Continuation of chapter 1

2977 Words
Naninibago ako, hindi ko first time ang makapunta dito, pero first time kong nakapunta nang may ibang tao, pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang lalaki, lumingon ako sa kung saan siya nakapwesto kanina, pero wala na ito. Parang nakita kona talaga siya, hindi ko lang maalala. Ay wait, nangunot ang noo ko nang maalala ang nangyari kanina sa Starbucks, hindi kaya siya ‘yun?. Ang lalaking nakasagutan ko dahil sa upuan?, pero parang hindi siya. “Hey, kanina kapa?”, napa pitlag ako nang marinig ang boses ni Chaniz. Tumayo ako para salubongin siya, at makapag biso-biso. “Hi Cha, hindi naman, kakarating ko lang rin”, nakipag biso na ako sa kanya, sabay kami umupo sa sofa. “Mabuti naman at pinapasok ka ni kuya”, so tama ako?, kuya niya nga ‘yun. “Yeah, napahiya pa nga ako, sinumbatan ko ba naman siya”, sumbong ko naman sa kanya. “What?, really?”, natatawang tanong niya. Tumango lang ako. “Oh wait, tatawagin ko nga pala siya at ipapakilala ko siya sa'yo”, nanlaki ang mga mata ko sa narinig, hindi pwede, masyado nang nakakahiya, tinirayan ko siya kanina sa starbucks. “Sandali” huli na para pigilan ko pa siya, tumakbo na siya papunta sa loob, hindi ko alam pero biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako?, pero bakit naman ako kakabahan ?, wala naman akong ginawang masama sa kuya niya. Hinayaan ko nalang, napatingin ako sa pader nila, doon nakasabit ang mga pictures naming dalawa, nakangiti akong tumayo at dahan-dahan lumapit sa mga pictures. Nakasabit ang mga pictures namin no'ng highschool, ang cute pa namin no'n, pero parang jejemon pa kami sa mga pictures. Gandang-ganda pa kami no'n sa camera na ginagamit namin, pero ngayon, na realize ko napaka jejemon pala. Maraming nakasabit na mga pictures namin. Kung ibang tao ang makakapasok sa condo niya, mapagkakamalan pa kaming magkapatid “Ano kaba naman kuya, gusto ko lang naman na makilala mo ang bff ko”, napalingon ako sa direksyon nila ni Chaniz, hinihila niya ang kuya niya. Baliw na babaeng ‘to. “Besh, lapit ka dito”. Sabi niya habang hila-hila ang kuya niya, ay bakit namimilit?. Lumapit naman ako sa kanila kahit nahihiya akong makaharap ang kuya niya. “Kuya, si Cheska, Cheska si kuya Chollo”, pakilala ni Cha sa amin. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Binigyan ko naman siya nang maliit na ngiti. “Hello po, kuya, nice to meet you”, magalang na saad ko. Kagaya ko ay binigyan niya rin ako nang maliit na ngiti. Omg!, ang gwapo niya. Siguro ngayon ay aaminin kong gwapo siya. “Nice to meet you too”, malumanay na saad niya, tuluyan na akong napangiti dahil sa sinagot niya. “Maiwan kona kayo, may gagawin pa ako”, ika naman ni kuya, ay aalis na kaagad siya?. “Aalis ka na naman kuya?”, si Cha na ang nagtanong, hindi naman kami close para ako pa ang magtanong. “No, doon lang ako sa kwarto ko”, ngiting saad niya kay Cha. “Okay”, sagot nalang ni Cha sa kanya. Tumingin pa ito sa akin bago tuluyang pumunta sa kwarto nito. Agad naman akong lumapit kay Cha. “Ang gwapo pala ng kuya mo”, wala sa sariling saad ko, bigla ka namang natakpan ang bibig ko, bakit ko ‘yun sinabi?. “Oyy, ‘wag mong sabihing crush mo si kuya”, kinurut ko siya sa tagiliran, paano ba naman kasi, ang lakas ng boses, mamaya niyan ay marinig pa siya. “Gaga, sinabi ko lang na gwapo siya”, mahinang sabi ko sa kanya. “Aray naman, kung makakurot wagas”, reklamo niya, hindi ko na siya pinansin at naglakad pabalik sa sofa. Ang oa nang babaeng ‘to, mahina lang naman ‘yun. Umupo ako sa sofa, sumunod naman siya sa akin at umupo rin sa tabi ko. “Nood tayo”, yaya niya sa akin, madalas namin ‘tong ginagawa kapag magkasama kami. “Ano naman ang panunuorin natin”, tanong ko sa kanya, “Crazy beautiful you” napangiti naman ako dahil sa narinig. “Ay gusto ko ‘yan”, saad ko, kaya dali-dali niyang kinuha ang remote at pinaandar na ang tv, nang ma on niya na ito ay pinindut niya ang Netflix at doon kami nanood. Ilang beses ko na ring napanood ang Crazy beautiful you, pero hindi ako nagsasawa. Tahimik lang kaming nanonood, nakasandig ako sa sandigan ng sofa, si Chaniz naman ay nakahiga na, mahaba naman ang sofa kaya kasya ang dalawang tao. Habang nasa gano'n kaming posisyon ay biglang lumabas si kuya Chollo. Napatingin ako sa direksyon niya, dere-derecho lang ito sa kusina, sinundan ko siya ng tingin, ang buong akala ko ay hindi ‘yun napansin ni Cha, pero ang bruha nakatingin pala sa akin. “Ehem, matunaw ‘yan”, nalipat ang tingin ko sa kanya, nakangisi siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Tss, napatingin lang eh”, ngusong sagot ko sa kanya, natawa naman siya. Napailing na lang ako, bahala nga siya diyan. Hindi ko na siya pinansin pa at tinuon nalang ang attention ko sa palabas na pinapanood namin. Inaantok na ako, pero pinipigilan ko lang. Maya-maya lang ay narinig ko ang boses ni kuya Chollo. “Malakas ang ulan sa labas”, pareho kaming napatingin sa kanya ni Cha. “Talaga kuya?”, tanong ni Cha sa kanya, tumango lang siya. “Sobrang lakas?”, singit ko naman. Napatingin siya sa akin, umayos naman ako ng upo. “Yeah, and kumikidlat rin”, bigla akong tumayo at pumunta sa bintana ng condo ni Cha, sinilip ko kung malakas ba ang ulan. At oo nga, malakas ang ulan. Hindi namin napansin ni Cha ang ulan dahil nakasirado ang mga curtains sa sala. Paano pa ako makakauwi niyan?. “Malakas ba?”, napalingon ako kay Cha, nasa tabi kona siya at sumisilip din. “My God, baha na siguro sa baba”, ani niya pa, malaki ang posibilidad na baha na talaga sa baba. Isinara ko na ang kurtina, at naglakad pabalik sa sofa, lihim akong napatingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng sofa, nanonood rin ito nang palabas sa tv. Umupo ako sa sofa, namomobrelima ako ngayon kung paano pa ako makakauwi nito, kahit kailan ay hindi pa ako nakakatulog dito sa condo ni Cha. Tumabi naman sa akin si Cha, sumandig siya sa balikat ko. Tinapi ko naman ang ulo niya ng mahina, pero ang gaga, ang oa kung makapag react. Ang lapit pana man ng kuya niya. “Aray ko naman Che”, oa na sabi niya umayos siya ng upo. Takteng ‘to alam naman niyang ayokong may sumasandig sa balikat ko. “Ang oa mo naman, ang hina lang no'n eh”, sagot ko sa kanya, sinamaan niya ako ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba siya pa talaga ang may ganang tumingin ng masama huh. “Kaya ka hindi nagkaka boyfriend kasi napaka sensitive mo”, nginusoan ko lang siya. Ito na naman siya. “Excuse me?, nilalaan ko ang balikat ko para sa future bf ko no!”, “Talaga lang huh, yun ay kung meron kapang future boyfriend niyan”, sinamaan ko siya ng tingin, aaminin kong nasaktan ako ng kaunti sa sinabi niya, pero hindi ko nalang pinahalata. Natahimik ako ng ilang sigundo, napansin naman iyon ni Cha. “Hey, I'm just kidding” niyakap niya naman ako, pero hindi ko siya niyakap pabalik, hinayaan ko nalang siya ang yumakap sa akin, sa huli ay nanalo ang katahimikan. Lumipas ang ilang oras ay nasa condo pa rin ako ni Cha, walang hinto ang ulan. Kaya hindi nalang ako pinauwi ni Cha, tapos na rin kaming kumain, dalawa lang kami ang kumain, dahil busog pa daw si kuya Chollo. Naghuhugas ako ngayon ng plato, si Cha naman ay nanood pa rin ng tv, natapos na kanina ang pinanood naming Crazy beautiful you, hindi ko lang alam ngayon, kung ano ba ang pinapanood niya. Nagbabanlaw na ako ng mga plato, nang pumunta si kuya Chollo sa kusina. Kakain na siguro siya. “Ikaw ‘yun kanina diba?”, malapit ko nang mabitawan ang baso na hinuhugasan ko nang magsalita siya. Napalingon ako sa kanya, kumuha siya ng baso at kumuha ng tubig sa jar. “S-saan po?”, maang-maangan ko, baka kasi nagkamali lang ako. “Sa starbucks”, tumingin naman siya sa akin, tapos na siyang uminom ng tubig, at ngayon ko lang napansing nakahubad pala siya ng pantaas, bumaba ang tingin ko sa katawan niya, hanggang sa natigil ang mga mata ko sa kanyang matitigas na tiyan, ay shet! six pack abs. “Done?”, natigilan ako at bumalik ang tingin ko sa mga mata niya, mataman niya akong tiningnan. Napakurap-kurap ako. “Gusto mo bang hawakan?”, nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pwede ba?, Napalunok ako sa sinabi ng aking isip, takte!, inaakit niya ba ako?. Iwinaksi ko ang iniisip, hindi ako gano'ng klaseng babae. “Sorry pero, sa iba mo nalang ipahawak niyan”, iniwas ko ang tingin sa kanya, inatupag kona ang naiwan kong hugasin, dalawang baso nalang naman ang naiwan. Bigla naman siyang lumapit at nilapag ang ginamit niyang baso sa harapan ko, medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya, ang lapit ng katawan niya sa akin, ilang pulgada nalang ay magdadampi na ang kamay niya sa kamay ko. Napasinghap ako dahil do'n, takte, bakit ba siya ganito?, dahil ba sa sinungitan ko siya kanina sa Starbucks?. Hindi ko naman sinasadya ang sungitan siya. “Sa susunod na sungitan mo pa ako, hindi lang ito ang gagawin ko sa'yo”, bulong niya sa akin, napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niyang ‘yun. Nanghihina na ang mga tuhod ko sa posisyon namin, ano ba ang problema niya?. Pero sa halip na tapusin ang ginagawa ay, may naisip akong kalukuhan, total hindi naman makikita ni Channiz ang ginagawa namin ni kuya Chollo dito sa kusina, dahil tutuk na tutuk ito sa pinapanood. Bigla ko siyang hinarap, alam kong nagulat siya sa kinilos ko, pero wala akong pakialam do'n, ang lapit na namin sa isa't isa, kunting galaw ko lang ay tiyak na mahahalikan ko na siya. Nagkatitigan kaming dalawa, hindi naman ako nagpatinag, nilabanan ko ang mga tingin niyang nag-aalab, gustong-gusto kong haplusin ang gwapo niyang mukha, pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito tama, kuya siya ng kaibigan ko. Ning hindi ko nga alam kung ilang taon na ang mukong nato. Nanlaki ang mga mata ko ng hapitin niya ang bewang ko. “Hindi kaba natatakot sa pwedeng mangyari sa atin?”, bulong pa ring ani niya. Ewan koba pero hindi ako kinakabahan sa kung ano man ang pwedeng mangyari ngayon sa amin, siguro dahil nasa malapit lang si Cha sa amin, hindi naman siguro niya gagawin ang kung ano man ang nasa isip ko, lalo na't nasa malapit lang ang kapatid niya. “At bakit naman ako matatakot?, alam ko namang hindi mo magagawa ang gusto mo, lalo na't malapit lang sa atin si Cha”. Hindi ko na napigilan ang sarili kong haplosin ang maamo niyang mukha. Napapikit siya dahil sa ginawa ko. Hindi ako expert pag dating sa ganito, hindi ko din nagawa kahit kanino ang ganito. Ewan ko ba, siguro dahil na a-attract ako sa kanya no'ng nakita ko siya dito kanina, kaya ko ito ginagawa. Mas lalo niya lang nilapit ang katawan ko sa kanya, kaya dama ko ang matitigas niyang abs, dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gusto ko siyang itulak pero parang ayaw ng katawan ko. Hindi ko pa rin siya nagawang itulak nang dinampian niya ako ng halik sa ilong. Parang gusto kong kumuntra dahil sa ilong niya lang ako hinalikan. Matapos niya akong halikan sa ilong ay nilayo niya ang kanyang mukha sa akin, pero ang kamay ko ay nanatili pa rin sa mukha niya. Ilang beses akong napalunok, nagkatitigan na naman kami. God, this man drive me crazy. “Besh, matagal kapa ba?”, mahina ko siya tinulak nang marinig ang boses ni Cha. Hindi kami kita sa kusina, dahil may nakaharang na pader, kaya siguro mataas ang confident ng mukong nato, kasi hindi kami makikita ni Cha. “Papunta na ako diyan”, sagot ko naman kay Cha. “Pasalamat ka nandyan si Cha”, saad niya habang nakangisi. Akala niya naman, uurungan ko siya. Inirapan ko siya at akmang aalis na ako nang hawakan niya na naman ang kamay ko. “Ano ba ang gusto mo?”, taas kilay na tanong ko, isa pa, malilintikan kana!. “You”. “You you mo mukha mo”, iwinaksi ko na ang kamay niya, narinig ko pa siyang tumawa pero hindi ko na siya nilingon pa at dali-dali na akong naglakad papunta sa pwesto ni Cha. Nakadapa ito sa sofa, habang nanonood ng movie. “Ano ‘yang pinapanood mo?” napatingin naman siya sa akin, tinaasan niya ako ng kilay. Bigla nalang lumakas ang pagtibok ng puso ko, s**t!, baka nahalata niya?. “Bakit ang tagal mo?”, kung hindi lang sana gago ang kuya mo, kanina pa ako nandito. “K-kasi, nag usap pa kami ni kuya Chollo”, tumango-tango lang siya. Umupo ako sa paanan ng sofa, dahil hindi ako makaupo sa sofa, nakadapa pa rin kasi si Cha sa sofa. Ayaw ko namang istorbohin sa pwesto niya. Tiniklop ko ang dalawang paa ko at pinatong ang dalawang kamay ko sa mga tuhod at pinatong ang baba ko sa mga kamay na nakatiklop. Jadine ang pinapanood niya now, On the wings of love ang title. Tahimik lang kaming nanonood na dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang may tumabi sa akin, napatingin naman ako sa tumabi sa akin, sino pa ba ang tatabi sa'kin, bukod kay Cha?. Ede ang magaling niyang kuya. Dios ko!, ito na naman siya. Ngumisi lang siya sa akin, hindi pa rin siya nakasuot ng damit, hindi ko na siya pinansin pa, umusog ako ng kaunti palayo sa kanya, hindi kona siya pinansin pa at tinuon nalang ang pansin sa pinapanood. Nanlaki ulit ang mga mata ko nang maramdamang may kamay sa bewang ko, taas kilay kong tiningnan ang lalaking nasa tabi ko. Letche!, ano na naman ba ang problema niya, pa simpli kong tinapi ang kamay niya, pero hindi siya nagpatinag, umusog pa ako ng kaunti palayo sa kanya. Walang ilaw ang sala, tanging tv lang ang nagsisilbing liwanag. Kaya medyo madilim sa pwesto namin, hindi ko naman siya masisisi kung nag te-take advantage siya sa akin, dahil nagawa ko rin naman ‘yan kanina. Natatakot lang ako na baka mahuli kami ni Cha. Tinuon ko nalang ang paningin sa palabas, at hindi na siya pinansin pa, hindi naman gumagalaw ang kamay niya, kaya okay lang din. “Cha, pahingi ako ng isang unan”, saad niya sa kapatid niya, tumayo siya para kunin ang unan kay Cha, napalingon naman si Cha sa kanya, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin nito. Letche, hindi paba tumitila ang ulan?, gusto ko ng umuwi. Naramdaman ko namang may unan sa may bandang likod ng ulo ko. Kanina pa sumasakit ang batok ko, tinitiis ko lang, napalingon ako sa kanya, nakatingin siya sa akin. “Sumandal ka”, napalunok ako ng wala sa oras nang bumulong siya sa akin. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko, napakurap-kurap ako, pero agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya. Dahan-dahan naman akong sumandig sa unan na nilagay niya. Nasa gano'n lang kaming posesyon, ibinalik niya naman ang kamay niya sa bewang ko. Dahil sa gaga rin ako, ay gumanti din ako, dahan-dahang hinawakan ng kanang kamay ko ang kamay niyang nasa bewang ko, hindi naman siguro mahahalata ni Cha ang posesyon namin, ewan ko lang kung nahahalata niya na ba ang kinikilos namin ng kuya niya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Masayadong mabilis ang mga pangyayari ngayong araw, hindi ko din alam kung bakit ako mabilis magpadala sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Hindi naman ako ganito dati, lalo na kung hindi ko masyadong kilala ang tao. Pero ngayon ay para akong sunod-sunoran sa kanya. Mabilis kong binitawan ang kamay niya nang gumalaw si Cha, paharap. Gano'n din naman siya. Nagkunwari akong inaantok na, humikab ako sakto namang nahulog ang unan na nasa batok ko. Tumayo si Chollo, hindi ko na siya tatawaging kuya, parang hindi naman kapatid ang turing niya sa akin eh. “Matulog na kayo, masyado ng late”, saad niya sa amin, at talagang sa kanya pa galing?, paano pa ako makakatulog sa ginawa niya?. Tumayo na rin ako na parang casual lang, pinatay na din ni Cha ang tv. Nanatili akong nakatayo sa gilid para hintayin si Cha, na ngayon ay nag aayos ng sofa, ang buong akala ko ay umalis na si Chollo pero nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya, pero agad rin siyang bumitaw sa kamay ko nang lingonin kami ni Cha. Tss, takot lang niya kay Cha. “Tara na besh, inaantok na ako”, lumapit sa akin si Cha at hinila na ako papunta sa kwarto niya, nilingon ko pa si Chollo, nakatingin lang ito sa amin, binawi ko na ang tingin sa kanya, at sumunod na kay Cha. Lihim akong napangiti, duda talaga akong makatulog ngayong gabi. Hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari bukas pero bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD