Makalipas ang ilang minuto ay nakatayo parin ako habang wala sa sariling hawak ang parte ng leeg kung saan ako hinalikan nung lalaki ng biglang akong tinapik ni Zane sa balikat.
"Huy!! tulala ka jan? Anyare? at bakit nakahawak ka sa leeg mo? "
Curious nyang tanong sakin
"Ahh eh, wala nahilo lang ako, mukhang tinatamaan na ako, sige balik na ako sa mesa natin, napagod din ako kakasayaw"
Palusot ko sa kanya, kaya wala na syang nagawa nung dire-diretso akong bumalik sa mesa namin at naabutan ko sina Angel at Carnalyn tumutungga nung mga inumin.
"Oh, pagod kana? shot muna "
Tanong sakin sabay abot nung shot glass, tequilla na ata to eh, ininom ko agad pagkatapos kinuha yung lemon na binigay ni Angel. Grabe ang init na dumaloy saking lalamunan dahil dito.
"wag nyong lasingin yan, baka ano ang gagawin hahaha"
Paalala ni zane sa kanila, sumunod pala ang gaga.
Sumandal ako sa upuan sabay pikit ng mata dahil parang umiikot na ang aking paningin ng may maalala ako.
"Zane anong oras na? "
tanong ko sa kanya
"quarter to 10 palang, bakit? gusto mo ng matulog? di pa pwede enjoyin natin tong gabing to. "
Sagot ni Zane sakin na sinang-ayunan naman.ng 3, di ko napansin na nakabalik na pla si Kenneth pero parang sobrang pula ng labi ha. hahahah
"Gaga naalala ko lang flight pla natin bukas and ang worst 7am yun, nasa bahay pa ang mga gamit ko at di ko nasabiha si tatay na bukas na yung flight"
Naisstress kong sabi sa kanila at nung tinangnan ko ang mga reaksyon nila ay pucha mga tulala din ang gaga, si Kenneth lang yung natatawa sa akin.
"Babe ganon kaba ka stress that you even forgot your flight tomorrow?"
tanong ni Kenneth na binatukan ko lang
" Pucha!!!!! ako rin ang dala ko lang ngayon yung pamalit ko sa sleepover natin"
Tarantang sabi ni Carnalyn, samantalang si Angel naman ay tumatango tango lang.
"Ay mga T*nga, kaya nga nagbook ako ng hotel ngayon para sabay na tayo bukas ng umaga, hahatid tayo ni Kenneth"
Inis na sabi ni Zane sabay turo kay Kenneth.
"huh? ako? awit gagawin pa akong driver?, oo na madam ako na maghahatid sa inyo"
tanggi sana ni Kenneth pero sinamaan agad sya ng tingin ni Zane kaya ayun tiklop hahahha
"Uwi na tayo para makuha natin mga gamit natin"
Suggestion ko naman na agad din nilang sinang-ayunan, binayaran na ni Kenneth ang bill at dali dali na kaming lumabas, nawala bigla ang pagkahilo ko dun ah. Habang nasa daan ay tinawagan ko si John na pagbuksan ako ng gate at tinanong kung gising pa si Tatay para makapagpaalam ako, una namin pinuntahan ang bahay, sandali lang kami doon pinayagan naman ako ni Tatay pagkatapos ay kela Angel at Carnalyn naman kami pumunta si Zane kase nakaready na ang gamit kaya pala ang dami ng dala ng gaga ready na pala.
Dahil nga sa napurnada na ang barhopping we decided to check in to hotel that Zane booked and just ordered foods and drinks to continue the celebration, ofcourse Kenneth is still with us, sana na kami sa kanya kaya ok lang na sa iisang room lang kaming 5. Habang nag-aantay inilabas ng mga marites ang kanilang mga regalo sakin, actually I was not expecting it na just their presence is important.
"Amor eto regalo ko sayo, wala na akong maisip eh"
Abot ni Carnalyn ng paper bag na bigay nya binuksan ko naman agad eto and I'm super happy yung limited edition na shirt ng clothing company nila Third nung panahon nung election na may mukha and pirma niya, di ako nakabili nun kase may pagkamahal.
"OMG Carnation I love you talaga, gustong gusto ko talaga yo kaso mej pricey tapos limited edition pa!! Thank you talaga"
Pasasalamat ko sabay hug sa kanya
"Ay bonggahan pala to? inggit ako sa shirt pero Bebs eto naman yung akin"
Abot ni Angel ng gift nya na nasa maliit na box, nang buksan ko to ay isang wrist watch mula sa kilalang brand naman eto.
"Huuuy Gel ang ganda naman neto, masyado nyo naman akong inispoiled. Salamat"
Pagpapasalamat ko sa kanya sabay hug din gaya ng ginawa ko kay Carnalyn. Nung time na ni Zane ang mag-aabot ay biglang may nagdoorbell, siguro yun na yung mga foods na inorder namin kaya pinuntahan na ni Kenneth upang bayaran. Kaya pinagpatuloy na ang gift giving, Inabot ni Zane ang isang paper bag na may tatak ng Celin, ng buksan ko to isang sexy na pulang satin backless dress na may kasama pang red lipstick.
"Woaaahh, ang ganda Zane and ang sexy magagamit ko kaya eto? "
Sabi ko pero ang ganda talaga, kinulit pa nila si Kenneth bat wala daw regalo sakin kaya pinakita ko yung gold anklet na bigay niya kanina sakin kaya nakatanggap din sya ng batok mula kay Carnalyn dahil bida bida daw eto.
"Aray!! Asawa ko naman ang sakit ha, eh sa mas gusto kong ako ang mauuna magbigay ng regalo sa kanya"
Reklamo ni Kenneth sabay akbay sakin.
Matapos ang gift giving eh nagpatuloy na kami sa pag-inom at kain nagpatugtog din si Kenneth ng party music para mas mafeel naman namin daw yung party vibes, dami talagang alam neto buti nalang soundproof tong room na kinuha ni Zane. Actually saming magkakaibigan ako lang ang nasa middle class na buhay, lahat sila ay anak mayayaman na gusto kaya ewan ko ba kung bakit tong 3 marites nato nagtatrabaho sa ibang kompanya eh may mga business naman ang pamilya, ang swerte ko nga at tinanggap nila ako and di nila pinapafeel sakin na may gap kami dahil sa estado ng buhay.
Pagsapit ng 12midnight eh napagdesisyunan namin na matulog na dahil nga by 5 dapat ready and going to airport na, nakacheck-in narin kami thru online kaya wala ng problema. Kaming mga babae ay nagsiksikan sa kama samantalang sa sofa naman si Kenneth actually sanay na kaming ganitong siksikan since highschool ba naman kaming magkakaibigan na, pero nung ipipikit ko na sana ang aking mga mata ay bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina sa bar particular dun sa stranger na nanghalik sakin, ibang sensasyon na naman ang aking naramdaman, kaya ipinilig ko lang ang aking ulo.
"Aiiissshhh, kalimutan mo na yun Amor di sya yun, hilo ka lang kanina kaya feeling mo kaboses nya."
Sabi ko sa isip ko, kaya pinikit ko na ang aking mata kahit hirap makatulog dahil nanunuot sakin ang kanyang amoy. Buti nalang dahil sa tama ng alak ay nakatulog din naman ako.
4am ay ginising na kami ni Zane kaya nagmamadali na kaming mag-ayos kahit antok pa, by 5:15 ay nag check out na kami, buti nalang napili ni Zane sa malapit na Hotel lang mag check and dahil madaling araw palang kaya walang traffic at madali lang kaming nakarating dun. Since naka advance check-in na kami ay nagbreakfast muna kami sa malapit na fastfood chain dun, dahil antok na antok pa kami ay umorder lang ako ng Coffee and pancake nila. nung quarter to Six na ay pumasok na kami sa boarding station samantalang si Kenneth ay umuwi na dahil may duty pa ang g*go
"Ingat kayo ron, itext nyo ko ha if nandoon na kayo, Ikaw Babes mag-iingat ka dun kung pwede antayin mo nalang silang dumating, wag kanang umalis ng airport."
Paalala ni Kenneth samin lalo na sakin sabay yakap at halik sa buhok ko, sanay na ako sa ganong gesture nya kaya wala lang sakin yun.
Halatang mga may hangover ang mga marites kaya while waiting sa boarding time eh umidlip muna kami, pero nung 7am na ready na for boarding parang biglang nawala ang mga hangover dahil sa excitement, hahahah naggroupie pa kami nung paakyat na kami ng eroplano, turistang turista talaga ang peg, Im just wearing a summer skirt then white shirt pinatungan ko lang ng beige blazer then white sneaker, 30-40 minutes lang ang travel time papuntang Davao then by 10am naman flight ko na for Siargao while ang mga marites ay 4:30pm pa naman sila kaya iikot muna daw sila ng davao while waiting.
"Siargao!!!! Sana Makita kita Third"
saisip ko sabay pikit ng mata ☺☺