His POV Nakaupo lang ako sa labas ng aking balcony at iniisip pa din ang mga sinabi ko kay Kim. Masyado na ata akong desperado. Ang sabi ko wala na akong gusto sa kaniya pero bakit ganito, habol na naman ako nang habol? Napatingin naman ako sa aking pintuan nang marinig ko na merong kumatok dito. “Sino ‘yan?” tanong ko lang. “Sir, meron po kayong bisita.” Napatayo naman ako nang marinig ko ang security guard ko. Binuksan ko ang pintuan upang malaman ko ang sinasabi niya. Umaasa ako na baka si Kim iyon at tinanggap na ang mga sinabi ko sa kaniya pero nabigo ako. “Sino yung bisita?” tanong ko sa kaniya. “Si Sir JP po.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko expected na pupunta dito si JP. Ano namang balak niya at nandito siya? Napahinga lang ako nang malalim sabay napatango-ta

