Mula ng malaman ni Alex na may asawa na si Leopard mula mismo sa asawa nito ay pinilit niyang tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Mabilis niyang inayos ang gamit niya at gumawa ng resignation letter. Tinungo niya ang HR at hinanap si Ms. Marie. "Ano ito Ms. Dimagiba?" Takang tanong ni Ms. Marie ng mapansin niya ang namumugtong mata ni Alex "It's a resignation letter mam effective today." Seryoso niyang sagot. "Why? Wait! Bakit naman napakabiglaan? Maayos naman ang trabaho mo. Ang isa pa, alam kong hindi papayag si Mr. Asuncion kung aalis ka ng bigla ng hindi niya nalalaman. Keep it Alexa. Hindi ko matatanggap iyan." Malambing pa nitong tugon. "No, Ms. Marie. Whether you like it or not. Aalis at aalis ako. Magreresign at magreresign pa rin ako. Kaya tanggapin na sana ninyo iya

