His POV Pagbalik ko sa loob ng kuwarto, nagulat na lang ako nang makita ko siyang mahimbing nang natutulog. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan sabay lumapit sa kaniya. Tinignan ko lang ang kaniyang mukha na mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ko siyang maigi na mahimbing na natutulog. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti habang nakikita siya. “Sleep tight alam kong pagod ka dahil sa mga ginawa mo. Thank you.” Bigla akong napatingin sa dako kung asaan andoon ang notebook na sinusulatan ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko iyon. Nilapag ko muna sa side table ang hawak-hawak kong baso ng tubig at naglakad papalapit doon. Hindi ko alam kung paano ito natanggal sa pinagkakalagyan niya dahil alam ko hindi ko naman binuksan ang bagay na ito. Napatingin

