Her POV Kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina at inaayos ang mga gamit na kailangan ni Hiro. Feeling ko may malaking pader na nakaharang sa aming dalawa dahil sa awkward ng atmosphere. Dahil ba nalaman ni Hiro na meron na akong anak kaya ganito yung nangyayari? Hindi ko naman planong malaman niya eh, kung sanang alam ko lang na mangyayari ang mga bagay na ito edi sana pinigilan ko na lang si Hiro na ipilit na puntahan yung bahay namin. “Okay na yung mga kailangan ko?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at napansin ko ang malungkot niyang itsura. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango. “Oo kakatapos ko lang ayusin. Na-send ko na din yung mga files sa email mo if need mo ng soft copy for in case of emergency. Tapos ito na din yung mga hard copies.” I

