PROLOGUE

1397 Words
THIRD PERSON POV Nanlilisik ang mga matang hinawi ni Cesar De Espeleta ang makapal na kurtinang nakatabing sa malaking bintana ng malawak na formal living room ng ancestral house ng kanilang angkan. Muli na naman siyang sinuway ng kanyang anak na si Fritz. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang pinagmamasdan kung paano itong nakikipagngitian sa kasintahan nitong anak ng isa sa kanilang mga tauhan. Wala man lamang takot ang kanyang anak na ginagawa nito ang pakikipagharutan sa mismong loob ng kanilang bakuran. Hindi man lamang sumasagi sa isip nito ang kahihiyang idudulot sa kanilang pamilya oras na may makakitang ibang tao sa pakikipagmabutihan nito sa kapatid ng isang kriminal. Nanginginig sa galit ang kanyang kanang kamay habang nakakapit iyon sa telang ilang dekada nang saksi ng mga sikretong ibinaon na sa lupa. Buo na ang desisyon ni Cesar na tapusin ang kahibangan ng kanyang anak sa sinasabi nitong tunay na pagmamahal. Narinig niya ang mga mahinang yapak na nagmumula sa kanyang likuran. Marahas niyang binitiwan ang pulang tela at hinarap ang taong pumasok sa malawak na sala. Kaagad niyang pinakalma ang sarili nang makita ang manugang na si Thomas Zamorillo. Cesar: Ikaw pala, Thomas. Kumusta ang kabilang bahay? Tulog na ba ang anak mong si Keith? Ngumiti sa kanya ang paboritong manugang at tumango. Thomas: Well, let’s hope na totoong tulog siya nang silipin ko sa loob ng kanyang kuwarto. You know your grandson, Papa. He’s good at pretending. Isang mapaklang tawa ang kanyang pinakawalan at pagkatapos ay umiling. Marahang lumakad si Cesar patungo sa antique center table na nasa loob ng sala at inabot mula roon ang nakapatong na kagamitan na nababalutan ng itim na tela. Cesar: Kailangang sigurado ka sa lahat ng bagay, Thomas. Dahil kung hindi, pwedeng masalisihan ka. Nakita niyang tipid na ngumiti ang asawa ng anak niyang si Jennifer ngunit bago pa ito muling makapagsalita ay isang presensya ang umistorbo sa kanilang usapan. Ang anak niyang si Shirley. Kaagad na itinago ni Cesar ang delikadong bagay na nababalutan ng tela sa kanyang likod at nginitian ang panganay na anak. Cesar: Hija, don’t tell me na iniwan mo ang iyong ina sa loob ng praye--- Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay biglang pinutol na iyon ng pagsasalita ng kanyang anak. Shirley: Papa, hindi namin maawat ni Jennifer ang apo mong si Blake. Sinasaktan na naman niya ang kanyang sarili. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Cesar nang marinig ang pangalan ng suwail niyang apo. Nahimigan niya ang pag-aalala sa tinig ng boses ng anak na si Shirley at naiintindihan niya iyon. Noong isang araw lamang ay sinugatan ng anak nitong si Blake ang kanan nitong palapulsuhan. Maliban sa insidenteng iyon ay ilang beses pang sinaktan ng kanyang apo ang sarili nito sa mga nakalipas na buwan. Wala silang ideya kung bakit nito ginagawa ang mga bagay na iyon. Sa tuwing pinaparusahan ni Blake ang sarili nito ay mas nangingibabaw ang inis sa puso ni Cesar kaysa ang kaawaan ito. Iniisip niya kung paanong makakaapekto sa reputasyon ng kanilang pamilya ang ganoong pag-uugali ng kanyang apo. Maliban doon ay alam ng lahat ng miyembro ng pamilya kung gaano kasuwail ang pangalawang anak na lalaki ng kanyang eldest daughter na si Shirley. Aware din siya na halos lahat ng kakilala nila ay may reklamo sa apo niyang iyon. Kaya kung naiinis man si Cesar sa kanyang apo ay mayroon siyang dahilan. Humugot siya ng isang malalim na paghinga bago nagsimulang maglakad palabas ng living room. Nang mapatapat siya sa kinatatayuan ng manugang na si Thomas ay pasimple niyang inabot dito ang may balot na telang mapanganib na kasangkapan. Cesar: Ikaw na ang bahala. Nakita niyang nag-igting ang mga panga ng lalaki ngunit tumango rin naman sa kanya. Pagkaabot nito sa bagay na iyon ay marahan niyang tinapik ang kaliwang balikat nito. Cesar: Don’t disappoint me. Nang muli niyang tingnan ang anak na si Shirley ay napansin niyang nakatuon ang mga mata nito sa hawak na itim na tela ng bayaw nito. Cesar: Ang dapat sa anak mo ay dinidisiplina nang maayos, hija. Masyado kasing kinukunsinti ni Billy. Napayuko na lamang ang kanyang anak nang banggitin niya ang pangalan ng mister nitong palagi na lamang niyang nakakasagutan. Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa back door ng malaking kabahayan. Ang anak niyang si Shirley ay tahimik lamang na nakasunod sa kanya. Bago tuluyang lumabas ng pintuan ay inabot muna ni Cesar ang latigong nakasabit sa makapal na pader na gawa sa adobe na malapit sa gilid ng pinto. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kanyang anak. Shirley: Papa, I don’t think--- Bago pa matapos ng kanyang anak ang sasabihin nito ay hinarap na niya ito at dinuro. Cesar: Hindi ka sana magkakaroon ng ganyang klase ng anak kung hindi si Billy ang pinakasalan mo. But you chose love over power. And look where it led you. A life full of regrets. Halos pandilatan niya ang kanyang anak habang sinasabi ang mga salitang iyon. Akma pa sana itong magsasalita nang biglang pinalipad niya sa ere ang dulo ng latigo na ikinagulat nito. Isang nagbabantang tingin ang ipinukol niya sa anak bago binuksan ang back door. Nanliliit ang mga matang tinungo ni Cesar ang modern house na nasa kanang gilid ng ancestral house. Padabog siyang tumatapak sa stone path na nasa ibabaw ng hindi pantay na lupa. Nang pumasok siya sa loob ng modernong kabahayan ay nakita niyang inaawat ng kanyang manugang na si Billy Asturezo at anak na si Jennifer ang ginagawang pagpapatama ng kanyang apo sa ulo nito sa matigas na pader ng bahay. Cesar: What’s happening here? Parang isang dagundong ng kulog na umalingawngaw sa bawat sulok ng bahay ang maawtoridad na tinig ng kanyang boses. Awtomatikong tumigil sa ginagawa nitong pananakit sa sarili ang apo niyang si Blake at nang tumuon ang mga mata nito sa hawak niyang latigo ay nahalata niyang parang nanigas ang katawan nito. Masama ang mukha ni Cesar na lumapit sa kinaroroonan ng kanyang apo. Naramdaman niya pang sinubukan siyang pigilan ng kanyang anak na si Shirley ngunit tinabig lamang niya ang kamay nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang humarang sa katawan ng anak nito ang manugang niyang si Billy. Billy: Papa, hindi ako papayag na sasaktan mo ang anak ko. Lalong uminit ang ulo ni Cesar dahil sa sinabing iyon ng ama ng apo niyang si Blake kaya naman hindi na siya nakapagpigil at dito ipinatama ang malakas na hagupit ng makapal na latigo. Isang malakas na nasasaktang hiyaw ang pumailanlang sa loob ng malawak na sala ng mga Asturezo nang mapaluhod sa sahig ang asawa ng anak niyang si Shirley habang nakangiwi ang mukha nito at nakahawak ang kanang kamay sa nasugatang braso. Shirley: Papa! Nakita niyang dinaluhan ng kanyang panganay na anak ang esposo nitong nakaluhod sa sahig. Cesar: Walang sinuman ang maaaring humadlang sa nais gawin ng isang Cesar De Espeleta. Matapos sabihin iyon ay isang malakas na hataw pa ang ipinatama niya sa katawan ng manugang na si Billy. Billy: Ugh! Iniharang na ng kanyang panganay na anak ang katawan nito sa sugatang katawan ng mister. Shirley: Tama na, Papa. Please! Tama na po. Hinihingal si Cesar habang pinagmamasdan ang nagsisimula nang lumuha na mga mata ng kanyang anak. Iniwas niya ang paningin at ibinaling iyon sa apong si Blake. Nag-igting ang kanyang mga panga nang makita ang nahihintakutan nitong mukha. Akmang lalapit siya rito nang agawin ng kanyang anak na si Jennifer ang kanyang atensyon. Jennifer: Papa, hindi ninyo pwedeng saktan si Blake. Nakalimutan niyo na ba? A De Espeleta should never hurt his own blood. Hindi natin maaaring saktan, physically or emotionally, ang sarili nating kadugo. Sa sinabing iyon ng bunsong anak ay kumuyom ang kaliwang palad ni Cesar. Sunud-sunod na paghingang malalim ang kanyang ginawa para subukang pakalmahin ang sarili. Naroon pa rin ang inis sa kanyang puso para sa apong si Blake at hindi niya matanggap na hindi niya ito maaaring saktan dahil lamang sa kadugo niya ito. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang apo bago muling tiningnan ang anak na si Shirley habang yakap nito ang asawa. Kitang-kita niya sa mukha ng manugang ang iniinda nitong sakit. Ang taong sinaktan niya. At doon ay napagtanto ni Cesar na kung hindi pwedeng siya ang dumisiplina sa kanyang apo sa paraang alam niya, maaari naman iyong gawin ng isang taong hindi dinadaluyan ng dugong De Espeleta. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD