Chapter 1
Hi everyone my name is Cheska Alejandro.
And this is my story!.
Naglalakad ako ngayon papunta sa simbahan, mag sisimba ako ngayong araw dahil sunday.
Sa ngayon ay malapit na ako sa baclaran church, maraming mga tao ngayon dito sa baclaran, may mga couples na ang sweet, may mga pamilyang masayang naglalakad.
Hindi naman sa naiingit ako, pero nakakaramdam ako ng pananakip ng dibdib, sa edad kong bente-singko ay nag-iisa pa rin ako.
Napabuntong hininga nalang ako nang nasa harapan na ako ng simbahan.
Tiningnan ko muna ang labas ng simbahan bago pumasok.
At umupo sa pinakadulong upuan.
Marami na kasing may nakaupo sa unahan, kaya dito nalang ako sa likuran, para kapag lalabas ako mamaya ay madali akong makalabas.
Hindi pa man nagsisimula ang misa ay lumuhod na ako.
Nag pray ako na sana dumating na ang hinihintay ko — si the one.
Hindi naman sa nagmamadali ako, pero simula pa no'ng una ay hindi ko pa talaga naranasan ang ma in love ng totoo, hanggang sa pa crush-crush lang ako noon.
Hay, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa simbahan ka.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makapasok ako sa loob.
Pumikit na ako para mag dasal.
‘God, I know po, na may plano ka para sa akin, hindi ko man alam ang plano mo, pero God, nagtitiwala po ako sa inyo.
At sana po, kung hindi man kasama sa plano niyo ang mahanap ko ang taong para sa akin, please God, kunin niyo po ang kagustuhan kong mahanap na siya.
Naniniwala po ako sa inyo ng malaki’.
Nang matapos na akong magdasal ay doon ko na napansing umiiyak pala ako.
Pa simpli kong pinunasan ang aking mga luha, palagi kong pinagdadasal ang gano'n. Kung wala man sa plano ni God ang ibigay sa akin ang taong para sa akin, kunin niya na din sana ang kagustuhan kong mahanap pa siya.
Nang tumunog ang kampana ay tumayo na ako.
Nagsimula na rin ang misa at syempre dahil sa mabait ako ay nakinig ako ng maigi.
Pagkatapos ng halos isang oras na misa ay umalis na ako.
Kakain naman ako ngayon ng mag-isa, as usual.
Sanayan nalang talaga.
Palagi naman ganito, hindi paba ako masasanay sa ganitong gawi?.
Papunta na ako ngayon sa Moa, para makapag Starbucks, doon nalang ako tatambay at kakain.
Nag hintay ako ng jeep sa may gilid ng mga nagtitinda, mabuti nalang at may dumaan ka agad na jeep, kaya pumara na ako at sumakay na kaagad.
Mga ilang sandali lang ay nakarating na ako sa MOA, pumara na ako sa may gilid.
“Thank you po manong” saad ko sa driver nang pababa na ako.
Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa, hindi ko nga alam kung narinig niya ang sinabi ko.
Bahala na siya dyan, basta ako, nagpasalamat na sa kanya.
Naglakad ako papunta sa escalator, at agad na tumungtong.
Nang makarating na ako sa taas ay agad akong naglakad sa hallway, pupunta muna ako sa starbucks para maka inom ng kape.
Hindi pa kasi ako nakapag kape. Kaya dali-dali akong pumunta sa starbucks, agad naman akong sinalubong ng malamig na hangin na nang gagaling sa aircon nang makarating na ako sa Starbucks.
Na aamoy ko ang iba't-ibang amoy ng kape at kung ano pang amoy ng mga drinks nila.
Nilibot ko ang paningin ko para sana maghanap ng mauupan ko mamaya, sa di kalayuan ay may nakita akong lalaking nakaupong mag-isa, habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, pero umiwas lang siya ng tingin.
Hindi ko na siya pinansin at pumila na ako para makapag order, hindi naman masyadong mahaba ang pila, mabuti naman.
“Isang Salted Caramel Cold Brew, tall ang size”, sabi ko sa barista nang ako na ‘yung nag order.
Agad namang ginawa ng barista ang order ko, nagbayad na rin ako.
Pumunta na ako sa gilid para hintayin ang inorder ko.
Nagmasid-masid muna ako, habang naghihitay ng order ko, naghahanap na ako ng mauupuan ko na.
May nakita akong walang tao na upuan.
Sakto namang natapos na ang order ko, nagpasalamat muna ako nang makuha kona ito.
Agad ko namang pinuntahan ang upuan na walang tao.
Hay buti nalang at may bakanti pang upuan, umupo na ako at naglabas ng phone, mag scroll-scroll muna ako sa sss.
Sakto naman na may nakita akong nakakatawang memes, natawa ako dahil do'n.
Tumatawa akong mag-isa nang may tumawag sa akin,
Tinago ko na muna ang phone ko sa sling bag.
Bago hinarap ang taong tumawag sa akin.
“Excuse me Ms., that's my seat”, nakatayo ito sa bandang likuran ko, seryoso ang mukha nito, sa palagay ko ay nasa 29 years old na ang lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Sorry Mr., pero ako na ang nauna dito”, magalang na sagot ko sa kanya, kasi totoo naman, ako naman talaga ang nauna dito. Hindi ba?.
“Nag cr lang ako, kaya naiwan ang upuan ng walang tao”.
Seryosong saad niya.
‘So kasalanan ko?’
Gusto ko ‘yun sabihin sa kanya, nakaramdam na rin ako ng inis, pero hindi ko pinahalata at ayaw kong makipagtalo pa sa kanya, masasayang lang ang oras ko. Kaya ang ginawa ko ay tumayo nalang ako, lalabas nalang ako dito, wala ako sa mood para makipag-away pa.
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha.
Naalala ko naman ang mukha ng lalaking nakatitigan kanina.
Ay tama nga siya, nauna siya dito, siya pala ang lalaking nakatitigan ko kanina.
Sige na nga, ako nalang ang aalis.
“Okay, sa'yo na ang upuan na'to”, isinukbit ko na ang sling bag ko, at binitbit ang kapeng inorder ko.
“Thanks”, ngiting ani niya, tsss, anong nginingiti-ngiti niya?, akala ba niya ay gwapo siya?.
Napaikot ang mga eyeballs ko, tsss…. Kainis!.
Well gwapo naman siya, pero nevermind.
Hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan na siya.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, hindi na ako nag aksayang lingonin pa siya.
Hindi ko naman siya kilala para pag aksayahan pa ng oras.
Tuluyan na akong lumabas sa Starbucks, hindi muna ako lumabas ng mall dahil mukhang uulan.
Sa di kalayuan ay may nakita akong mga couples.
Takting mga couples na ito, kung saan-saan nalang talaga.
Nakakainggit, hindi ko man lang naranasan ang gano'n, ang maglakad ng may ka holding hands, ang mag kiss at ang ma hug.
Isa kasi akong certified NBSB, (no bf since birth).
Napabuntong hininga ako, habang naglalakad sa hallway.
Wala namang problema sa akin, kung maglalakad lang ako ng mag-isa.
Pero alam niyo kung ano ang problema?.
Maraming couples ang nakapaligid sa akin, minsan talaga nakakaramdam din ako ng paninikip ng dibdib.
Makita ko lang ang ibang couples na masayang naglalakad ay malaking sampal na para sa akin.
Bakit ba kasi ang tagal dumating?, babad na babad na ako dito oh, di joke lang.
Ipinilig ko nalang ang aking ulo, ayaw kong masira ang araw ko ngayon, lalo na at gusto kong mag enjoy ngayong araw.
Minsan lang akong lumabas dahil busy sa trabaho. Isa akong fashion designer, bata pa lang ako ay nakahiligan ko na ang mag design ng mga damit, may family business kami.
Simula nang mawala si papa, ay ako na ang nag handle ng business namin.
Bukas magtatrabaho na naman ako.
Paulit-ulit lang ang cycle ng buhay ko, nakasanayan ko na rin ang magpuyat kaka drawing ng mga designs.
Pero nakakabawi rin naman kapag natapos na, marami rin ang bumibili ng mga designs namin.
May business partner ako, kaibigan ko no'ng highschool.
So ngayon, ang plano ko ay, uuwi.
Wala naman akong mapupuntahan pang iba.
Ah, kung pupunta kaya ako sa bahay ng kaibigan ko?.
Hmm.. Pwedi rin, matawagan nga.
Kring…kring…, tunog ‘yun ng call.
Tagal pa sagutin, akala mo famous.
“Oh besh, napatawag ka?”, tanong niya nang masagot niya na ang tawag.
“Hey, pwede ba akong tumambay sa inyo?”.
“Pwede naman, pero kasi nandito ang older brother ko mamayang gabi, dito siya matutulog”, sagot niya sa kabilang linya.
Wala namang problema ‘yun sa akin, tatambay lang naman ako saglit.
“Okay lang ‘yan, tatambay lang naman ako dyan, wala kasi akong mapuntahan ngayon.
“Okay sige, hihintayin nalang kita sa condo”, napangiti ako sa narinig.
“Okay”.
Binaba ko na ang tawag, hindi na ako nag aksaya ng oras pa, lumabas na ako sa mall para makaalis na.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa kalsada na ako, palaboy-laboy, joke lang!.
Naghihintay na ako ngayon ng taxi, medyo malayo kasi ang condo ni Chaniz. Kaya taxi ang sasakyan ko.
15 minutes lang kapag nag taxi ako, gusto ko kasi makarating kaagad sa condo niya.
Sa The Aston Place by DMCl Home ang condo ni Cha.
Ilang beses na rin ako nakapunta do'n, kaya alam kona kung paano maka punta do'n.
Natuwa ako nang may taxi na papalapit sa akin. Agad ko siyang pinara, mabuti naman at huminto ito sa harap ko.
Pumasok na ako, agad namang pinaandar ng driver ang taxi.
Makalipas ang 25 minutes ay nakarating na ako, oo, 25 minutes. Dahil naabutan kami ng traffic, nagpasalamat naman ako sa driver, at lumabas, nakapag bayad na ako kanina.
Habang nasa labas ako ay napatingin ako sa makulimlim na langit. Parang uulan pa yata.
Naglakad na ako papasok sa building ng condo ni Chaniz.
Nasa fifth floor ang condo niya, agad naman akong pumasok sa elevator, at pinindot ang fifth floor, marami ang pumasok sa elevator, kaya nasa likuran ako.
Nakalanghap ako ng sari-saring amoy, muntik na nga akong masuka, dahil do'n.
Napatakip nalang ako ng bibig at ilong, grabi ang mga amoy ng mga taong ‘to, hindi naman sila mabaho, pero kasi naghalo-halo ang mga amoy nila.
Nagpasalamat nalang ako nang huminto ang elevator sa fifth floor. Nag excuse ako sa mga taong nasa harapan, mas lalo lang ako nakalanghap ng mga amoy nila.
Takte!.
Nakakahilo tuloy, laking pasalamat ko nang tuluyan na akong makalabas.
Naglakad na ako papunta sa condo ni Chaniz, kumatok na ako nang makarating na ako.
Naka ilang katok pa ako, ano ba ang ginagawa ni Chaniz?, ang tagal namang buksan ang pintu.
Agad akong nagsalita nang magbukas ang pintu, ang buong akala ko ay si Chaniz ang nagbukas ng pintu.
“Bakit ba ang tagal mong buksan ang pintu?”, salubong ko sa nagbukas ng pintu, na tigilan naman ako nang tumambad sa akin ang isang gwapong lalaking nakatayo sa pintuan.
“Hey, who are you”, agad na tanong nito, nangunot ang noo ko dahil sa familiar na muhka nito. Saan ko nga ba siya nakita?.
Hinagod ko siya ng tingin, mula ulo hanggang paa, at ang masasabi ko lang ay ang perfect niya.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya, may makapal na kilay ito, bilugin na mga mata, matangos na ilong at kissable na mga labi.
“Hey stop staring at me, tinatanong kita”, napakurap-kurap ako. Takte!, nakatitig pala ako sa kanya, ngayon ko lang na realize, nakakahiya!.
“Ah, hi, k-kaibigan ako ni Chaniz”, ay talaga naman, nautal pa talaga ako.
Tumango-tango siya.
“Pasok”, malamig pa sa ice ang boses nito, pinaglihi ba sa ice ang lalaking ‘to?.
Nilakihan niya ang bukas ng pintu, pumasok naman ako.
Habang nasa loob na ako ng condo ay iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang lalaking ‘to, ay wait!, kaano-ano niya si Chaniz?, siya ba ang older brother nito?. Pero akala ko mamaya pa uuwi ang older brother niya?.
“Nasa cr pa si Cha, hintayin mo nalang sa sofa”, saad nito, nasa likod ko ito, hindi ko na siya sinagot, bagkus ay tahimik akong naglakad papunta sa sofa.