Her POV “Ano nang balita?” tanong ko kay Sam na kasalukuyang nakatayo lang sa harapan ng kaniyang sasakyan. Napatingin naman siya sa akin. “Anjan ka na pala, sinabi kasi ng doctor na lumabas na daw ang result and pwede na natin siya makuha,” sambit niya sa akin. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. “Bakit may problema ba?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sabay napailing-iling. “Kinakabahan lang ako,” sambit ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay hawak sa aking balikat. “Huwag kang kabahan, andito naman ako eh.” Agad na kaming naglakad papasok sa loob ng ospital upang kunin ang resulta ng DNA test. Pagdating namin doon agad kaming sinalubong ng isang nurse. “Kayo po ba si ms. Dela Cruz, yung sinabi po ni doc?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sab

