Chapter 2

1280 Words
*** Ang malakas na pagtunog ng alarm ang agad nagpagising kay Lorenzo. Sa kaniyang pagbangon, napansin niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Parang may kung anong naghahabulan sa kaniyang dibdib. Napalingon siya sa side table. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang alarm clock kaya dinampot na niya ito at agad inihagis sa kung saan. Lumikha ng matining na tunog ang ginawa niya nang may matamaang babasagin sa dulo ng silid. "What's that?" pag-ungol ng babaeng katabi niya pala sa kama. "Who are you?" usisa ni Lorenzo na tumayo na rin mula sa king size bed. "Why are you still here?" Agad siyang nagsuot ng boxer para matakpan ang sarili. "Let me sleep some more, okay?" tugon ng babaeng palagay niya'y walang ano mang saplot. Pumikit lang ito at nagtalukbong ng kumot. Napasapo siya sa kaniyang noo nang gumuhit ang pagkirot nito. Hindi niya maalala kung saan niya nakilala ang babaeng ito. But he doesn't care. Maybe she's just somebody na napulot niya sa bar kagabi. Saka lang niya napansing magulo ang kama at naglaglagan na sa lapag ang ibang unan niya. Despite his throbbing head, isa-isa niyang dinampot ang mga iyon. Sa hitsura ng paligid, mukhang matinding sagupaan ang naganap kagabi. Bahagya siyang nagtaka kung papaano nangyari iyon, pero hindi na niya gaanong inintindi. Medyo nauuhaw siya, kaya naglakad na siya patungo sa fridge na mayroon mismo dito sa room. He needed water dahil for the umpteenth time, dinalaw na naman siya ng isa sa pinakamasama niyang bangungot. The last day that he saw Dina, and unfortunately, it was the day that she jumped to her death. Mula sa makakapal na kurtina, nakikita niyang sumisilip ang maninipis na sinag ng araw. He slowly pull a string and the dark blue curtain automatically slids to the sides, revealing his floor to ceiling windows. His cozy bedroom is now naturally lit by the sunshine that's almost reaching the middle of the sky. Marahan na siyang uminom ng tubig habang nakatanaw sa malayo. Everything seem so peaceful. But his heart is still unsettled. Ilang buwan pa lang mula nang mangyari iyon. Hindi na para magulat si Lorenzo na hanggang ngayon, binabangungot pa rin siya tungkol kay Dina. Sa lahat ng babaeng nakilala at nakasama niya, ito lang ang pinakatumatak sa isipan niya. Kaya siguro hanggang ngayon, wala pa rin siyang ibang nahahanap na babaeng mamahalin at babaeng makakapagpaligaya sa kaniya... sa kama. He knows he can have s*x anytime with any girl, but nobody can fill his hunger. And he will be a fool if he listen to that therapist na nagsasabing isa itong fetishistic disorder. He cannot accept that. Why did he even listened to his friend Phillip when he said he needed to visit a psychologist? Hindi naman siya uto-uto. Nagpakawala siya nang malalim na pagbuga sa hangin bago siya nagpunta sa banyo. Alam niya ang kailangan niyang gawin ngayon. *** Hinihingal na si Lorenzo, pero sa kabila nito, patuloy pa rin siya sa ginagawa. Matapos makapaghilamos at makapagpalit sa kaniyang fitted shirt and black shorts, dito siya dumiretso sa kaniyang workout room. Kahit halos maubusan na siya ng hininga, nag-uunahan pa rin ang kaniyang mga paa sa ibabaw ng treadmill. It feels as though he is having a race against himself. Ramdam niya ang pagtagaktak ng pawis sa gilid ng kaniyang noo. His mouth is as dry as hell. But he doesn't give a d*mn. This is his everyday routine, ang mag-exercise sa loob ng kaniyang workout room— ang isa sa mga kuwarto ng condo kung saan siya nakatira. Narito ang lahat ng equipments niya to keep his body and his muscles fit. Kahit late siya magising dahil sa late night rendezvous niya with some other girls, sinisiguro niya ang makapag-exercise. Kailangan niya itong gawin, hindi lang para maging healthy, pero para hindi siya magmukhang mahina. He wanted to look strong and reliable. That's what every girl wants. A handsome face and perfect body is the reason why every girl drools everytime they set their eyes on him. Its a plus factor that he looks innocent. Little did they know he is cunning as a snake. Pinindot niya ang button sa harap niya para mas lalong mapabilis ang treadmill. Mas lalo pang nag-unahan ang kaniyang mga paa. Idiniretso lang niya ang tingin sa labas ng bintana habang tumatakbo. Kasalukuyan siyang nakatira sa pinaka-luxurious condo ng Lamina— ang Diamond Empire Condominium. It sits right in the center of one of the most developed city in the country. Mayroon itong majestic view ng napakagandang Lamina Bay na kasalukuyan niyang nakikita mula sa naglalakihang bintanang salamin. Ang kapayapaang hatid ng malawak na asul na dagat. Ang masayang paglipad ng grupo ng mga ibon sa malayo. Ang pagkislap ng tubig dahil sa sinag ng araw. For him, living here is perfect. It's perfect in a way dahil sa ganitong paraan, inaakala ng mga babae na mayaman siya. So naturally, ang mga ito na mismo ang lumalapit sa kaniya. He is not rich. Actually, he will soon be broke as f*ck. Kung bakit pa kasi niya kinalaban ang dad ni Dina. Inilabas lang naman niya sa media ang isang article na nagsasabing ang namununo sa One World Group ay connected sa mafia, at isa sa mga hobby nito ay ang saktan ang anak nito sa labas. Lorenzo thinks, that's when everything started to go wrong. Akala niya noon, nagtagumpay siya sa nagawa niya dahil nalaman niyang hindi na sinasaktan si Dina ng dad nito. But he lost her when she fell deep into depression, thinking that her father doesn't love her anymore. Dahil nga, hindi na ito binibigyan ng 'atensyon' sa pamamagitan ng pananakit nito. That kind of mentality is sick, but Lorenzo knows that some other people out there is also experiencing that. Pakiramdam niya, ganoon din ang kaso ng kaniyang ina noong bata pa siya. Noong kasama pa niya ito. Its true that somehow, he had change. He fell out of love because of something that he still doesn't quite understand. Eversince then, ramdam ni Lorenzo na may nagbago na. Hindi kay Dina, pero sa kaniya— sa nararamdaman niya para kay Dina. Malinaw pa rin sa kaniyang isipan ang sandaling napagtanto niya ang bagay na iyon. Huminto siya sa pagtakbo para lingunin ang two-way door ng workout room. Paminsan-minsan, nai-imagine niya si Dina na nakatayo sa mismong silid na ito, suot ang kaniyang maluwang na tshirt. "Hi! Do you like it? Saka pa lang nagising si Lorenzo mula sa malalim na pag-iisip nang mapansing may kaharap na pala siyang babae. Biglang kumulo ang kaniyang dugo nang makitang suot nito ang isa sa kaniyang tshirt. "Bakit nandito ka pa rin? And why are you wearing that? Hubarin mo 'yan!" utos niya na halos pandilatan ito ng mata. The gorgeous girl just gave him a teasing smile. "Are you sure?" Nagsalubong lang ang kilay ni Lorenzo nang mapagtantong mukhang underwear lang ang suot nito. Hinawakan ng babae ang laylayan ng tshirt at akmang huhubarin iyon nang pigilan niya ang mga kamay nito. "Stop that!" Pinatalikod na niya ito at iginiya patungo sa pinto. "Just go!" Napapalingon ang babae na takang-taka sa sinabi niya. Kaagad din itong nagpumiglas at muling humarap sa kaniya. "Are you sick? Wala ka bang naaalala sa inalok mo sa akin kagabi?" Bahagya nitong iniangat ang dulo ng tshirt para ipakita ang itaas na bahagi ng binti nitong mayroong manipis na pasa. "After giving me this, palalayasin mo ako?" Tila bigla namang may nabuhay sa kalamnan niya habang nakatitig siya roon. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Hindi niya rin ito maintindihan. Hindi niya kasi maalala ang tungkol sa sinasabi nito. Masyado ba siyang nalasing kagabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD