Maagang nagising si Leopard ng araw na iyon. Kahit lango pa rin siya sa alak ng nagdaang gabi. Balak sana niyang pumasok sa opisina ngayon. Nais niyang makita si Alex, lalo na at hindi man lang niya ito nakumusta. Alam naman niya sa sarili na napakalaki ng kasalanan niya sa kasintahan. Pero heto siya ngayon at dinadagdagan pa ito. Pagbaba niya sa kusina at naabutan niya sa dining room ang Mommy Liezet at Daddy Leon niya na nag-aagahan. Nandoon din si Eloisa na wari mo ay walang nangyaring sagutan sa kanila ng nagdaang gabi. Nakangiti pa ito sa kanya na akala mo ay mahal nila ang isa't isa. "Good morning mom, dad." Bati niya sa mga magulang at naupo na din sa dining table. "Good morning." Ani pa ng Daay Leon niya. Tiningnan naman siya ng mommy niya na wari mo ay sinusuri. Hindi na lang

