Hapon na ng makarating sila ng bahay. Nagkukulitan pa si Alexandra at si Alexis, dahil hindi tinanggihan ni Alexandra ang bigay ni Jaime na dried mangoes. Isa sa produktong sinisimulan ni Jaime, sa dami ng mangga sa farm nito. "Di ba ate, ang takaw nitong si Xandra. Hindi man lang tumanggi sa alok ni Ate Jaime eh." Pang-aasar ni Alexis. "Ang ano mo po kuya. Sadya lamang mabait si Ate Jaime sa akin. Sabi niya kasi cute ako. Dahil cute ako reward niya sa akin iyong mga dried mangoes. Isa pa free naman daw iyon at sinisimulan pa lang hanggang sa maperfect nila. Pero para sa akin, ang perfect na ang sarap kaya. Ibibigay ko ito kay inay at itay." Pahayag ni Alexandra at tumakbo papasok sa kusina. "Inay! Itay! Nandito na po kami!" Rinig pa nilang sigaw ni Alexandra kaya naman natawa sila. Aka

