It's Monday once again so it means trabaho sa umaga trabaho parin sa gabi hahhaa iniisip ko nalang lagi na para sa pamilya ko to, bawal mapagod. AJA!!! fighting lang para sa mahal kong pamilya. Pumunta na ako sa kusina para magluto ng agahan para sa aming lahat at ang baon namin ni tatay, simpleng breakfast lang naman lagi kong niluluto dahil yun lang meron sa ref hahha. After kong maprepare lahat ay ginising ko na ang mga kapatid ko para mag agahan kahit wala silang face to face class ngayon except kay John paminsan minsan pumupunta na ng school since inaallow na sila. After mag agahan ay nagmamadali na akong maligo at ng makasabay ako kay tatay tipid pasahe narin yun, hindi kase umaalis ng bahay si tatay hangga't di ako nahahatid that's why I always make sure na di ako malelate sayang naman kita ni tatay if babagal-bagal ako.
Sa Pharmacy as usual yung daily routine ko, sulat ng mga reseta sa Prescription book, post sa page ng pharmacy ng kung ano-ano na pang attract ng customers. Then syempre since Im all done with my morning work routine it's time to check my t****k account na if there are updates about my babe hahahha si Third nalang nagbibigay goodvibes sakin.
Hours passed malapit na akong mag out pero may mejo maliit na problema, may isang customer ang nagreklamo since di nya maavail ang senior citizen's discount nya, kulang kase sya sa mga requirements so eto ako naman as Pharmacist ako naman mag-eexplain ng maayos buti naman naintidihan ni nanany haayyys.
"Buti Ma'am nakausap mo ng maayos si Madam kung hindi baka di pa yun tapos" wika ni Sol isa sa mga Pharmacy assistant ko.
"syempre ako pa, nadaan sa ganda girl ?, try ko nga tong gamitin kay Third hahha" sagot ko naman.
"Hay nako Ma'am anjan ka na naman kay Third, puro ka nalang Third ang layo naman nun, as if naman magkikita kayo hahaha" Sol replied.
"Girl wag ka nga, kita mo one of these day magkikita kami dun sa harap mismo ng cityhall nila ??, kase sure akong mananalo sya ?" saad ko nalang
After uwian sa pharmacy the usual diretso na ako agad sa part time ko, 5:30-9:30pm lang shift ko dito since part time lang naman, and as of today it seems like medyo busy dahil sa pag lift ng curfew hours.
"Maam Clarita trending na naman si Clarence hahhaha pano kase nung nangampanya sa isang brgy. may sinamang babae, ang ganda at sexy kainggit nga, sana ako nalang yun" Chandy said, she's one of the cashier here and ofcourse my ultimate kaagaw kay Third ?
"Hindi naman sinabi na GF nya kaya G lang and hoy anong sana ikaw nalang??? ano yun hati tayo? " I replied
"yes maam hati nalang tayo kasi hanggang pangarap lang tayo, ang layo nya eh" sabi nalang nya bilang pagsang-ayon.
"Tama ka nga naman and if GF nya yun wala naman tayong magagawa, tamang suporta nalang tayo para sa kanya, basta ang mahalaga manalo sya para magawa nya yung mga platform nya para sa kababayan nya, yun naman ang mahalaga diba Chan?" mahabang saad ko
" ikaw na talaga maam ?? president ng fansclub ni Clarence, pero totoo naman eh ang importante yung gagawin nya yung mga promise nya pagmananalo sya."
sang-ayon naman ni Chandy.
" O sya sige na balik trabaho na tayo, malapit na out ko kelangan ko na tong tapusin, tama na yung topic about kay Third, baka sunduin na ako ni Tatay ayaw ko pa naman yun naghihintay". pagtatapos ko ng convo namin.
Eksaktong 9:30pm nag out na ako andun narin kase si tatay sa labas at gabi na para makapagpahinga naman sya.
"Chandy, Jun una na ako ha, mag ingat kayong dalawa, Jun be vigilant ok"
paalam ko sa kanilang dalawa
"Yes Maam, ingat" . sabay nilang paalam.
Habang papalabas ako natatanaw ko na si Tatay na halata sa mukha ang pagod mula sa araw2 na pamamasada, sumasakit na naman ang puso ko nakikita ko si Tatay, medyo may katandaan narin kase si Tatay pero ayaw nya parin tumigil kasi raw di pa nakapagtapos ang mga kapatid ko.
"Tay, parang sobrang pagod kayo ah, sabi ko naman po kase sa inyo kahit wag nyo na po akong sunduin, Si John nalang may lisensya naman na yun eh" sabi ko sabay mano sa kanya.
" Ano ka ba Amor sinabi ko narin nga sayo diba mas gusto ko ako ang sumusundo sayo para nasisiguro kong ligtas ko, pangako ko yun sa nanay mo ah"
balik sagot nya
" Pero Tay, galing pa kayo sa pamamasada instead diretso na pag papahinga nyo eh by 9 sinusundo nyo pa ko dito, sabi pa naman diba ng doktor nyo bawal kayong mapagod, speaking of doktor, iniinom nyo po ba yung mga gamot sa tamang oras? yung 10am and 1pm nyo? Tay ha baka nakakalimuta mo??"
sunod-sunod na tanong ko kay Tatay na umani lang ng tawa mula sa kanya
"Nako Clarita Amor, manang mana ka nga sa iyong Nanay, hahahha daming tanong ah, pero para mapanatag ka, opo iniinom ko lagi, pano ko ba naman makakalimutan kong ikaw mismo nag set nung alarm ng oras ng pag inom ng gamot. ??"
sagot ni tatay sabay gulo ng buhok ko
" Tay naman seryoso po ako and please lang wag na clarita amor laks maka panahon pa ng espanyol tawag mo tay. Tara na nga Tay".
sabi ko sabay sakay sa tricycle, samantalang tumawa lamang si Tatay kase alam nyang napipikon na ako.
