"Mom." Mahinang sambit ni Leopard ng makita niya ang mukha ng babaeng, nagsabi na maglilinis ng kwarto ni Alex. Nakatulala lang siya dito, at hindi man lang magawang ikilos ang katawan. "Ga. Okay ka lang?" Tanong ni Alex, ng tango lang ang naisagot niya. Ang kanyang tingin sa babaeng iniisip niyang mommy niya, ay hindi niya magawang alisin. Matapos mapalitan ang nalagot nitong rubber band, ay nagpalit na rin ito ng facemask at tinuloy ang paglilinis. Hindi naman alintana ng babae ang mga titig ni Leopard sa kanya. Si Tisoy naman at Tolits ay hindi na pinansin ni Leopard ng magpaalam ang dalawa para bumili ng pagkain. Hindi kasi niya alisin ang tingin sa babaeng nagwawalis na ngayon. Pakiramdam niya, pagkumurap siya, mawawala ito sa paningin niya. Nang tapos na sa ginagawang pagwawalis

