Fast forward tayo, ayun nga patapos na ang June at tapos na din ang inauguration ni Third since tapos na ang election eh wala ng masyadong ganap sa t****k, yung mga edited videos ni Third pakonti konti nalang which is nakakalungkot kaya ang ginagawa ko nalang ay istalk ang mga social media acounts nya para matingnan mga ganap nya sa buhay hahahha and so far kahit bago palang syang nakaupo parang ang promising na talaga ng mga plano nya, dahil may mga projects na syang sisimulan especially yung about sa trabaho ng mga constituents nya. Infairness ha gumagalaw na agad sya, sana naman magtuloy-tuloy and maging maayos ang kanyang termino para naman kahit papaano matulungan nya ang kanyang mga kababayan. Since patapos na ang buwan ng june ang ibig sabihin ay July na so it means Birthday ko na hahhaha, share ko lang, baka may mag sponsor lang ng trip to Siargao hahhah, kung wala naman ok lang hahhah pikit mata ko nalang gagastusin ang ipon ko hahhaha, habang nagpaplano ako ng magiging ganap ko sa birthday ko bigla naman umingay ang phone ko dahil sa chat nga mga maritess sa Gc.
GC ng mga Maritess
Zane: Amor Powersss. birthday mo na sa July 15, anong plano?
Angel: Inom? Bar hopping ? hahhaha maluwag na ngayon di na masyadong strict hahha
Carnalyn: huoooyy ,mga BI talaga kayo kay Amor hahahha pero bet ko nga yung inuman, miss ko ng tumagay masyado tayong busy eh.
Zane: Sige inom nalang tayo, hanap na rin tayo ng boys, kelangan na natin makahanap ng Chupapi mga dengs.
Carnalyn: Sige sige excited na me, black revealing clothes ha, para naman iba. hahahha
Ako: may plano na ako hahahha
Angel: Ano naman yan aber? Hoy Clarita we need to enjoy life also noh, nasa late 20s na tayo and yet ni kalandian wala tayo.
Carnalyn: if I know Angel may kalandian ka nabasa ko last time ahahhaha
Ako: ahahahah may kalandian ka naman pala eh, anyways plano ko mag Siargao hahahaha
Zane:........
Angel: Totoo??? Sama ako kelan ? para maka file ako ng leave
Carnalyn:Sama din ako hahhaha, dali kelan sabay sabay na mag file ng leave hahah
Ako: ikaw Zane sama ka? or baka di ka na naman payagan ng Boss mong ubod ng sungit. hahaha
Zane: Grabe ka naman kay Boss ko, stress lang yun, pero ang ganda parin, sama din ako, may 2 weeks leave kami every year di ko pa nagagamit, kaya 1 week magagmit ko.
Angel: 1 week talaga? pero kelan yan G lang ako hahah excited na ako magbikini hahaha, Siargao Waves here I come.
Ako: Masyado ka namang excited. Since july 15 is thursday, naisip ko sa 16 nalang friday ang flight tapos ang balik naman ay thursday ng hapon. G kayo? Gusto ko kase sa birthday ko kasama pamilya eh.
Carnalyn: Ok. Sino magbobook ng ticket, sino din sa accomodation and tour.?
Zane: Ako na maghahanap nung sa package and tour may maganda akong nakita, then ikaw Amor maassign sa booking ng ticket, kayo naman Angel and Carnation sa Itinerary natin ng ilang days dun kase yung package na kukunin ko is 2 days and 1 night lang yung sa beach, yung sa land tour yun gawin nyo.
Suggestion ni Zane sa mga gagawin, sya talaga ang magaling when it comes to planning.
Carnalyn: Yes Boss, ? noted on that,
Ako: ok, update lang ako bukas about sa booking ng ticket, paalam pa ako kay tatay, nga pala ano gusto nyo Davao- Siargao or Manila to Siargao?
Angel: Davao na malay mo makasabay natin pa si VP Inday or si Mayor Baste hahahha
Ako: okieeeees, chat you later trabaho na ulit hahahha byeeeee.
Tapos na ang lunch time ko kaya balik trabaho na ulit ako, masyado akong busy this past few days nagpeprepare kase kami ngayon dahil darating ang mga bisita mula sa head office ng Pharmacy kung san ako nagtatrabaho para sa anual visit, kaya lahat ng mga possible na ichecheck ay prinepare ko na , from prescription logbook, inventory and of course cleanliness ng store, its like bibigyan kami ng grade if we really do our job especially ako if I really manage the pharmacy well. That's why parang blessing in disguise din to kase aside sa birthday gift ko sa self ko eh reward narin sa stress na dulot ng visitation na to.
Actually ang gusto kong puntahan sa birthday ko sana this year ay ang CDO dahil nga adik ako sa story ni Jonaxx gusto kong puntahan ang settings ng Until Trilogy stories nya, pero ng dahil kay Third uunahin ko na ang Siargao hahah and of course pupuntahan ko rin ang bagong tourist spot nila, which is yung munisipyo mismo hahahha instant pasyalan ngayon ang kanilang City hall because people especially girls from the other cities who visit Siargao tend to go to their city hall hoping that they may be given a chance to have a picture with Third or atleast see him personally, that's why since it is my birthday I hope I will be able to meet him personally hahah.
Kinagabihan, after kong kumain and maglinis ng katawan ay pumunta ako ng sala since naandun pa silang lahat watching tv, and plano kong sabihin sa kanila yung magiging Siargao trip ko, pero parang nagpaplano na sila nung dumating ako.
"Ate malapit na birthday mo, anong gusto mong regalo?"
Tanong agad ni John pag kaupo ko palang
"Sus!! kahit wag na uy, tago mo nalang pera mo"
Tanggi ko naman sa tanong nya, sayang pa pera nya
"Bakit ate sinabi ko bang bibilhan kita? tinanong ko lang naman ah? Assuming ha ??, ahhaha"
Pangungulit ni John, kaya naman hinampas ko ang balikat nya na ikinatawa nila tatay
"oh anjan na naman kayo, baka may mapikon na naman, Amor ano bang gusto mo?"
Awat ni tatay samin sabay tanong narin sakin
"Actually tay, thursday yung 15, gusto ko po sanang pumunta ng Siargao sa 16 which is friday then balik ng thursday hapon, kasama ko naman po sila Zane"
Pag-amin ko sa plano ko, actually kinakabahan ako kasi first time kong magtravel na hindi related sa work, as bakasyon talaga baka di ako payagan ni tatay.
"Ihhh si ate pupuntahan si Mayor Clarence ahhahha"
pang-aalaska ni Sassa sakin sabay apir nya kay Cynthia
"Ah ganon ba, bat di nalang sa birthday mo? "
Tanong ni tatay
"Ouch tay parang ayaw nyo po akong kasama sa birthday ko ah"
Biro ko kay tatay sabay hawak sa dibdib ko para kunwari'y nasasaktan
"Di ka na kase mahal ni tatay ate"
Hirit ni John kaya nakatikim na naman ng batok mula sakin
"hahahha kayo talaga, O sya Amor papayagan kita basta mag ingat kayo doon, magkano ba kelangan mo?"
Pagpayag ni tatay
"Thank you tay (sabay yakap kay tatay) naku tay wag na po, may ipon naman po ako, yun po yung gagamitin ko"
Pagtanggi ko sa sinabi ni tatay, may ipon naman talaga ko para sa mga trip ko, every month I always make sure na may mahuhulog ako sa budget ko for travel para if ever gusto ko ng ganitong trip di ako mag kakaproblem, and sayang pa yun nuh, ipon yun ni tatay, gamitin nya nalang sa tuition ng mga kapatid ko.
"Hay naku anak, di pwede yung ganon, may ipon akong nakalaan para sa mga birthday nyo taon taon, kaya tanggapin mo yung ibibigay ko,atsaka kaya nga ako nagsusumikap para sa inyo, pangako ko yan kay nanay nyo diba? kaya tanggapin mo ha, kung hindi di kita pababayaan."
Mahabang sabi ni tatay kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin yung ibibigay nya baka di pa ako payagan, and itatago ko nalang for emergency purposes nalang yun, ganon talaga si tatay after nanay passed away He always make sure that we celebrate our birthdays and take note He doesn't want me to pay for the expenses every birthday because like what he said he promised to nanay that He will always make us happy. kaya super swerte namin kay Tatay.
"Sige po tay, Salamat po, pero sa 16 pa yung flight so andito po ako sa birthday ko, kain nalang po tayo sa labas after natin bisitahin si nanay, like the usual na ginagawa natin"
Sabi ko naman.
"Sige ate , enjoy ka dun It's time for you to be happy naman, and also please maghanap kana ng boyfirend"
Biro ni John
"Boyfriend ka jan, saka na pag may dumating na."
Sagot ko sa kanya.
"next time pag nakaipon ako ng mas malaki tayong pamilya na ang magtatravel, pangako ko yan"
Promise ko sa kanila.
" ok lang ate, speaking of boyfriend, ayaw mo ba kay kuya Doc?"
tanong ni cythia
"Huy Cythia, bat naman napasok si Kenneth dito and beside friends lang kami nun, though crush ko yun dati kaso di ako crush eh ahhaha"
Biro kong sagot, Si Kenneth or mas kilalang Doc. Kenneth Andrew Santillan, ay classmate since highschool kami nila Zane, highschool buddies na kaming lima and saming lima kami ni Kenneth ang pinakaclose kaya nga nagkacrush ako nun kaya lang di ako crinushback eh, awit kaya ayun nag fade kaya imposible talagang magkagusto nun sakin.
"Ang marites mo Cynthia, oh sige na akyat nako nasabi ko naman din na yung plano ko"
Paalam ko sa kanilang lahat, sabay halik and hug kay tatay
Umakyat na ako sa kwarto ko, to do my night care routine, ng biglang ng video call si Zane sa Gc namin
Zane wants you to join the call
Ako: ohhh napatawag ka? anong meron?
Zane: syempre hingi ako ng update para sa Siargao ?
Ako: ang maldita neto, nakapagpaalam na ko kay tatay, sa work naman bukas ako magfafile ng leave, ikaw?
Zane: Ok na rin ako, nakafile na ako, approved agad si Boss hahah, kaya eto naghahanap na akong ng travel company para sa 2D1N island tour. yung dalawa kaya?
Ako: Bilis ah, sana all good mood ang boss, ohhh nag join na pla ang dalawa. Kumusta?
Angel: Ok na rin ako, G na yung bakasyaon natin hahah ( Sabay tili nya, ingay talga neto)
Carnalyn: ako rin 1 week leave hahahh kaya eto naghahanap na ako ng pupuntahang lugar para bukas ifinalize na namin ni Angel ang land tour natin.
Ako: Ok goods na tayo dun ako naman bukas try ko maghanap na ng ticket natin inform ko nalang kayo sa prices. ok ?
Sabi ko sabay lagay ng mask ko need ko maging fresh nuh, like I need to look fresh baka makita ko si Third sa personal tapos mukha akong tuyot ewwwww..
Zane: so ok na tayo bukas finalize na dapat para wala na tayong problema, ok na Goodnight na mga marites, kelangan ko maging maganda hahhaha
Paalam nya kaya sabay nalang din kami nag goodnight sa isa't isa. Samantala pahiga na sana ako kase ready to sleep na me, eh tumawag naman ang demonyong doktor.
Kentot calling.....
"oh? problema mo?"
Sagot ko sa kanya, ganon ko talaga sagutin tawag nya.
"Wala man lang hello jan? di mo ba ako namiss? di mo na ba ako mahal?"
pag-iinarte neto,
"dami mo naman sinasabi, ibababa ko na to"
pananakot ko sakanya
"eto naman di na mabiro, ano kase diba birthday mo na sa 15, may plano kana ba? actually aayain ko sana kayo nila Zane magdinner then chill sa Metro, birthday treat ko sayo, tagal na natin kaseng di nagbabonding"
Ahhhww ang sweet talaga neto, siguro kung crinush back ako neto feeling ko kami na, hahhah joke, ganito talaga sya pag naglalambing and pag miss nya na ang tropa.
"Wala naman, the usual gawain lang punta kay nanay then lunch sa labas, so G basta libre mo ha and miss kana ng mga maritess, iba na talaga pag doktor busy na sa life hahhaha"
Biro ko sa kanya
"O.a neto, masyado lang hectic sched ko kase bago lang ako, kung nagproceed ka edi sana sabay tayong busy ngayon hahha,"
Banat nya naman,
"hahahha sus dati lang yun, and alam mo naman wiz budget and happy naman ako ngayon"
Sabi ko nalang sa kanya, actually pangarap ko talagang maging doktor kaso kulang sa budget kaya nagtrabaho na ako agad after ko makapasa sa board kahit pa may scholarship ako sa medschool dahil cumlaude ako nung college.
" hahahha sabagay, atleast happy ka yun ang importante, basta ha sa 15 sunduin kita sa inyo, para sabay na tayo, sige na matulog kana, duty ka pa bukas."
Paalam nya.
Ok goodnight kentot, pahinga din pag my time and if nagdadrive dahan dahan ok"
Paalala ko sa kanya
"noted maam, goodnight ... love you"
Paalam nya di ko na narinig yung last na sinabi nya basta goodnight daw. After ng tawagan with Kenneth, humiga na ako and nagpasalamat sa Maykapal sa lahat ng biyaya, and dahil pumayag si tatay supre happy ko dahil baka eto na yung chance na makita ko si Third.
3rd person's POV,
Sa Siargao naman, since tapos na ang inagurasyon nya, ay nagsimula na syang gawin ang mga plano nya sa kanyang kababayan, at inuna nya ang plano para mabigyan ng trabaho ang mga eto. Ang ganitong kalagayan ng kanyang kababayan ang nag-udyok sa kanyang tumakbo kung kaya't di nya bibiguin ang mga eto. Sa kabila ng kanyang kabusyhan ay di maalis-alis sa isip nya ang babaeng tumawag sa kanya ng Third kung kaya't di na sya nakatiis at nagmamadaling hanapin ang chat neto upang makita nya ang profile ng babae. Clarita Amor, what a beautiful name fitted to a gorgeous lady like her, sa isip niya nung makita neto ang Ig profile ng dalaga, morena na may balingkinitan na katawan, may maamong mata at ng mapadako ang tingin nya sa mga labi neto what does it taste when I taste those luscious lips of her pero agad din naman syang napamura ng marealize ang kanyang iniisip tungkol sa dalaga
"D*mn!!! what am I thinking, for godsake I am a Mayor and here I am Imagining nasty things about her"
pagkastigo nya sa sarili at dali-daling pinatay ang kanyang telepono, ngunit di matanggal sa isip nya ang katawan at mukha neto lalo na ang mga nakakaakit nitong labi.
"Sh*t!! I need a cold shower d*mn you Ms. Pharmacist what did you do to me"
frustrated nyang sabi sabay gulo ng kanyang buhok.