Masaya pa sila ni Alex na nagkukwentuhan pauwi ng Maynila. Hindi niya talaga akalaing sa maikling panahon, mararamdaman niyang magmahal at mahalin ng babaeng hindi niya inaasahang darating sa buhay niya. Abot langit pa ang ngiti niya, hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone. Kaya naman mabilis niyang iginilid ang sasakyan. "Sagutin ko lang ito ga. Hmmm." Malambing na wika ni Leopard. Bago niya tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagkakita pa lang niya sa pangalan ng caller ay parang ayaw na niyang sagutin ang tawag. Pero sa huli ay pinindot din niya ang received button. "Yes!" "Anak, wala man lang kabuhay-buhay ang sagot mo. Pero mabuti na rin at sinagot mo ang tawag ko. Uuwi kami ng daddy mo. And guess what? Napilit ko ng umuwi si Eloisa. Kasama na namin s'ya. Is it the right time pa

