Mabilis na lumipas ang panahon kami ni Third strong parin the usual set up, pumupunta sya ng dito pag monthsary namin para mag celebrate. Sinasabihan ko nga na no need na every month dahil everyday naman kami nag vivideocall pero mapilit. Sabi ko pa nga baka maissue sya na ginagastos ang kaban ng bayan nila sa pagtravel travel nya pero ang lolo nyo sinabihan lang ako na
"We own an Airline company Baby, incase you forgot" mayabang na sabi neto, sa pagpunta nya dito lagi nyang dinadalhan ng regalo ang pamilya ko kaya sinasaway ko pero matigas talaga ang ulo. Si Marco ang lagi nyang kasama everytime na pupunta dito at ang ilang nilang bodyguard.
Ganito pala ang feeling sa isang relasyon ang commitment na kelangan mong pangatawanan. May mga restrictions na sa action and you're not the only one deciding for yourself coz you have your partner already that might get offended and need to know your whereabouts though I'm okay with it.
Our relationship is not perfect we do have our misunderstandings, jealousy moments and arguments but we always make sure that we will sleep until we're good or solved our problems. Syempre Third will be the first one to say sorry kahit ako yung may kasalanan so goodjob sya doon ???.
This Christmas Third insisted na saamin sya mag cecelebrate kahit anong tanggi ko ang kulit ayaw patinag pinag-awayan pa namin yan dahil para sakin importanteng moment yun with the family dahil minsan lang lalo na sa kanilang pamilya na masyadong madaming business mahirap dahil oras ang kanilang kalaban.
"Third dapat pamilya mo kasama mo sa christmas, ok lang new year pwede ka dito pero christmas, its a no. You should celebrate it with family" sumasakit ulo kong paliwanag sa kanya kinagabihan.
"But Baby your my family too and I want to celebrate it with you then on New year you will come here to celebrate with us also. " pakikipag argue nya pa.
"Huh?? sinong may sabi ikaw paladesisyon ka talaga" gulat kong sabi dahil doon.
Kahit ilang beses ko ng nakausap si Tita eh nahihiya padin ako lalo na kay Tito pero ang babait naman nila.
"Hindi ako paladesisyon sinasabi ko lang ang plano ko" medyo naiinis nyang sabi
"Oh bat naiinis ka? kung plano yun bat parang fixed na talaga na yun na ang mangyayari like di na pwede magbago"
nakataas kilay kong sagot naman.
"You know what? Fine!! if you dont want my plan then ok." naiinis nya tugon na ikinagulat ko
"Oh ngayon nagagalit ka? edi Fine!!"
sabi ko sabay patay ng vc. pinatay ko na rin ang cellphone ko para di talaga makatawag.
Naiinis parin ako habang ginagawa ang night routine ko nang biglang kumatok si John sa kwarto ko.
"Ate pabuksan nga ng kwarto mo, dali may sasabihin ako" nagmamadali nyang katok.
Nang mabuksan ko ang pinto ay tumabad sakin si John na hawak- hawak ang phone nya at may kausap. Inabot sya sakin sabay bulong na "Si Kuya Clarence".
"Oh bakit? matutulog na ko" pamaldita kong sabi, narinig ko naman sa kabilang naman ang malalim nyang buntong hininga.
"Baby look im sorry" malambing nyang sabi.
"I did not mean to raise my voice, please don't turn off your phone like that" malumanay parin nyang sabi di pa rin ako nagsasalita.
"Hey, Baby Im sorry please talk to me. "
pagkausap nya parin.
"Sorry din Third, ang gusto ko lang naman na kasama mo yung pamilya mo pag christmas" pagpapaintindi ko sa kanya
"But Baby I already talked to my parents about it and they agreed with it and they said I should have to tell you that they want you to celebrate with us on new year"
"Please Baby grant my wish for this christmas" nagpapaawa pa nyang sabi wala na akong nagawa kundi ang umoo.
"Sige na nga, sige na matutulog na ako Love goodnight. love you muahh" paalam ko sa kanya
"Goodnight too Baby, please dream of me and I love you so much"
Ilang araw nalang ay Christmas na kaya nag grocery na ako ng ihahanda namin at dahil sabado ngayon ay napagdesisyonan namin ng grupo na magkita-kita. Pagdating ko ng mall ay nandoon na sina Angel at Carnalyn. Si Zane ay nasa parking narin samantalang sabi ni Ken ay hahabol sya dahil patapos narin ang shift nya.
"Amor powersss , namiss kita" sigaw ni Angel kaya pinagtinginan sya ng mga tao.
"Ano ba, nakakahiya ka" sita ni Carnalyn sa kanya na tinawanan nya lang
"Oh san tayo? supermarket na ba or gala muna" tanong ko sa dalawa
"Ewan antayin nalang natin si Zane, sya naman ang nanay ng grupo" biro ni Angel ang di nya alam nasa likod nya na pala si Zane kaya ayun nabatukan tuloy.
Napagdesisyunan naming gumala muna sa mall bago mag grocery sa baba. Kanya kanyang bili na kami ng mga regalo, nabilhan ko na sina tatay at mga kapatid ko. samantalang ang mga kaibigan ko naman ay meron na din may nakita kase ako sa online shop na mga stuffs na alam kong magugustuhan nila.
Naghiwa-hiwalay kami sa pagbili ng regalo dahil nga surprise daw since nakabili na ako ng para sa kanila ay naghanap na ako ng ibibigay ko kay Third which is I find it difficult kase nga nasa kanya na lahat from wealth to looks nasa labas ata sya nung nagpaulan ng swerte si Lord kaya nasalo nya lahat. Habang hirap akong mamili ng para kay Third ay may biglang umakbay sakin I froze but when I smell his perfume I just smile and let his hand on my shoulder si Ken lang naman ang kakilala kong ganyan kabango eh, CK ba naman ang perfume.
"Hi babe namiss kita" bati nya
"Namiss din kita, buti nakahabol ka"
"Yun nga, asan ang iba?" tanong nya
"Naghiwahiwalay kami dahil nga mamimili ng mga gifts para surprise then if tapos na magkita-kita nalang daw sa Jerry's para kakain." paliwanag ko sa kanya tumatango tango naman sya habang nanatiling nakaakbay sakin wala namang malisya eh
"Bat andito ka sa men's section sino bibilhan mo sina tatay? kasama ako?"
excited nyang tanong
"Hindi ah, di ka kasali dito atsaka tapos na ako kay kela tatay, naghahanap kasi ako ng ibibigay kay Third" nakanguso kong sabi. Natahimik naman si Ken at ng lingunin ko ay naabutan ko ang malungkot nyang na mukha at biglang ngumiti.
"OH bat ka malungkot, wag ka mag-alala meron na kayo nuh kayo pa ba, nahihirapan lang akong maghanap dahil halos nasa kanya na lahat,"
"Ahh akala ko wala ako, iiyak na sana ako sige ka. " biro nya
"Any suggestion please since lalake ka naman ano sa tingin mo maganda ibigay sa kagaya nya" tanong ko sa kanya
Tiningnan nya muna ako ng diretso sa mata, medyo nailang ako pero ganito sya pagseryoso at may iniisip bago nagsalita
"If I were him anything that comes from you I will cherish it regardless of the amount you spend for it" seryoso nyang sabi.
"Ahhh ganon ba, eto kayang gray polo shirt nato? maganda kaya?"
"Hmmm pwede na, eto oh maganda" sabay abot nya nung orange na hawaiian outfit kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Joke lang eto naman, oo yan na maganda promise"
"Talikod ka nga ng makita ko if kasya na sa kanya, kainis to wala kwenta kasama"
Tumalikod naman sya at nang itry ko sa likod nya ay alam kong kasya na kay Third. Alam kong simple lang toh compared sa mga sinusuot nya pero maganda naman.
Matapos namin mamili ay nagkita-kita na kami sa Jerry's, dala-dala ni Ken ang mga pinamili ko kaya nakabusangot ang mukha kesyo di na nga sya namili sya parin ang nagdala.
Asaran at plano para sa xmas party lang ang ginawa namin habang kumakain matapos nun ay sinamahan nila akong mag grocery at inihatid din nila ako pauwi.
Nasabihan ko na din si Tatay about sa naging plano ni Third at ang sagot ng Tatay ay nagpaalam na daw si Third sa kanya bale confirmation nalang daw galing sakin ang inaantay ni Third.
Friday night ang araw ng xmas party ng grupo and the usual sa bar na naman ang venue, though nakapagpaalam naman na ako kay Third ang bilis nga nyang pumayag nung una eh dahil sinabi ko ang grupo ang kasama ko pero nung tinanong nya ako kung saan ay halos di na ako payagan pero wala na syang nagawa dahil nakaoo na sya hahaha sa sabado pa kase ang punta nya which is Dec. 24.
Isang White Sleeveless dress na hanggang tuhod ang napili ko at tinernohan ko din ng isang wide black belt para magkaroon ng kulay. Sinuot ko rin ang earrings na bigay ni third sakin nung 3rd monthsary namin, pinaresan ko naman ng isang black 3inches pumps and light make-up lang and off to go na ako.
Saktong pagkatapos ko ay dumating na sila at si Ken ang driver namin, kinuha ko na ang paper bag ko namay laman ng mga regalo ko sa kanila at nagpaalam kay tatay. Sa likod ako sumakay dahil nasa harap si Angel.
