"Umiiyak ang puso ko't sumisigaw...bigay na bigay ang pagkanta ni Janine habang sinasabayan niya ang awitin mula sa radyo nang biglang may pumatay dito.Napatigil ito sa pagkanta sabay tingin sa kinalalagyan ng stereo.aba't ang magaling nyang kaibigan pala na si Monique Ang salarin.
Hoyyy!!!Bakit mu pinatay?Kita mu namang nagmomoment Ang tao eh,haysss!,sabi Niya rito sabay irap.
Eh paanu ba naman kasi kanina pa kita tinatawag mula sa labas hindi mu naman naririnig.eh kaya naman Pala nakaconcenrate ka sa pag-emote,akala mu naman kung sino nang broken hearted,bigay na bigay..hay naku day, kung di ko pa alam na manhater ka..naku naku naku!!,sagot naman ni Monique sa kanya sabay irap at flip ng imaginary long hair nito.
Hay naku!, sagot naman Niya rito sabay ingos.
Ano bang atin at napasugod ka rito sa bahay bigla?,tanong nya rito.Naalala nya kasing tamad na tamad itong maglakad lalo na at tirik na tirik pa ang araw,katanghaliang tapat pa kasi.Sa kabilang sitio pa kasi ang bahay ng mga ito at mga 20 to 30 minutes ang lakaran mula doon bago makarating Dito sa kanila.
Himala yata't nakaya mung maglakad sa ilalim ng araw mahal Kong kaibigan.,pang-aasar Niya pa dito.
Hmmpp!!no choice ako eh,umalis kasi yung kapatid ko.ewan kung saan pumunta,kaya walang maghahatid sa'kin dito.,sagot naman ni Monique sa kanya.
oh!eh anu ngang meron at napasugod ka?tanong ni Janine.
Alam mo kasi habang bumibili ako kanina sa tindahan nila Cheska,narinig kong pinag-uusapan nila na aalis na raw papuntang ibang bansa si mam rhea.hindi na nga raw sya aabot sa graduation ng mga bata kasi nga flight na daw nya dalawang araw bago Ang graduation.kaya ang dinig ko sabi nila dun eh mag-oopen daw sila kapitan ng hiring ng kapalit ni mam Rhea sa lunes.,Ani Monique.
Si mam Rhea ay isang guro sa kinder dito sa amin.Mga batang nasa edad dalawa hanggang apat na taong gulang ang mga tinuturuan Niya.Mahirap na trabaho pero maliit lang ang sweldo,kaya siguro naisipan nitong maghanap nang ibang trabaho at sa ibang bansa nya naisipang mag-apply.
Oh,natahimik ka na diyan.,untag sa kanya ni Monique.
Subukan mu kayang mag apply,alam kong kaya mu naman ang trabahong iyon kasi matalino ka at nagcollege ka rin naman,.dagdag pa nito.
Pag-iisipan ko.,sagot ko naman sa kanya.
Pag-isipan mu mabuti Janine.Pagkakataon mu na to para magkaroon ng regular na trabaho.Subukan mu lang.Friday na ngayon.Sa lunes daw ang start ng submission ng application letter ng mga nagnanais mag apply.Kaya mu Yan my friend,ikaw pa.bilib Ako sa'yo eh.,pang-eengganyo pa sa kanya ni Monique.
Oh sige na nga,utuin mu pa ako.Pero samahan mo ako magpasa ng application sa Monday ha.,sabi ko sa kanya.
Okay my friend,no problemo.sige,alis na rin ako.yung mga sinampay ko,baka umulan at mabasa pa.patay Ako Kay mama,hehehe.,Ani Monique at nagmamadali na itong lumabas ng bahay habang nagsasalita.
Naiwan naman si Janine na nag iisip kung mag aapply nga ba Siya o Hindi.