His POV “Seryoso ka na ba sa gagawin natin JP?” tanong ko sa kaniya. Medjo kinakabahan pa ako dito dahil alam ko na kapag nalaman ni Mom ang ginagawa ko sigurado akong hindi niya magugustuhan ang bagay na ito. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa bahay namin. Ang sabi kasi ni JP mahihirapan kaming makita ang batang iyon kapag dumating na si Ate dahil sa ibang lugar sila tumutuloy. Kaya ito na ang chance namin na gawin iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito, matagal na din kasing bumabagabag sa akin si Luke at alam ko na merong something sa kaniya na gusto kong makuha ang sagot. Kanina nakausap namin si Ate and tinanong namin siya about kay Luke, still she’s in America pa and di pa umaalis ang plane niya. But hindi siya nagbigay ng kahit ano’ng sagot

