Maganda ang tinakbo ng aking career dito sa Pilipinas. Kasalukuyan ako ngayong nagtuturo sa isang private school dito sa Maynila at maayos ang kinalabasan ng aking pagtuturo. Nagkita kita na kami nina Liza at sina Faye. Marami na talagang nagbago sa kanila at nagulat na lamang ako nang malaman kong ikakasal na pala sila ni Brent. Nagkabati na raw sila sa tulong nina Liza. Nang dahil sa akin ay nagkakila kilala sila at naging magkaibigan din. Ang gaganda nila at ang gwapo pa rin ng kanilang mga fiance. Marami talaga kaming napag-usapan noong first week ko rito at sila pa talaga ang nag surprise sa akin. At sa ngayon nga ay nasa school ako at lunch break namin. "Mga madam at sir, may meeting daw tayo mamayang alas kwatro ng hapon sa conference room." Ani ni Sir Villalobos. "Tataasan

