey at tinulungan ako.Pinatira nya ako sa bahay nya at tinulungang mag alaga kay Eiji pag wala syang ginagawa. "Nahihiya na talaga ako sayo Mickey,dahil sa kapatid ko hindi mo na magawa yung iba mong raket na trabaho." nahihiyang sabi ko kay Mickey na mahinang ikinahampas nya sa akin. "Anong nahihiya ang sinasabi mo dyan?Pwede ba Claire,hindi naman ako umaangal ah tsaka nag eenjoy ako na alagaan si Eiji.Hindi ko man makuha yung ibang raket ko atleast ikaw nagagawa mo yung trabaho mo para sa inyong dalawa.Ako nga dapat magpasalamat dahil kasama ako sa sinusuportahan mo." pahayag ni Mickey na ikinangiti ko. "Mas nagpapasalamat ako kasi binigyan mo kami ng matitirhan ni Eiji." sabi ko na ikinayakap nya sa akin. "Ano ka ba freny!What's friends are for ang peg natin diba?Tulungan lang." sabi nya na ikinatango ko. "Oo nga pala,parang iba ang awra mo ngayon ah." puna ni Mickey sa akin na kumalas sa pagkakayakap at pinakatitigan ako. Anong ibang awra ang sinasabi nito.? Hinaplos ko ang buhok ni Eiji na abala sa pag lalaro.May iba talagang mundo amg kapatid ko,pag may pinagkakaabalahan hindi mo makukuha ang atensyon nya. "Anong awra sinasabi mo dyan?" "Ang awra mo kasi ngayon freny ay hindi tulad dati na pagod.Pag uuwi ka kaya ay deretso ka na sa kwarto at bagsak na sa kama mo.Inuunahan mo nga kaming matulog ni Eiji eh.Pero ngayon,parang ang gaan lang ng araw mo ah." paliwanag nya na ngiting ikinailing ko. Seryoso ba yun?Parang wala namang nagbago ah?nagtrabaho naman ako maghapon yun nga lamg hindi na tulad ng dati. "Gumaan gaan na kasi ang trabaho ko dahil pumasok na sa opisina ang Boss ko." sabi ko na ikinagulat at ikinalaki ng mata ni Mickey na bahagya kong ikinatawa. "Anong reaksyon yan Mickey?" natatawang puna ko sa kanya na umayos ng pagkakaupo at pagkakaharap sa akin. "Seryoso?pumasok na ang tamad mong Boss?" paninigurado nya na ikinatango ko Naikukwento ko kasi kay Mickey si Boss sa kanya lalo na yung mga hindi nya pagpasok at pagtakas sa trabaho nya kaya nga asar itong kaibigan kong iyon sa Boss ko eh. Sa part ni Mickey ay pinahihirapan ako ni Boss kaya minsan gusto nyang sugurin ang kumpanyang pinagtatrabahuan ko para sugurin si Boss kaya hindi naman nya makikita noon si Boss kasi nga laging wala yun. "Anong mushroom ang nakain ng ng Boss mo at pumasok sa kumpanya nya?" di makapaniwalang tanong ni Mickey sa akin. "Mushroom talaga?" "Eh kasi naman Claire,lagi kang nagrereklamo sa akin pag uuwi ka na natatambak lahat ng trabaho sayo dahil hindi nagpapakita ang Boss mo sa kumapanya nya.Lagi ka kayang umuuwing stress kaya nakakagulat na sasabihun mong pumasok ang Boss mo?Anong mushroom ba ang nakain nya at biglang lumitaw ha?" pahayag ni Mickey sa akin. "Kahit ako din naman nagulat nung pumasok sya.Akala ko nagbibiro lang sya pero talagang nagpakita sya sa kumpanya nya at sa tingin ko kahit tinatamad sya ay papasok parin sya." ngiting sabi ko na ikinasalubong ng kilay ni Mickey sa akin. "Teka lang Claire ha!Anong ibig sabihin ng ngiting yan?" puna ni Mickey sa akin na ikinakunot ng noo ko. Ano na namang napapansin nito? "Anong meron naman sa ngiti ko ha?" "Iba eh!Ngiting inspirado,don't tell me masaya kang makita at malaman na pumapasok na sa kumapanya nyo ang Boss mo.Don't tell me na nagkakagusto ka ulit sa kanya?" akusa ni Mickey na hindi ko ikinaimik. Hindi lang kasi ang katamaran ni Boss ang nakukwento ko kay Mickey,nasasabi ko din sa kanya yung feelings ko towards him.Wala akong naitatago kay Mickey kaya lahat alam nya. "Mickey. . ." "Naku freny ha,Cannot be!Alam mong walang mararating yang nararamdaman mo sa Boss mo.Hindi sa nagiging kontrabida ako pero freny,yung Boss mo ay isang multi-billionaire na kahit tamad mayaman parin.Maganda tayo pero ayokong