His POV Pero lahat nang sinabi ko kagabi ay nagmistulang mga bula na hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala. Para bang kinain ko din yung mga sinabi ko sa Ate ko kagabi at heto ako ngayon nagluluto ng napaka-aga sa kusina niya. “Akala ko ba hahayaan mo na?” tanong sa akin ni Ate. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa pang-aasar niya. “Pwede ba Ate, kung mang-aasar ka lang huwag mo na akong kasuapin. Nagising lang ako nang maaga kaya ako pumunta dito at nag-luto.” Napatawa naman si Ate dahil sa sinabi ko. “Talaga lang ah, sige ikaw nagsabi eh. Nararamdaman ninyo yan,” sambit ko. Napailing-iling naman ako at tinuloy na lang ang aking pagluluto. Matapos kong gawin iyon agad ko ng hinanda ang mga pagkain sa lamesa sabay no’n ay pinuntahan siya kung saan siya natutulog. Na

