Her POV Nang makaalis na si Vanessa agad naman akong umakyat sa kaniyang kuwarto, nakita ko siyang nakatayo lang sa kaniyang balcony, alam ko na meron pa din siyang nararamdamang galit dahil sa ginawa ko. Napalunok na lang ako sabay dahan-dahan na sinarado ang kaniyang pintuan sabay pumunta sa kaniya. “Galit ka ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot sa akin at nanatili pa ding nakatingin sa kawalan. I felt bad, hindi ko alam kung bakit. “Sorry, about sa nangyari kanina,” sambit ko sa kaniya. “Ganito mo ba ako kaayaw? Yung to the point na pinagtutulakan mo na ako palayo?” sambit niya sa akin. Napayuko naman ako dahil sa kaniyang sinabi. “Bakit mo pa pinapunta yung babae na iyon dito, ano’ng saysay?” “Ayaw ko lang na umalis ka sa company, pinaghirapan mo iyon eh,” sambit