I already sent my outfit to Third and di pa nagseen. Tulad ng nakagawian kain muna bago punta para uminom hahahaha
Pagkapasok namin sa Bar ag punuuan dahil nga sa xmas party ng mga company and friday night kaya full blast ang party. Dumiretso kami sa private lounge na pinareserve ni Zane, pagkaupo palang namin ay inilapag agad ng waiter ang mga inumin anjan na ang JD, Absolut at tequila.
"Seriously maglalasing talaga tayo?" sigaw ko sa kanila at tinawanan lang nila ako.
Nagsimula ng magsalin sa mga baso si Angel, gumuhit agad ang init sa aking lalamunan ang isang shot ng absolut. Inabutan naman ako ni Carnalyn ng Tequila at walang pag-aalinlangan kong tinungga eto sabay kagat nung lemon. Narinig ko ang halakhakan ng mga kasama ko at mura ni Ken.
"F*ck, nilalasing nyo si Amor agad, mamaya nyo na bigyan nakadalawa agad oh" inis nyang sabi kela Angel kaya di na sila nagbigay sabay pa nilang sinabihan ng "KJ" si Ken,
pero totoo nga 2 lang na shot mejo umiikot na ang paningin ko kaya sumandal ako sa balikat ni Ken. Mabilis naman syang umayos ng upo para maging maayos ang pagkakasandal ko sa balikat nya.
"You ok babe?" bulong nya sakin kaya tumango lang ako at narinig ko ang pagtawag nya sa waiter para humingi ng tubig.
Maya-maya pa ay pinainom nya na sakin ang tubig kaya nahimasmasan ako pero nakasandal parin ako sa balikat nya habang nakapikit.
"Lasing na agad Amor??" Biro ni Angel sa kanya kaya nagmulat ako at minura sya at sabay-sabay silang tumawa sabay sabing "lasing na nga".
Di ko namalayan ang oras basta ang alam ko nasa dance floor ako habang sumasayaw kaming mga girls nasa gitna nila ako na parang pinoproteksyunan, samantalang nasa mesa naman si Ken para bantayan kaming lahat.
Nang mejo wasted na si Angel ay nag-aya na si Zane na umuwi. Sa condo kami ni Ken matutulog dahil sa aside from malapit lang eh mag eexchange gifts pa kami.
Pagkarating namin sa parking lot ng condo ay mabilis akong inalalayan ni Ken dahil hilo na rin ako si Zane naman ay si Angel ang hinila si Carnalyn ay kaya pang mag lakad.
Pinagpatuloy namin sa unit ni Ken ang party, nagorder pa sila ng pagkain at drinks at habang naghihintay ay nag palitan na ng regalo. A Chanel off white dress ang bigay ni Angel, isang watch naman ang kay Carnalyn then ang favorite kong Poison Girl by Dior na perfume naman ang galing kay Zane at isang pink Nike Running shoes naman ang galing kay Ken grabeng galante talaga nila magbigay perks of having rich friends talaga samantalang ako pinacustomized mugs with coaster lang ang bigay.
Matapos ang exchanged gifts ay tuloy ang inuman hanggang sa makatulog dahil sa kalasingan.
Kinabukasan ay puro masasakit ang ulo dahil sa hangover, gustuhin ko mang late umuwi ay di pwede dahil kelangan ko pang magluto at ngayon darating si Third, speaking of Third bigla akong napabangon at hagilap ng phone ko at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang 30 missed calls and 50 text messages galing kay Third ang huling text nya ay
Third: Baby where are you, im f*cking worried.
Kaya dali-dali ko syang tinawagan isang ring palang ay sinagot nya na agad.
Third: Thank God!! Baby are you ok? for f*ck sake kagabi pa ako tumatawag di ka sumasagot, Im f*cking worried Sh*t
"Ahm Love pasensya di ko nahawakan phone ko, Im sorry"
Third: But you coul've atleast call me when you got home right?
"Im sorry after kase nagbar ay nag exchanged gifts pa kami then nagkayayaan umuwi hanggang sa malasing, sorry na Third love you muaaah "
Isang buntong hininga ang pinakawalan nya at alam kong ilelet go na nya ang topic
"Anong oras ka darating?" mabilis kong tanong
Third: Secret, i have gifts for all of you.
"Pasurprise pa. Sige na Love bababa ko na mejo busy today para sa prep mamayang gabi. love you"
Third: Ok gonna do some errands muna dito then byahe na kami, love you too please take care for me. Drop the call please
Matapos kung ibaba ang tawag ay nagmamadali kong ginising sila para magpaalam na uuwi halos batuhin pa ako ni Zane ng Cellphone nya dahil sa ginawa kaya tinawanan ko lang, but before that pinicturan ko muna sila with their drunk state para may panlaban ako.
Kumatok naman ako sa kwarto ni Ken para magpaalam kaya instead magtaxi eh He offered to drive me pauwi na di naman tinanggihan coz im just wearing may terno na pantulog.
"Thank's for the ride Ken, ingat sa pagdadrive gisingin mo narin mag yun. Advance merry christmas salamat sa regalo"
"advance din, i love your gift. Sige na Bye." paalam nya.
Busy ako buong araw, tulong tulong kaming mga babae sa pagluluto samantalang si Tatay at John naman ay paglilinis at ayos ng bahay. inarrange din nila ang mga regalo sa christmas tree. Gumawa na rin ako ng specialty kong creamy fruit salad na paborito ng lahat sana magustuhan ni Third.
6pm na wala pa si Third kaya tinawagan ko na sya pero di sumasagot kaya hinayaan ko muna baka may surprise na naman yun, (chaar assuming lang).
7pm na at pumunta na ang mga kaibigan ko para magdala ng pagkain galing sa kanila then binigyan ko din sila ng paborito nilang fruit salad. Natapos nalang ako namigay sa mga kapit bahay namin ng pagkain ay wala pa si third mag 9 pm na kaya di ko maiwasan mag-alala, nagtanong na din si Tatay kung asan na si Third.
Calling ThirdMyLoves ......
I tried dialling His number ay di sumasagot pero makalipas ang ilang subok ay sumagot sya.
Third: Hello Baby?
"Third!!! akala ko ano ng nangyari sayo"
Third: Im sorry there is an emergency here
"Bakit anong meron? Kumusta ka? Makakapunta ka ba?" tanong ko sa kanya kahit alam kong malabo ay umaasa parin akong OO ang maging sagot nya. Narinig ko ang mga mura nya sa kabilang linya
Third: Damn, Im sorry Baby I forgot, i'll go there tomorrow Baby I just forgot-
"Nakalimutan mo?" putol ko sa sasabihin nya masakit marinig mula sa kanya na nakalimutan nya kahit alam kong emergency pero masakit parin.
Third: Listen Baby Please, you know Kiara right she did something horrible and Im kinda guilty about it because her parents ask me to look for her and since Im busy because of you and work I do-
"Stop, ok lang sakin no need to explain everything and Im sorry if naging busy ka dahil sakin, don-"
Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng pinutol nya ako para magpaliwanag.
Third: No Baby that's not what i mean please, I promise bukas na bukas jan na ako we'll celebrate the christmas day tomorrow. Please dont get mad.
Paliwanag nya, kahit ganon yung sinabi nya ay parang binuhusan ng mapait na kemikal ang aking sikmura, kumalat hangang puso ang pait na aking naramdaman. Is this How I'm going to celebrate my christmas?
Third: Baby you still there? f*ck sh*t sorry baby please dont cry.
Sunod sunod na mura ang binitawan nya nang marinig nya akong humikbi.
"Ok lang ako. Sige na kung gawin mo na kelangan mong gawin baka anong mangyari sa kanya. "
paalam ko sa kanya
Third: Baby Please promise, tomorrow Im all yours. I love you. I'll call you later for the countdown hmm.
"Ok" at mabilis kong binaba.
Inayos ko muna ang sarili ko to make sure na walang trace ng umiyak ako bago bumaba para iprepare ang mesa. Sinabi ko na din sa kanila na nagkaemergency kela Third kaya bukas na sya makakapunta.
11:55pm ay nagaantay na ako sa tawag nya, gustuhin ko mang ako ang mag Videocall eh di naman sya online. Nagcountdown nalang at nagbigayan ng regalo ay wala akong tawag na natanggap mula kay Third. Nakabati na lahat ng mga kaibigan ko sya ay wala pa at nung sinubukan kong tawagan ay di sya sumasagot. Naiiyak na ako pero di ko pinakita ko sa pamilya ko na malungkot ako. After kumain ay binuksan na namin ang mga regalo ng bawat isa, at tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa natanggap na regalo. Kahit papaano ay naibsan nila ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari.
Matapos ang maglipit ng handaan ay pumasok na kami sa aming mga silid. Tinitingnan ko parin ang phone baka sakaling nagtext na sya pero wala parin. Binuksan ko ang aking sss account at nagulat ako nung nakita ko ang tagged photo kay Third ni Kiara, makikita sa picture na masaya sila nakakapit sa braso nya si Kiara at nasa bewang naman ni Kiara ang kamay nya may hawak silang wine glass at parehong nakaingit sa photo at ang pinaka masakit na part ang caption na
"You can't really leave me huh?"
Doon na tumulo ang mga luha ko at nabitawan ko ang phone ko buti nalang di napansin ng dalawa na umiiyak ako ayoko ring malaman nila ang nangyari.
Ano ba ang totoo? May tiwala ako sa kanya di nya ako lolokohin, pupunta sya dito bukas. Yan ang salitang itinatak ko sa isip ko hanggang sa makatulog akong tahimik na lumuluha.