Her POV Nagising ako dahil sa liwanag na nangagaling sa kisame. Napalibot ako ng tingin at nakita ko ang isang magandang babae na nakaupo lang sa tabi ko habang nagse-cellphone siya. “Sorry, miss asaan tayo?” nanghihina kong tanong sa kaniya. Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa, sabay napatingin sa akin. “Gising ka na pala, ah sinugod ka namin sa ospital, kasi nakita kita kanina na nanghihina sa daan eh, kaso nawalan ka na ng malay kaya dineretso ka na namin dito,” sambit niya sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa kama, agad naman siyang tumayo sabay tinulungan akong makaupo sa kama. “Dahan-dahan, buntis ka pa naman,” sambit niya sa akin. Napatingin ako sa kaniyang nagtataka dahil sa sinabi niya. “Paano mo nalaman?” tanong ko sa kaniya. “Ah, sinabi kanina nang doctor, kasi

