Her POV Kasalukuyan akong nakaupo pa din sa labas ng balcony ni Hiro habang tinitignan ang kalangitan, habang siya ay nasa baba. Dinadama ko lang ang lamig ng simoy ng hangin. Bigla namang may nilagay na kape si Hiro sa table sabay bumalik sa kanina niyang inuupuan. “Naka-set na,” sambit niya sa akin. “Nasabihan ko na si JP na aalis ako bukas kaya siya muna yung magbabantay sa company,” dagdag niya sa akin. Napatingin lang naman ako sa kaniya at kita ko ang kasiyahan niya. “Buti pumayag ka,” sambit niya sa akin. “Iyon ang gusto mo eh, so papayag ako. Besides, libre din naman,” nakangiti kong sabi. Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko. “Very you, sumasama lang sa akin kasi alam niyang ako yung manlilibre,” sambit niya sa akin. Napangiti naman ako dahil doon. Napabalik na lang ako

