Zoey's POV Sinamahan kong hinatid si Ram sa bus station papuntang Manila. "Ingat ka don Ram, enjoy your vacation! See you sa New year!", sabi ko. Invited ang family nila Ram sa engagement party nila Kuya. "Bye Zoey, enjoy too!", sabi niya. Umalis na ako nang nakasakay siya sa bus. Nagpahatid ako sa SM Baguio para magliwaliw. Kumpara sa SM sa Manila, maliit lang talaga 'to. Eto na ang pinakamalaking mall dito sa Baguio ah. Pumunta ako sa department store para maghanap ng mga regalo para sa pasko. Ang hirap kasi bilhan ang mga taong nasa kanila na ang lahat. Naghanap ako pero lahat naman ng nandoon, hindi nila kailangan. Wala pa akong pera para ipang tapat doon sa mga gamit nila. Nag ikot ikot pa ako pero wala talaga akong makita. Bumalik ako sa hotel na malungkot. Ang hirap naman n

