Alam niyo `yung ang landi ng hair ko? Kasi ang haba? Tapos, kahit kiligin ako hindi ko kaya at hindi ko magawa kasi `yung mga salitang `yan, gusto ko lang marinig galing sa bibig nang taong totoong mahal ko? "L-Ligaw? N-nagbibiro ka ba?" nauutal kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umiling. "Of course not, seryoso ako.” Sinimangutan ko siya. Ang kaninang nakangiti niyang labi ay naglaho na rin at napalitan ng lungkot. "Aaron..." Hindi ko alam kung paano itutuloy `to. Paano ba mambusted ng gwapo? Naiiyak na ko. "Okay lang, Gab. Sabihin mo lang, handa ako sa mga maririnig ko," nakangiti niyang sabi, pero dama ko `yung lungkot niya. "Aaron, I'm sorry hindi ko deserved `yan. Hindi naman ako maganda, eh. Hindi rin ako mabait. At lalong hindi ako matalino. Hindi ko deserve ang isan