masaktan ka dahil one sided ka lang." mahabang pahayag ni Mickey na hindi ko ikinasagot. Hindi ko naman nakakalimutan ang katayuan ko sa layo ng katayuan ni Boss.Maswerte na nga ako kasi naging Boss ko sya at kahit papaano ay nakakalapit at nakakausap ko sya.Alam ko naman na walang maisasagot si Boss sa nararamdaman ko kaya lang hindi naman masama kung magustuhan ko sya ng palihim lang diba? Tsaka isa pa,hindi ko na naman mapipigilan ang nararamdaman ko eh kasi alam ko namang yung paghanga ko sa kanya ay mas lumalim pa. Isa pa,laging pumapasok sa isip ko ang mga naririnig ko kay Boss na ayaw nyang magmahal.Bakit kasi magmamahal lang ako doon pa sa taong ayaw ng salitang pag-ibig. Tsaka hindi siguro ako ang babaeng magpaparamdam sa kanya ng pag ibig na kinaayawan nya. Hayyyy!Sana makayanan kong matago ang nararamdaman ko kay Boss hanggang sa mawala na ito. "Ang hirap pala Mickey pag nalagay ka sa isang one sided love nuh.Ikaw lang yung may nararamdaman,ikaw lang yung masasaktan." malungkot na pahayag ko kay Mickey na ikinalapit nya sa akin at inakbayan ako. "Huwag kang mag alala freny,mawawala din yan.Gigising ka nalang isang araw hindi mo na sya gusto.Hindi na bumibilis ang puso mo pag nakikita mo sya." Tipid akong ngumiti kay Mickey.Sana nga, sana nga ganun kadali na mawala ang nararamdaman ko kay Boss. "Lagi ko na syang makikita Mickey.Anong gagawin ko?" tanong ko kay Mickey. "Magresign ka na." mabilis nyang sagot sa akin na ikinalayo ko sa kanya na ikinahabol ng tingin nya sa akin. "Mickey. . ." "Don't tell me na ayaw mo sa suggestion ko?Huwag mong i-reason sa akin na hindi mo itatake ang sinabi ko dahil malaki ang sinasahod mo bilang secretary nya at maraming benefits at iniisip mo ang medicational ni Eiji?Claire,maraming kumpanya na mabilis na tatanggapin ka.You have the credentials and good backgrounds." pahayag ni Mickey na ikinabuntong hininga ko. Nilingon ko si Eiji na sa laruang eroplanong nilalaro nya nakatuon ang atensyon nya. Aaminin ko nasa una yun ang goal ko,si Eiji lang dahil kailangan tuloy-tuloy ang medication nya dahil hindi na sya pedeng atakahin sa puso nya dahil pwede nya iyong ikamatay.Ayokong mawala ang kapatid ko sa akin dahil sya nalang ang nag iisang pamilya ko,pero iba na ngayon.Simula ng mapalapit si Boss sa akin,simula ng ng araw na makilala ko si Travis bilang Boss ko doon unang tumibok ang puso ko sa kanya,hindi ko ata kaya na hindi sya makita lalo na ngayon. "Mahirap Mickey pero i want to stay.Kahit na one sided lang itong nararamdaman ko okay lang sa akin atleast nakikita ko sya,nakakausap.Ayoko syang iwan." sabi ko na ikinailing ni Mickey sa akin at naglakad palapit kay Eiji "Hay freny,inlove ka na nga at sa tingin ko,nahulog ka na sa pinakamalalim na pag ibig para sa Boss mo.Patutulugin ko na si Eiji,magpahinga ka na din." sabi ni Mickey sa akin bago lambingin si Eiji na matulog na. Binitawan ni Eiji ang laruang eroplaning hawak nya at patakbong yumakap sa akin. "Mamay tulog na Eiji." paalam nya sa akin na ikinangiti at ikinahaplos ko sa ulunan nya. "Okay Eiji,tatabi mamaya si Mamay sayo ha." sabi ko sa kanya na ikinatango nya bago kumalas ng yakap sa akin at lumapit kay Mickey. "Guard your heart freny Ok." paalala ni Mickey sa akin bago alalayan si Eiji papasok sa kwarto nya. Napabuntong hininga ako ng mawala sa paningin ko si Eiji at Mickey.Ibinaba ko ang bag ko sa upuan malapit sa akin. Paano ko pa babantayan ang puso ko kung sa simula napabayaan ko ng mahulog ito sa Boss ko.Napapikit ako ng maalala ko ang unang araw na makita at makilala ko si Travis. *FLASHBACK* Ito ang huling kumapanyang aapplyan ko ngayong araw na ito.Ilan kasi sa mga inapplyan ko ay nireject ako dahil sa information na nabasa nila sa resume ko tungkol sa kapatid ko kaya ngayon kahit mabigat sa loob ko,binago ko ang file ko at itinago na may kapatid ako.Para naman sa kanya ang ginagawa ko. Sana naman matanggap ako sa kumpanyang ito.Grande Food Industry Company isa the biggest and famous food industry ngayon sa pilipinas kaya ng makita ko na hiring sila ng secretary ngayon ay kinuha ko na ang pagkakataon para mag apply.Ang dasal ko lang sana matanggap ako dahil mas mahihirapan pa akong maghanap ng iba kung dito sa kilalang Grande Food Industry ay babagsak ako. Kailangan maipasa ko ang interview ko sa may ari ng kumpanya.Marami ang nag apply sa pwesto ng secretary ng may ari ng GFI kaya lang pagnakikita ko silang lumalabas ng office nito ay bagsak balikat sila at umiiyak.Mukhang mapili ang Boss ng GFI. Sana naman samahan ako ng swerte sa araw na ito.Ayoking umuwi kay Eiji na bigo. "Ms.Soriano?" Napatayo ako ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko.Nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. "You're the next." sabi nito na ikinatango ko. Huminga ako ng malalim dahil bigla akong kinabahan.Sa ibang company condfidence naman akong humaharap pero bakit ngayon na ako na ang papasok sa Opisina ng may ari ng GFI ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Dapat maging kalmado ako pag kaharap ko na ang may ari ng Company na ito.Tumayo ako ng tuwid,lifted my chin up at boost my confidence. M.C you need to be hired on the secretarial position for your little brother. Malawak akong ngumiti bago naglakad papalapit sa pintuan ng office ng GFI C.E O,nginitian ako nung babaeng tumawag sa ako at sinabihan ng goodluck na ikinangiti ko bago ko binuksan ang pintuan at dahan-dahang pumasok sa loob. Nang makapasok ako sa loob ay iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina na kinalalagyan ko ngayon.Ang lawak kasi at ang daming nakasabit na certificates sa dingding.Mukhang madaming awards ang natanggap ng GFI. Napadako naman ang tingin ko sa isang lamesa na sa tingin ko ay ang lamesa ng may ari ng opisina na ito.Pero nasaan ang may ari na mag iinterview sa akin?Bakante kasi yung upuan eh. Lalapit sana ako sa lamesa ng mapahinto ako ng may isang lalaki na lumabas sa isang pintuan na may kausap sa phone nito.Mukhang di ako napansin dahil dere-deretso lang itong umupo sa lamesa nya. "Hahabol ako Balance ok!Bakit kasi maghahamon kayo ng away ng Gang eh sinakto nyo pa sa hiring ng secretary ko.Sinasadya nyo eh!" sabi nito na halata mo ang pagkaasar sa boses nito. Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa mukha nito.Hindi ko akalain na sobrang gwapo pala ng may ari ng Grande Ford Industry,i don't know but i thought that he's beyond perfect sa mga lalaki na nakita ko. "Aishh!Oo na kasalanan ko bang magpa hired si Papa ng secretarial position ngayon tsaka Bal my friend naisip ko din na kung may secretary na ako pwede na akong sumama sa lahat ng plano ng Gang." sabi nito sa kausap nya na may ngiti sa labi nya. Shemmss.Bakit mas lalo syang naging gwapo sa pag ngiti nya.Bigla nalang akong napahawak sa dibdib ko dahil muli na namang bumilis ang t***k nang puso.Hindi naman siguro na love at first sight ako sa lalaking kaharap ko ngayon diba? "I'll finish this interview then hahabol ako,please lang Balance pakisabi naman kay Taz na malamig pa sa yelo na tirhan ako ng mabubugbog ha." huling sabi nito sa kausap nya bago binaba ang phone nya bago binuksan ang folder na nakapatong sa harapan nya. "Hmmm.Maria Claire Soriano,Hmmm nice credentials,give me a reason para tanggapin kita.Just an advice ayoko ng paligoy ligoy." sabi nito na hindi tumitingin sa akin. Bumuga ako ng hangin bago lakas ng loib na lumapit sa lamesa nya kahit na mabilis parin ang pagtibok ng puso ko.Huminto ako di kalayuan sa lamesa nya bago nagsalita. "Para hindi ako mamatay sa gutom.Kailangan ko ang trabaho na ito para makakain ako tatlong beses sa isang araw." lakas loob na sabi ko na ikinatigil nya sa ginagawa nya at mabilis na humarap sa akin. Mas lalo atang bumilis ang t***k ng puso ko ng mapunta sa akin ang atensyon ng mga mata.He's charcoal eyes,Damn M.C your not having a crush on this man infront of you. "You're hired." biglang sabi nya na ikinatanga ko sa kanya. "Huh?Hi-hired na po ako?" uli ko sa sinabi nya na bigla nitong ikinangiti. "Yeah!Gusto ko yung prangkang sekretarya na tulad mo.Simula ngayon Ms Soriano ikaw na ang sekretarya ko,welcome to Grande Food Industry." pahayag nito na nagpa umapaw sa kasiyahan na naramdaman ko. "Thank you Sir,i'll do my best po bilang sekretarya nyo." masayang sabi ko na ikinangiti nito Geezzz. .i think i already have a crush on him. *End of Flashback* Noong araw na yun sa tingin ko sa mga ngiti nya nakuha ang atensyon ko hanggang sa lumalim kahit na ilang beses nya akong tinatakasan noon sa trabaho.Hinahanap hanap ko ang presensya at ngiti nya na kahit asar na asar ako sa katamaran nya eh hindi mawawala ang katotohanang gusto ko sya. Yung pagod ko kanina biglang nawala ng maalala ko ang araw na yun.Napagdesisyunan ko munang magpahangin sa labas at magpaantok muna.Lumabas ako sa apartment namin ni Mickey at tumayo sa tapat ng apartment namin at pinakiramdaman ang hangin sa labas. Sana nga dumating yung araw tulad ng sinabi ni Mickey na gigising ako na wala ang nararamdaman ko para kay Boss.Kaya hanggat alam ko sa sarili ko na mahal ko si Boss rerendahan ko ang puso ko para hindi ito lumabas at malaman ni Boss. Pumikit ako at pinakiramdaman ang bawat pag ihip ng hangin at pagdampi nito sa balat ko. "Masarap ba ang simoy ng hangin ha?" Mabilis akong napamulat at napalingon sa harapan ko kung saan nakangiting nakatayo si Hans sa harapan ko.Napakunot ang noo ko,bakit naandito ang luko na ito? "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko na ikinalakad nito palapit sa akin "Dinadalaw si Eiji." ngiting sabi nito na ikinairap ko Alam ni Hans ang tungkol kay Eiji dahil ng isang beses na umuwi ako sa apartment namin ay sinundan ako ng baliw na ito.Minsan napunta sya dito at binibigyan ng regalo si Eiji,kilala din sya ni Mickey kaya lang hindi nya daw bet ang lalaking ito "Dinadalaw mo si Eiji ng dis oras ng gabi?pwede ba Hans tulog na ang kapatid ko." sabi ko sa kanya na bahagya nyang ikinatawa. "Sungit ah!Meron ka ngayon?" asar na sabi nya sa akin na ikinasama ko ng tingin ko sa kanya. "Sapakin kaya kita Hans.Ano ba kasi talagang ginagawa mo dito?" Nginitian ako ni Hans bago may kunin sa bulsa ng suit na suot nya.Nakita ko ang maliit na kahon na hawak nya bago tumingin sa akin at iniharap sa akin ang maliit na kahon at binuksan iyon sa harapan ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang blue saphire ring sa maliit na kahon na hawak hawak ni Hans. "Ano yan?" takang tanong ko na biglang ikinaseryoso nya ng tingin sa akin. "M.C. . " "Hans hindi ko birthday para regaluhan mo ko ng singsing.Anong trip m-----" "Will you be my girlfriend M.C?" biglang pahayag nya na pumutol sa sasabihin ko. Aaminin ko na nagulat ako sa sinabi nya pero hindi nakakatuwa ang trip ng baliw na ito ngayon sa akin. "Alam mo ikaw Hans kulang kalang siguro sa tulog kaya nag level up ang trip mo ngayon.Umuwi ka na at matulog,papahinga narin ako." sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob ng apartment namin. Anong naisip ng lalaking iyon at kakaiba ang trip nya ngayon?Siguro may pinagtataguan na namang chicks yun at hihingin ang tulong ko. Baliw talaga ang isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD