Chapter 12: Field Trip 2

1295 Words
Zoey's POV "Zoey.", seryosong sabi ni Ram.  "Bakit ang weird mo ngayon, may sasabihin ka ba?", gumagalaw 'yung labi niya na may parang gustong sabihin pero walang lumalabas na tunog. "Do you want to poop? May tissue ako dito." seryoso ko ding sabi. "Zoey, Ram! Tara na!", tawag ni Dani.  "Pag-isipan mo uli 'yang gusto mong sabihin ah, usap tayo ulit mamaya." tumakbo ako papasok uit ng hotel at pumunta sa mga kumpol ng estudyante. Nagt-tour pa din si kuya Carlo sa mga students, well more like nakikipag-kwentuhan nalang.  "Kuya!" sigaw nung mga babae. "May itatanong kami pwede?", sabay hagikgik at kurot at kilig.  "Yeah, sure. Ano 'yon?" sagot ni Kuya Carlo. "Uhm, may GF ka na ba?" "Yes, meron na at engaged na kami.", mahinahon niyang sabi. What? "Aw, sino po 'yung girl?", hindi sinagot ni kuya 'yong tanong pero ngumiti lang siya.  "Ano?! Enganged ka na?!", sabi ko na hindi ko namalayang nalakasan ko ang pagkakasabi. Nagsitinginan sa akin 'yung mga estudyante. "I mean, ha? Engaged ka na?" tanong ko ulit na may mas mahinahong boses.  "Yes Zoey? May problema ba doon?", tanong niya sa akin habang nakangiti. Mean. Humanda ka sa akin mamaya kuya. "Ay wala naman, nabigla lang ako.", sabi ko habang awkward na nakangiti. Nagbubulungan sila na parang gusto akong hampasin.  "Ok, doon naman tayo sa may mini zoo.", sabi niya. Huminga ako ng malalim. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na engaged na sila?! "Mini zoo?! May elephant ba?" Elephant?! Ang stupid naman nitong mga babeng to. Tumawa lang si kuya at kumindat sa akin. Inirapan ko lang siya at naglakad. Nagsasalita salita siya doon pero tingin siya ng tingin sa akin na parang tinatanong kung okay lang ako at nagso-sorry.  Tinignan ko siya at bumulong ng "Im happy for you." Ngumiti lang siya at tinuon na ang mga pansin sa bwisit kong mga kaklase.  "Uy, crush mo siya noh? Kaya ganyan ka maka react? 'Yun ba 'yung 'di ko alam nagseselos na ako ah!" pang-aasar ni Nathan sabay dutdot sa braso ko.  "Bakit ka ba nagseselos eh ikaw naman ang gusto ko?", bulong ko kay Nathan. Nawala 'yung ngiti niya sa sa mukha at napalunok siya.  Nathan's POV Tangina. Hindi ako makahinga. "Talaga? Gusto mo ako? Wala nang bawian ah!", sabi ko, pero alam kong nanginginig ang boses ko. Totoo ba 'to o sinabi niya lang para tumahimik ako.  "Shut up! Nakikinig ako!", sabi niya na parang hindi siya nagtapat ng feelings niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin bigla pero alam kong hindi niya 'yon gusto. Ang saya ko pero may halang guilt. Diba pustahan lang 'to? Pwede ko namang bawiin eh, wala namang kwenta 'yon tsaka samin samin lang tatlo 'yon. Alam naman nila 'yong feelings ko so technically void na 'yon.   Lumapit sa akin si Ram na nakangiti pero parang nang -aasar.  "Narinig mo 'yon? Ako gusto niya. ", maangas kong sabi. Inakbayan niya ako. "Masaya ka pa diyan eh talo ka na nga! Ha-ha!" Pang-aasar ko. "Oo,alam ko eh kung sisimangot ba ako, may magbabago? Magiging masaya nalang ako para sakanya. Hindi ito kompetisyon na kung matalo ka magmamaktol ka. Basta masaya 'yong mahal mo. Maiintindihan mo din pag nag-mature ka na.", sabi niya ng nakangiti. Loko to ah. "At kung sakaling maging kayo nga, don't ever break her heart or I'll break your bones." Anong kakornihan 'yon? Sapakin kita eh. "Kinilabutan ako dun ah, hinding hindi ko siya sasaktan, 'di mo kailangang sabihan 'yan." sabi ko na may halong sarcasm.  "Tara na guys! Tour's over! Lets head to the dining area, may mga pagpipilian kayo  doon may seafoods, beef, chicken, pork, vegetables. Sa desserts marami ring pagpipilian. Ice cream, cake, pastries...." sabi ni Kuya Carlo. Ngayon ka lang makakakita ng President na siya mismo nagt-tour sa guests niya ha.  Ibang klase din 'tong hotel na 'to ha. Nasaan na pala kaya si Gen? Zoey's POV Wow, Zoey what have you become? Kailan ka ba nagsasabi ng mga ganong klaseng cheezy confession. Kukuha na sana ako ng pasta nang may tumawag sa aking pamilyar na boses. Here we go again. "Zoey!" tawag ni Nathan, lumingon ako at binati niya ako ng ngiti. "Tayo na?" tanong niya. "Anong tayo na?!"tanong ko.  "Sabi mo gusto mo ako?" "Gusto lang 'yon noh. Hindi ibig sabihin non sinasagot na kita. Do you think I'm that easy?" tanong ko sakanya sa pinaka mataray na tonong pwede kong ibigay. Hindi ba pwedeng MU? "So, ganito nalang. Pwede ba akong manligaw?", tanong niya.  "Ligaw? Tsk! Gutom lang 'yan!" sabi ko sabay balik sa pagpili ng mga pagkain sa buffet. Please umalis ka na please. You're making things so awkward! "Sige na." pangungulit ni Nathan. Hala ayan na nag pout na siya. Jusko. "'Wag ka na nga mag pout diyan, mukha kang bakla. Oo na!" sabi ko. Why? Ano 'to? Parang may sariling buhay 'yong bunganga ko, utak ko, puso ko. Gumagalaw sila kung sinong mauuna. Paano na 'yong promise ko sa sarili ko. Pagkabitaw ko non may naramdaman akong guilt. Zoey, ano bang ginagawa mo? "Oo na?! Yes! O' sige kain ka!" sabi ni Nathan sabay alis. Aba, ganon na 'yon? Hindi man lang ako sinamahan? Tsk. Ginamit niya ang kahinaan ko para maligawan niya ako?! Asan na ba si Ram? Kailangan kong magreport.  Kanina niya pa akong hindi kinakausap. Hmm, at yung mga magagaling ko namang Bestfriends kasama sina Rick at Reg. Wow ganito pala magka boyfriend.  Oh well, masosolo na kita my FOOD! You're mine. Nagtago ako doon sa may private part ng dining area. Tinawag ako doon ni kuya. Dali dali akong nagtago. Infairness, malaki ang Table. Kasya na ako dito. Susubo na sana ako nang tawagin ako ni kuya Carlo.  "Hoy princess! " sabi niya Kuya sabay g**o ng buhok ko. "Natapon 'yung beef!" sigaw ko. Tumawa lang siya at umupo sa tabi ko. "Hindi ka pa nagk-kwento sa akin ha."  "Sorry, I've been meaning to tell you this. Don't worry, last week lang naman nangyari." sabi niya.  "Does Mom and Dad know?" tumango siya. "Wow, so ako nalang hindi nakakaalam at mukhang mas nauna pa 'yung mga classmates ko. What if wala ako doon sa crowd sasabihin mo ba?!", ginulo niya uli 'yung buhok ko."Kuya, please stop. I'm not a kid anymore."  "Okay, I'm sorry. Hindi ko naman 'yon sasabihin kung alam kong wala ka doon. Hindi lang ako makatyempo." "Kuya, may text, may call." sabi ko.  "Alam ko pero baka malungkot ka. Ako nalang halos kasama mo at nag-alala lang ako na kung malaman mong ikakasal na ako, baka malungkot ka." "Are you insane?! I'm so happy for you and ate Rhia!" sabi ko at ngumiti. "Kuya, I know our family's set-up is not the usual set-up that most families have. We live in different houses, Mom and Dad travels a lot and I could only see them once a month. And you, since I came here in the Philippines I only saw you four times. But it's okay because I understand and the three of you always call me to the point na ako na mismo ang nagsasawa sainyo." sabi ko at nagtawanan kaming dalawa. "I know that they entrusted me to you, but you have your own life kuya, you should live it. I'm fine. Nandiyan naman sila manang at kuya driver na halos tito at tita ko na rin kahit ilang buwan pa lang kami."   Hindi siya nakapag salita at niyakap nalang ako. "What did I ever do to deserve such a smart and understanding sister?" suminghot siya.  "Hoy, why are you crying, its unlike you!" sabi ko.  "You're an adult already. You have to tell me if someone's courting you. Kailangan approved ko muna 'yon Zoey, ha?" sabi niya ng seryoso sa akin. Wow, that's so sudden. Bigla kong naalala na may boyfriend na pala ako 20 minutes ago lang. Sasabihin ko ba? "Actually kuya-" "Don't tell me may boyfriend ka na ha? Zoey, anong sabi ko sa'yo?" sabi niya.  "Kuya, chill wala, I mean actually wala namang nanliligaw sa akin dahil sa mukha kong 'to." Fudge. "Okay, good." sabi niya at umalis na siya.  I hate myself. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD