Habang naglalakad ako sa aisle ng simbahan papunta sa dulo nito, nakatingin sa `kin ang mga taong nandoon. Nakikiramay. Pinapanood ako habang naglalakad papunta sa dulo na akala mo ba, ikinakasal ako. Kahit na naka-pambahay lang ako'ng damit, kahit na hindi pa ako naliligo, wala ako'ng pakialam. Gusto kong puntahan si Lola. Gusto kong puntahan ang kauna-unahang tao na nagkwento sa `kin ng pinaka-magandang love story. Alam kong nasa likod ko si Nikko. Sinusundan ako. Pagkarating ko doon sa puting higaan ng mga taong wala ng buhay, nakita ko ang napaka-gandang mukha ni Lola—nakangiti. Tila ba wala siyang problemang dinadala, napaka-ganda niya. Napaka-ganda ni Lola. Tumulo ang luha ko nang mapagtanto na kahit kailan, hindi ko na siya makikita pa. Na kahit kailan, hindi ko na makikita ang tao

