Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko ng tingnan ko iyon ay Third pala ang tumatawag
Third MyLoves?'s Calling....
Tamad ko etong sinagot dahil antok at pagod parin ako.
Me: Hello?.....
Antok kong sagot narinig ko namang tumikhim ang sa kabilang linya at natahimik.
Me: Hello Third anjan ka pa?
Third: Ahem.. Yes Baby, I'm sorry did I woke you up?
Me: Ok lang ( Sabay hikab) napatawag ka? did something happens?
Third: Nothing just want to check on you. what do you want to do?
Me: Ahhhm, Third gutom ako ?
Paawa kong sabi sa kanya, baka sakaling pagbigyan ako hahhah
Third: Ok Baby, what do you want to eat? you want to eat outside or just take out?
Me: Tinatamad akong lumabas pero gutom ako, padeliver nalang ako, may GRAB naman dito diba?
Third: No need Baby I will be the one to deliver hahhaha
langya ang sexy ng tawa. kainlove
Me: iiihhhh may trabaho kapa wag na, Jollibee sana pero antayin ko nalang mga friends ko para isahan nalang.
Sabi ko sa kanya di naman sya sumagot kaya nagpaalam na ako.
Me: ahm Third sige na baba ko na, balik work ka na. Bye.
Third: Fine, keep safe.
And just like that He ended the call, di ko rin alam bat ganon nafeel ko, bigla akong kinabahan sa nararamdaman ko at sa mga gesture na pinapakita ni Third, I should not make these things big deal, dapat di ko lagyan ng malisya ginagawa nya kasi at the end of the day masasaktan lang ako, bawal umasa sa kanya sino ba ako ang layo ng agwat namin with His background dapat mapunta sya sa kalevel nya rin. I need to distance myself from Him if I want to save myself from drowning.
Sa kakaisip ko di ko namalayan na tumutunog na pala ang cellphone ko ng tingnan ko tumatawag na naman si Third, dahil sa naisip kong iwasan sya di ko na sinagot ang tawag nya hanggang sa mamatay eto pero di parin tumitigil ang pagtunog neto kaya kahit kinakabahan ay sinagot ko na.
"Hello Mayor, sorry nasa cr kasi ako nagpalit ng damit, bakit po kayo napatawag?"
Magalang kong sagot kahit kanina pa ako nakapagpalit, di sya umimik ng ilang sandali akala ko namatay na ang tawag pero ng tingnan ko to naka on call parin naman,
"Hmmm Mayor? anjan pa po ba kayo?"
"Mayor? hahha " he chuckled
"what happen? what's with Mayor?"
tanong nya
"Wala naman po, You're a Mayor right so dapat lang naman po sigurong ganon tawag bilang paggalang"
Rason ko sa kanya kaya umani ng tawang parang naasar.
"Really? and now you're being magalang? Anyway I sent my driver to bring your foods, I dont know what you want that's why I bought all their snacks menu."
"Ano? Baka ang dami naman po nun Mayor? atsaka nag abala pa po kayo, sobra sobra na yung kanina, nakakahiya na , pero salamat po"
Pagpapasalamat ko sa kanya, naging tahimik na ang kabilang linya kaya nagpalaam na ako sa kanya dahil wala naman syang sagot binaba ko nalang ang tawag at doon ko lang napansin na pinipigilan ko na pala ang paghinga, sana lang di maramdaman ni Third pag-iwas ko sa kanya. My actions were valid right? I just want to protect myself from getting hurt kung ipagpapatuloy ko to at hahayaan ang sarili na madala sa lahat ng kasweetan ni Third. Di ko talaga maintindihan bakit ganoon sya sakin na parang matagal na nya akong kilala. Di ko rin maintindihan kung bakit parang nainis sya nung tinawag ko syang Mayor at bakit parang gustong gusto nyang tawagin ko syang Third? Sa kakaisip ko bigla kong naalala ang dm ko kanyang social media account nung araw ng eleksyon, diba naseen yun at nagreply,
"Di kaya sya ang nakabasa nun, kaya parang alam nyang Third ang tawag ko sa kanya?
Parang baliw kong sabi sa sarili ko, huhuhu nakakahiya may pa Mr. Politician pa ko nun huhhhuhu kaya pala, pero ang nakakapagtaka bakit ganon yung mga kinikilos nya at bakit tinatawang nya akong Baby? Biglang may nag doorbell na syang ikinapagtaka ko dahil mamaya pa ang dating ng mga marites, kaya kahit nagtataka ay pumunta ako sa pintuan para silipin sa peephole kung sino yun ngunit laking gulat ko ng makita ko si Third sa labas dala dala ang mga pagkaing kanyang binili,
"Akala ko ba driver nya ang inutusan nya, bakit sya ang nandito? OMG baka may nakakita sa kanya at ano nalang ang isipin ng mga tao, Baliw ba sya?"
Natataranta kong sabi I dont know if pagbubuksan ko sya or what and I'm just wearing an oversized hoodie and cycling shorts di na ako magkanda ugaga kung ano uunahin ko ang magkalkal ng pants dahil nag doorbell na naman sya this time mahahalata mong parang naiinis na sya kaya wala na akong choice kundi buksan sya ng di man lang nakapag pants. Saktong pagbukas ko ay magdodoorbell pa sana sya kaya nabitin sa ere ang kamay nya nung makita ako.
"Oh Mayor! Ikaw po pala akala ko po driver nyo yung inutusan nyo, at pasensya na nasa CR ako"
Pagdadahilan ko, di naman sya sumagot kaya ng mag-angat ako ng tingin ay nakita kong sinuyod nya ng tingin ang katawan ko which is nakakahiya di kase kita ang cycling shorts ko kaya kung iisipin parang naka panty lang ako ngayon. Bigla naman akong nahiya at the same time kinabahan sa paraan ng pagtitig nya.
"What are you wearing what if my driver was the one who brought this? He will see you like that?"
mejo galit nyang saad sabay tingin sakin na parang may ginawa akong masama.
"What's wrong with my clothes Mayor? it's not that revealing and why are you like that?"
Mejo inis ko naring sabi pero pinapasok ko narin sya baka may makakita pa sa labas nakakahiya naman. Tuloy-tuloy naman syang pumasok at nilagay sa mesa lahat ng dala nya.
"Atsaka nag-abala ka pa at ikaw pa mismo ang pumunta dito what if may nakakita sayo?"
Sabi ko sa kanya pero ang lolo nyo di ako pinansin.kaya nilapitan ko eto kahit kinakabahan ako, ng di ko na matiis ang kanyang pang-iisnob sakin ay marahan ko ng hinila ang laylayan ng kanyang damit, actually ang liit kong tingnan pagkatabi ko sya hanggang baba nya lang ako kaya natingala talaga ako ngayon.
"Uyyy Mayor naman, bat di ka naimik jan? may problema ba?"
Tanong ko sa kanya pero di man lang ako tiningnan kaya hinila ko ulit ang damit nya at dahil siguro sa kakulitan ko wala syang nagawa kundi lingunin ako kaya pagkalingon nya ginamit ko agad ang aking pamatay na puppy eyes.
"Uy.... bat ka galit, totoo naman ah, di naman malaswa tingnan damit ko huyyyyy"
"D*mn Baby, dont look at me like that."
saad nya sabay lunok ng marahas na parang nahihirapan na ewan, pero andun na naman yung kabog ng dibdib ko dahil sa pagtawag nya sakin.
"Like what?" Tanong ko naman
"Like that, you're looking at me like you want to be kiss. D*mn!!!"
Sabi nya sabay iwas ng tingin sakin, ako naman ay biglang naestatwa sa sa aking kinatatayuan.
"Huy, hindi kaya, ang bastos neto, di mo kase ako pinapansin"
Nahihiya kong sabi sa kanya sabay iwas ng tingin, ang init ng pisngi ko huhuhuu
"hmmm" Tikhim ni Third sabay hila sakin
"I'm sorry Baby, did I make you uncomfortable?" Marahan nyang tanong sakin na sinuklian ko ng tango. Bigla naman syang bumuntong hininga sabay taas ng aking baba
"Ok, kain na tayo, di pa ako nakapagmeryende come on"
pag-aaya nya sakin kumain.
"Ang dami naman neto Mayor? at bakit ikaw naghatid diba may trabaho ka pa?"
Pagbubukas ko ng topic kanya para mawala yung awkwardness, napansin ko ring bigla syang napataas ng kilay nung tinawag ko syang Mayor.
"Really Baby? Mayor? Did I do something why are you calling me like that, I want you to call me Third"
Nakataas kilay nyang sabi, tingnan mo to nakapasungit samantalang mabait sa ibang tao hahha
"Totoo naman Mayor ka, ano nalang sasabihin ng ibang tao pag marinig nilang Third lang tawag ko sayo and parang ang feeling close ko naman nun diba?"
paliwanag ko sa kanya.
"Pero mas gusto kong ganon tawag mo sakin, I feel like important if you call me Third, that's why please Baby call me Third"
Paglalambing nya sabay paharap nya sakin, OMG super lapit nya yung feeling na konting konti nalang magbabanggaan na ang ilong namin, grabe kalabog ng puso ko parang nagslowmo ang paligid lalo na nung palapit na sya, hahalikan nya ba ako? Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ng malakas ang phone ko kaya bigla akong napahiwalay sa kanya sya naman sa kabilang banda ay mahinang napamura. Sayang naman chance na yun ahhahahh kukurutin ko talaga sa singit tong tumatawag ba pero nung nakita ko bigla kong naalala na may mga kasama pala akong late ang flight hahhahha
"Hello, Zane boarding na kayo?" Sagot ko sa tumawag.
"Oo Boarding na kami Amor, atsaka bat ang tagal mong sumagot?" Inis nyang sabi, ang pikon talaga neto
"Eh galing akong CR, nagjebs bakit ba?" pang iinis ko pa
"6:15pm dating namin jan, kita nalang tayo sa airport? Then kain na ng dinner before kami mag check-in"
Pag-paplano neto,
"Ok noted, dun ko nalang kayo antayin and nakapag check-in nako. Ingat kayo Love you muaaah"
"Sige sige, ikaw rin"
Matapos ang usapan anmin ni Zane ay bumalik na ako sa mesa kung saan nag aantay si Third, di pala nagcontinue kumain inantay talaga ako, ahwww ang sweet naman, Please lang heart wag marupok..
"Who called" Tanong nyang nakataas ng kilay, selos na naman siguro to hahaha jk
"Si Zane boarding na daw sila, 6:15 daw dating nila kaya mga 5 puntang airport ako, para sabay saby na kami magdinner before balik here."
Paliwanag ko sa kanya.
"I See, ok let's go together and for the dinner let's go to our house I already called my Mom to prepare for dinner because I have visitors."
Parang wala lang sa kanyang paliwanag samantalang ako ay gulat na gulat, ano meet teh parents agad? ahhahah jk
"Third nakakahiya, promise commute lang ako papunta dun, saang masarap resto meron dito? or kahit dun nalang sa pinagkainan natin kanina."
Super pagtanggi ko pero parang bingi lang tong katabi ko na kumakain, nagawa nya pa akong subuan ng sundae nya sabay sabing
"Eat baby, ayokong nagugutom ka"
Dahil nga mapilit tong kasama ko andito na kami ngayon sa sasakyan papuntang airport para sunduin ang mga marites, shocks ano nalang kaya ang magiging reaksyon nila pagmakita nilang magkasama kami ni Third, pero ang pinakakinakabahan ako ang dinner dun sa bahay nila, kaya sinubukan kong kausapin syang muli.
"Third," Sabay kalabit ko sa kanya, lumingon naman ito na parang sinasabing ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.
"Pwedeng sa iba nalang magdinner, nakakahiya naman sa pamilya mo, inabala mo pa"
Nahihiya kong sabi na tinawanan lang ng baliw na to
"You're so adorable Baby, but sorry to decline your request but Mommy already prepared the dinner, and I want you to meet my family."
Sagot nya sa tanong ko, ang bilis nya naman meet the fam agad, huhuhuhu ganito ba sya ayoko kong masaktan. Kahit maraming katanungan sa isip wala akong nagawang kundi tumango nalang, bahala na minsan lang to, grab nalang ang blessings hahah
Saktong6:15 ng dumating kami ng airport kaya bumababa na kami at dun naghhintay sa may waiting area, actually pinagtitinginan kami ngayon dahil sino ba naman ang di mapapatingin eh andito ang Mayor ng bayan na nag-aantay kaya ang damin nagpapaoic sa kanya, samantalang ako naman ay nasa gilid tumitingin lang sa kanya, ang layo nga ng agwat namin kaya bakit ako nag-aambisyon na magugustuhan nya ako, pero bakit ganito mga aksyon nya towards sakin, pafall sya masyado. Nasa kabilang mundo ako ng biglang tumunog ang phone at ng tingnan ko ay si Angel ito.
"Hello Amooooor, pagod na ako and gutom huhuhu san kana?" Reklamo neto
"Andito ako sa Waiting area lang, bilisan nyo na"
"Ok love, andito na din kami, san ka?" Tanong neto kaya kinawayan ko sila
"OMG Amor bat anjan si Mayor?" exaggerated nyang sabi bigla naman silang nagmadali papunta sa akin, akala ko didretso na sila pero ang mga marites andun nakipagsiksikan papunta kay Third kaya wala na akong nagawa kundi lapitan sila, kaya napalingon si Third papunta sakin ng makita ako kaya lumapit na sya at nagpaalam sa mga nagpapapicture sakin.
"Andito na ba mga kaibigan mo Baby?"
Saad nya habang papalapit pero bulong lang yung Baby kundi baka marinig ng iba issue pa, nang tingnan ko naman ang tatlo ay natawa ako sa kanilang reaksyon, gulat na gulat lang ang peg, sino ba naman ang di magugulat diba.