Pagkarating namin sa bahay gising pa ang mga kapatid ko at pinagtitripan ng 2 babae si John,
"Ate, tingnan mo si Kuya bagay sa kanya yung ganyang make-up??"
salubong ni Sassa sakin.
"hahhha John bagay nga ? anong name mo sa gabi? Jane? hahah bagay diba?"
biro ko pa kay John na nakaani ng irap, ay sus kinareer hahahah
"Ate wag ka nga, kanina pa nila ako iniinis, di daw nila ibabalik phone ko kung di ako mag papamake-up?"
maktol ni jan sabay turo sa dalawa.
"Sassa, Cynthia bigay nyo na iiyak na kuya nyo oh"
sabat pa ni Tatay na may kasamang tawa.
"Ate kumain kana nagluto ako ng paborito mong sinigang na hipon ?"
proud na sabi ni John sabay yakag sakin papuntang kusina
"Wow anong meron? may kailangan ka noh? hahahha joke lang naman, pero salamat"
bawi ko naman
Matapos kong kumain at ligpitin ang aking pinagkainan, pumunta na ako sa kwarto para kunin ang aking bath essentials (chour, mayaman yarn?) hahahah para makaligo, isang CR lang kase kami meron which is yung common CR. After kong matapos mag-ayos pumunta ako sa sala at nadatnan ko ang aking mga kapatid at Tatay na nanonood ng movie sa netflix. Kahit naman medyo hirap kami sa buhay eh may netflix din naman kami hahahha .
"Anong pinapanood nyo?"
tanong ko sabay sandal ko sa balikat ni John, bigla naman syang umayos ng upo para di ako mahirapan.
"Ano ate yung More than Blue Ate yung may adaptation si Yassi ang bida, maganda po kasi ang reviews kaya pinanood namin, so far maganda nga, nakakaiyak ate"
sagot ni Cynthia sakin.
"patingin ng iyak cha?"
asar ni John kay Cynthia sabay gulo ng buhok, na tiningnan nalang sya ng masama ng isa at hindi na sinagot.
Matapos ang movie na super ganda infairness nakakaiyak nga tiningnan ko ang lahat and guess what hahah umiiyak nga lahat maging si Tatay at John ay nagpapahid ng luha, kaya ayun napuno ng kantyaw naming mga babae silang dalawa lalo na si John na inis sakin dahil instead na tissue gamitin kong pamunas ng mukha yung suot nyang damit ang ginamit ko.
"Ate ang dugyot mo naman, may tissue oh bat dito ka sa likod ko nagpunas?"
nandidiring sabi ni John
"Sa tinatamad akong kumuha ng tissue and masyado akong nadadala sa mga scenes eh bakit ba?"
rason ko sa kanya
patuloy kami sa asaran at bigla akong nalungkot ng tingnan ko si Tatay na nagpapahid ng luha nya habang tiningnan kaming magkakapatid na nag aasaran naabutan naman ako ni Tatay na malungkot na nakatingin sa kanya kaya bigla nya akong nginitian,pakita na ok lang sya, pero I know deep in his heart He really missed Nanay na even me I always miss her and everytime I'm sad or in a situation na mahirap iniisip ko lang si Nanay gumagaan na feelings ko.
"oh matulog na kayo, ikaw Clarita Amor matulog kana hindi ka pa ba pagod anong oras na oh gigising kapa ng maaga, kayo naman dalawang dalagita ko pahug si Tatay at matulog narin kayo, at ikaw naman John tama ng magkipagchat ha, alalahanin mo di ka pa graduate, "
Paalala ni Tatay samin lahat kaya wala na kaming magawa kundi sundin yun, sabagay antok narin ako past 11 na rin kasi, kaya ayun lumapit na kaming lahat kay Tatay para yakapin sya, ganon din ginawa ko sa tatlo kong kapatid and si JOhn naman ay hinalikan kaming mga babae sa noo, and I find it sweet swerte ng magiging jowa neto hahah.
"goodnight everyone, ay one more thing Tay please lang wag na buong pangalan paulit-ulit ?"
dagdag ko pa na umani lang ng tawa sa kanilang lahat.
I have my own room, si Tatay at John naman sa isang room, then sa kabila ay ang dalawa naman. Di naman masyadong kalakihan ang bahay namin, sakto lang, naipundar to ni nanay at tatay bago sila ikasal kaya kahit papaano di kami namomroblema sa upa ng bahay.
Before matulog ginawa ko na yung night skin routine ko kelangan fresh noh kay bukas for sure hagard na naman hahah and nagreready ako sa pagkikita namin ni Third hahahah, browse browse muna sa social medias para mas antukin.
and ofcource wag kalimutan ang magpasalamat sa amang Maykapal sa lahat ng blessing na binigay nya and humingi narin ng tawad sa lahat ng kasalanan na nagawa. sinali ko din na sana one day makita ko si Third in person.