CHAPTER 1

3074 Words
THIRD PERSON POV Years later... Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Tyler habang nakaakbay sa asawang si Hannah. Ilang oras na ang nakalipas mula nang ikasal silang dalawa at nang mga oras na iyon ay naroon sila sa malawak na bakuran ng De Espeleta Compound para sa reception ng kanilang kasal. Si Janet De Espeleta, ang lola ng kanyang misis, ang nagpumilit na doon na lamang sa likod ng compound ganapin ang event pagkatapos ng kasal dahil sa dami ng taong kayang i-accommodate ng lugar. Sa totoo lang ay sobra-sobra ang lawak ng bakurang iyon para sa mga taong inimbitahan nilang mag-asawa para sa kasal. Doble pa ang laki niyon kung pagsasama-samahin ang sukat ng tatlong malalaking kabahayang nasa loob ng compound. Tyler: Anong nararamdaman mo ngayon, hon? Happy ka ba? Masuyong niyang niyuko ang asawa at tinitigan ang mga mata nito. Isang malaking ngiti ang iginawad sa kanya ng misis bago sinagot ang kanyang tanong. Hannah: I’m the luckiest person at this moment, hon. Imagine, ikinasal ako sa lalaking mahal ko. Iyong lalaking na-love at first sight ako. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Tyler dahil sa sinabing iyon ng esposa. Tyler: Ikaw talaga, hon. Pinapalaki mo na naman ang ulo ko. Alam ko namang napansin mo lang ako noong nagsimula nang magpa-cute sa akin ang kambal mo. Nakipag-agawan ka ng atensyon at sa huli ay nagtagumpay ka naman. Natatawang umatras siya mula sa pagkakaakbay sa kanyang asawa nang maramdamang kinurot nito ang kanyang tagiliran dahil sa narinig nitong mga salita galing sa kanyang bibig. Hannah: Sinasabi mo bang na-challenge lang ako kaya kita napansin, Mister Tyler Rodillo? Ha? Ha? Iniiwasan pa rin ni Tyler ang pag-abot ng asawa sa kanyang baywang habang naaaliw siyang tumatawa dahil alam niyang gusto lamang nitong pisilin nang malakas ang bahaging iyon ng kanyang katawan. Pinagtitinginan na sila ng ibang bisitang kumakain sa mga oras na iyon. Mabuti na lamang ay naroon ang ina at tita ng kanyang misis para istimahin ang mga taong naroon. Silang dalawa ng kanyang asawa ay kanina pang nakikipag-usap sa guests na dumalo ng kanilang kasal. Ilang pagbati na ang kanilang narinig at hindi na mabilang ang mga regalong kanilang natanggap mula sa mga ito. Ngayon ay gusto nilang samantalahin ang ilang sandaling pahinga para kumustahin ang isa’t isa dahil mamaya ay paniguradong gagawin na naman nila ang kanilang mga obligasyon bilang groom at bride sa wedding reception na iyon. Tyler: Alam mo, hon, okay lang naman sa akin na aminin mo ang totoo. Hindi mo na kailangang patabain ang ego ko. Pero alam mo ba kung aling ulo ang gusto kong palakihin mo? Tumigil ang pagpupumilit ng kanyang misis na maabot ang kanyang baywang nang biglang humina ang tinig ng kanyang boses at magtaas-baba ang kanyang mga kilay. Sigurado siyang naiintindihan ng kanyang misis ang ibig niyang sabihin. Alam nito kung ano ang kanyang inaabangan sa araw ng kanilang kasal. Maya-maya ay pilyo siyang ngumiti nang makitang namula ang magkabilang pisngi ng kanyang bride. Hannah: Gosh, hon. Dito mo pa talaga sinasabi ang mga bagay na iyan. Hindi mo ba naisip na baka may makarinig sa iyo? Muling inakbyan ni Tyler ang kanyang asawa at idinikit ang babae sa kanyang katawan. Tyler: I’ve got nothing to worry about, hon. Misis na kita kaya kahit anong klaseng paglalambing ay pwede ko nang gawin sa iyo. Isang mabilis na halik ang pinadapo niya sa kaliwang pisngi ng kanyang asawa na ikinagulat nito. Ngunit sandali lamang niyang nakita ang pagkabiglang iyon sa mukha ng babae dahil kaagad din iyong napalitan ng isang matamis na ngiti nang pilyo niyang kindatan ito. Tyler: I can’t wait na makabuo tayo ng sarili nating pamilya, hon. Alam mo naman na maaga akong naulila. Kaya sabik din akong magkaroon ng matatawag kong sariling dugo’t laman. Matiim na tinitigan si Tyler ng kanyang asawa nang maglandas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon. Hannah: But we are family, hon. Nang kupkupin ka nina Daddy at Mommy ay naging bahagi ka na rin ng pamilya De Espeleta. Tumango siya sa kanyang asawa at pagkatapos ay pinisil ang kanang balikat nito. Tyler: I know, hon, at habang-buhay kong ipagpapasalamat sa mga magulang mo iyon. Kung hindi nila ako kinupkop, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa buhay ko ngayon. Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag alam mong may sarili kang kadugo. Umangat ang kanang kamay ng kanyang misis at marahang hinaplos ang kanyang kaliwang pisngi. Hannah: Naiintindihan kita, hon. Kaya tutuparin natin ang pangarap mo. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Malay mo, magkaroon din tayo ng sarili nating compound. Ang Rodilla Compound. Nasilip ni Tyler mula sa mga mata ng asawang si Hannah ang kasabikan. Animo’y nagniningning ang mga iyon dahil sa excitement na nararamdaman nito. Maging siya ay nasasabik na rin na simulang buuin ang kanilang mga pangarap. Ngunit alam niyang hindi magiging madali para sa kanya na abutin ang layunin nilang iyon. Hindi magiging diretso ang daan patungo sa kanyang inaasam na isang buo at masayang pamilya. Dahil kapalit ng pag-usbong ng panibagong dugo ay ang pagbaon sa mga lamang ilang buhay na ang sinira. Akmang hahalikan niya ang kanyang asawa nang biglang sumulpot sa kanilang tabi ang kambal nitong si Madison. Fraternal twins ang dalawa kaya madali para sa kanya na ma-distinguish kung sino sa dalawa ang kanyang kaharap. Madison: Hey, newlyweds! Masyado na kayong nag-e-enjoy dito. The party is not yet over. Mamaya pa ang honeymoon kaya later na kayo magpaka-sweet sa isa’t isa. Let’s go! Narinig niya ang pagtawa ng kanyang asawa nang tumalikod na ang kanyang hipag at nagpatiunang lumakad sa kanila. Napansin ni Tyler na nagpalit na ng damit ang kanyang sister-in-law mula sa suot nitong maid of honor dress na pinili ng kanyang misis para rito. Hindi niya napigilan ang sarili na titigan kung paanong humahakab sa katawan ni Madison ang suot nitong black sexy dress. Kaagad niyang nilingon ang kanyang asawa para tingnan kung napansin nito ang sandaling pagtitig niya sa makurbang katawan ng kapatid nito. Ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat na nakasandal ang ulo nito sa kanyang dibdib habang nakapatong ang kanyang kanang bisig sa kanang balikat nito. Inalalayan ni Tyler ang asawang si Hannah paakyat ng makeshift stage na ginawa para sa okasyong iyon. Umupo sila sa dalawang mala-tronong upuan na nasa itaas ng elevated platform. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang misis at mariing pinisil ang palad nito. Maya-maya ay narinig na niyang nagsalita ang Master Of Ceremonies na si Sharon, ang fiancée ng kanyang bayaw na si Eric. Sharon: Alright, everyone, busog na ba ang lahat? Gising pa ba? Kung oo, dumako na tayo sa pinakamasayang part ng gabi, ang wedding games! Nakangiti si Tyler sa mga bisita habang nagpapalakpakan ang mga ito. Nakita niya ang mga magulang ng kanyang asawa na sina Billy at Shirley Asturezo na nakikipagkwentuhan sa ilang kakilala ng mga ito. Halos karamihan ng mga dumalong guests ay mula sa side ng kanyang bride. Napansin ni Tyler na kinakausap ng Tita Jennifer ng kanyang esposa ang Event Organizer sa isang bahagi ng bakuran ng mga De Espeleta. Nang hanapin ng kanyang mga mata ang mister nito ay hindi niya ito makita sa mga taong naroon. Sharon: Okay, simulan natin sa larong magpapakita kung gaano ninyo kakilala ang groom at bride. Ito ang tinatawag nating Couple Quiz! I need ten people for this game. Narinig niyang isa-isang nagtatawag ng pangalan mula sa mga bisita ang kanyang future bilas habang siya ay napansing nakaupo sa isang sulok ang fiancé nito at kausap ang isinamang kaibigan ni Sharon sa wedding reception. Sandali niyang nilingon ang kanyang asawa para tingnan kung saan nakatuon ang atensyon nito. Nang makita ni Tyler na nakangiti ang kanyang bride habang pinagmamasdan ang pabirong pagtutulakan ng mga bisita kung sinu-sino ang dapat na sumali sa unang wedding game ay muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa Kuya Eric ng kanyang asawa. Napansin niyang parang may ibinubulong ito sa babaeng katabi at ang ulo nito ay parang may itinuturong direksyon. Kung tama ang kanyang hinala ay parang niyayaya nito ang babae na tumungo sa ibang lugar kung saan silang dalawa lamang. Nang subukan niyang tingnan ang ekspresyon sa mukha ng babae ay hindi niya iyon masyadong maaninag dahil sa malamlam na liwanag na tumatanglaw sa puwesto ng dalawa sa loob ng malaking bakuran. Ngunit nahagip ng kanyang paningin ang pagkagat ng babae sa ibabang labi nito. Maya-maya pa ay nakita niyang yumuyugyog na ang balikat ng babae habang may ibinubulong dito ang kanyang bayaw. Sa tingin ni Tyler ay parang kinikilig ang babae sa kung anumang sinasabi rito ni Eric. Sharon: Okay, first question is about foods. Ano ang favorite delicacy ng ating couple? Go! Muling tumuon ang kanyang atensyon sa misis na si Hannah nang maramdamang pinisil nito ang kanyang kamay. Hannah: Okay ka lang, hon? Parang pinagpapawisan ang kamay mo. Ilang sandaling nakatitig lamang siya sa kanyang esposa bago marahang tumango. Tyler: Yeah, I’m okay. Medyo naiinitan lang ako rito sa suot ko. But I’m good. Ngumiti siya sa kanyang asawa habang nararamdaman niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo ang lumipas na nakatingin lamang sa kanyang mukha ang misis na si Hannah bago nito itinaas ang kanang kamay at kinapa ang kanyang leeg. Bahagya pa siyang nagtaka sa ginawa nito ngunit hinayaan na lamang niya. Hannah: Tiningnan ko lang kung may lagnat ka. Mukha namang okay ka, hon. Siguro nga dahil lang sa suot mo. Nginitian siya ng kanyang bride bago nito ibinalik ang atensyon sa mga bisitang kasali sa Couple Quiz game. Hannah: Kung kasali si Madison sa game na ito, paniguradong perfect score siya. Alam niya ang halos lahat ng bagay tungkol sa ating dalawa. Sa sinabing iyon ng kanyang asawa ay wala sa loob na hinanap ng kanyang paningin ang kambal nito. Nakita niyang kausap ni Madison ang pinsan nitong si Keith. Ang lalaking sagad hanggang buto ang inis sa kanya. Mula nang tumapak si Tyler sa De Espeleta Compound ay wala siyang naaalalang pagkakataon na pinakitunguhan siya nang maayos ng pinsan ng kanyang asawa. Palagi itong nagpaparinig sa kanya at sinasabing sampid lamang siya. Madalas siyang tinitingnan nito nang masama at kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya ay umiirap pa ito. Sa mga pagkakataon naman na kailangan talaga siya nitong kausapin ay hindi man lamang ito tumitingin sa kanyang mga mata at minsan ay nakataas pa ang noo. Damang-dama niya ang pagkadisgusto ni Keith sa kanya. Nakita niyang lumingon sa kanyang direksyon ang lalaking kausap ni Madison at ganoon na lamang ang panlilisik ng mga mata nito nang mahuli nitong nakatitig siya rito. Kung nakapaglalabas lamang ng apoy ang mga mata ay baka naglalagablab na sa init ang kanyang paligid nang mga sandaling iyon. Marahil ay napansin ng kanyang hipag na sa ibang direksyon nakatuon ang mga mata ng pinsan nito kaya nakatingin na rin ito sa kanya habang si Keith ay inirapan lamang siya. Nang muling salubungin ni Tyler ang mga mata ni Madison ay ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang makitang parang malagkit ang titig nito sa kanya. Kaagad siyang umiwas ng tingin dito at nilingon ang asawang malakas na tumatawa habang pinapanood ang mga bisitang naglalaro sa harap ng stage. Nang muling bumaling ang kanyang mga mata sa direksyon ng kanyang bayaw habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ng kanyang asawa ay napansin niyang wala na ito at ang babaeng kasama sa puwesto ng mga ito kanina. Pakiramdam ni Tyler ay parang lalong namawis ang kanyang mga palad sa kadahilanang hindi niya alam. Nilingon niya ang asawa at marahang pinisil ang kamay nito para makuha ang atensyon. Tyler: Hon, okay lang ba sa iyo na maiwan kita saglit? Kailangan ko lang mag-banyo. Nang makita niyang natatawang tumango ang kanyang bride dahil sa kanyang sinabi ay medyo nabawasan ang nararamdaman niyang kaba. Nakitawa rin si Tyler dito bago dahan-dahan siyang bumaba ng stage. Sandali siyang tumingin kay Sharon para sumenyas na papasok siya ng ancestral house at nakakaunawa naman itong tumango sa kanya. Wala itong kamalay-malay na ang fiancé nito ang dahilan kung bakit nagdahilan siya sa kanyang misis na gagamit siya ng banyo. Malayo ang bahagi ng bakuran kung saan idinadaos ang wedding reception mula sa tatlong malaking bahay na matatagpuan sa loob ng compound. Kaya hindi madaling makikita kung sinu-sino ang mga taong pumapasok at lumalabas ng tatlong kabahayan. Nang makalagpas na siya sa puwesto ng limang buffet tables ay may naramdaman siyang parang mga pares ng matang nakatingin sa kanya. Nang lingunin niya iyon ay nakita niyang nakatitig sa kanya si Keith. Hindi niya maintindihan ang ekspresyong nakabalatay sa mukha nito. Sa huli ay tinalikuran na lamang niya ito. Nang malayo na si Tyler mula sa nagaganap na wedding reception ay kaagad siyang lumiko sa bahagi ng bakuran na maraming magkakatabing puno. May pakiramdam siyang doon nagtungo ang kapatid na lalaki ng kanyang asawa at ang kaibigan ni Sharon. Dahan-dahan siyang naglalakad habang iniisa-isa ang mga puno sa madilim na bahaging iyon. Ingat na ingat siya sa kanyang paglalakad sa ibabaw ng hindi pantay na lupa. Maya-maya ay may nauulinigan na siyang mga ungol sa di-kalayuang bahagi mula sa kanyang kinatatayuan. Parang binabayo ang kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Sinisikap ni Tyler na huwag makalikha ng tunog habang naglalakad palapit sa pinanggagalingan ng naririnig niyang mga ungol at halinghing. Ilang sandali pa ay tumigil na siya sa kanyang paglalakad nang tumambad sa kanyang harapan ang malamang pang-upo ng kanyang bayaw habang nag-aatras-abante ito sa babaeng nakasandal sa isa sa mga punong naroon. Nakita ni Tyler na nakaipon sa paligid ng baywang ng kaibigan ng fiancée ng kanyang brother-in-law ang suot nitong dress habang nakakapit ang dalawang bisig nito sa leeg ng kapatid ng kanyang asawa. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang pinagmamasdan kung paanong naglalabas-masok sa loob ng isang butas ang malaking kargada ng lalaking nasa kanyang harapan. Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang umatras para magtago sa likod ng isang malaking puno. Sinigurado niyang hindi mapapansin ang kanyang presensya roon ngunit makikita pa rin niya sa kanyang puwesto ang nagaganap sa pagitan ng dalawang traydor. Ilang sandali pa siyang nanood sa kababalaghang iyon hanggang sa gumalaw na ang kanyang kamay patungo sa kanyang suot na pantalon. ---------- Isa pang halik na matunog, malaway, at madila ang hiningi mula kay Thomas Zamorillo ng inaanak ng kanyang misis bago ito humiwalay mula sa kanyang mga labi. May ilang strands pa ng laway ang nagdudugtong sa kanilang mga bibig habang hinahabol nila ang kanilang paghinga. Ilang minuto nang sinasakop ng kanyang bibig ang mga labi ni Leslie habang nagaganap ang wedding reception ng kanyang pamangking si Hannah at ang asawa nito sa bakuran ng mga De Espeleta. Sa simbahan pa lamang ay napansin na niyang iba ang titig na ipinupukol sa kanya ng babaeng inirereto ng kanyang misis para sa kanilang anak. Para siyang hinuhubaran nito sa tingin kahit nasa paligid lamang ang kanyang pamilya. Wala siyang ideya na siya pala ang tipo ng babaeng gustong ipakasal ng kanyang misis sa anak nilang si Keith. Thomas: Sige na. Bumalik ka na sa party. Mamaya hinahanap ka na ng mga magulang mo. Susunod na rin ako. Iwasan nating bumalik nang sabay. Pinagmasdan niya kung paanong ayusin ni Leslie ang nagulo nitong buhok. Leslie: Don’t worry, Tito. Nagsabi naman ako sa kanila na magpapahangin lang ako. Knowing my parents, alam kong hindi nila ako hahanapin. Tumango na lamang si Thomas habang pinupunasan ng tissue ang kanyang mga labi. Alam niyang hindi tipo ng babae ang kanyang anak kung pagbabasehan ang ilang beses na hindi nito pagsipot sa mga dates na sini-set up ng kanyang asawa at ng ina ng babae para rito at sa nag-iisang anak niyang lalaki. Ngunit galing sa mayaman na pamilya ang babae kaya kahit siya ay sang-ayon sa plano ng kanyang asawa na ipakasal ito sa kanilang anak. Kapag nagsama ang dalawang pamilya ay sigurado siyang mas lalakas ang kanilang negosyo. Ang kaisipang iyon ang nagtulak kay Thomas para patulan ang pakikipag-flirt ni Leslie sa kanya matapos ang kasal. Ang balak niya ay paasahin ang babae na may mangyayari sa kanilang dalawa oras na pakasalan nito ang kanyang anak. Kung pagbabasehan ang halos dalawampung minutong pakikipaghalikan nito sa kanya na ito pa ang nag-initiate, masasabi niyang hindi ganoon kahirap para pasakayin ang babae sa kanyang patibong. Nang maayos na muli ang kolorete sa mukha ng babae ay mabilis pa itong nagnakaw ng halik sa kanyang mga labi na kanya na lamang ikinailing. Pagkalabas ng babae sa bahay ng kanyang pamilya ay maingat niyang isinarado ang main entrance door. Pagkatapos ay nagmamadali siyang tumungo sa back door ng bahay at lumabas doon para tumungo sa kabilang bahay. Dire-diretsong nagtungo si Thomas sa back door ng ancestral house na matatagpuan sa loob ng compound. Pagkapasok ay kaagad niyang ini-lock ang pinto. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Alam niya kung saang kuwarto siya tutungo. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi nang pagbukas niya ng pintuan ng prayer room ay naroon ang kanyang biyenang si Janet De Espeleta. Pinagmasdan niya kung paanong taimtim na umusal ng pasasalamat at paghingi ng kapatawaran ang ina ng kanyang misis. Nakapikit pa ang mga mata nito habang ginagawa iyon. Ilang sandali pa ay tumayo na ito mula sa pagkakaluhod. Nang makita siya nito ay isang maharot na ngiti ang sumilay sa mga labi nitong may bahid ng lipstick. Sabay silang lumabas ng silid na iyon at habang nilalakad nila ang pasilyo patungo sa kwarto nito ay unti-unti na niyang hinuhubad ang kanyang mga saplot sa katawan. Janet: Kailangan nating sulitin ang isa’t isa sa mga susunod na mga gabi, mahal ko. Pagkatapos ng honeymoon nina Hannah at Tyler ay dito na sila titira sa ancestral house. Magiging mahirap para sa ating dalawa ang sumalisi. Hubo’t hubad na si Thomas nang kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabing iyon ng kanyang mother-in-law. Thomas: Dito mo patitirahin sa bahay mo ang sampid na iyon? May halong pagdududang tumitig siya sa kanyang kalaguyo. Janet: Oo, mahal ko. Dati ko pa sinabi sa iyo na wala akong tiwala sa lalaking iyon. Dito sa aking bahay ay mas mababantayan ko siya. Magtiwala ka sa akin. Nagdududa man sa gustong mangyari ng abuela ng kanyang anak ay hindi na sumalungat pa si Thomas lalo na nang sa kanyang harapan naman lumuhod si Janet. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD