Ilang buwan na ang nakaraan simula no'n. Finals na. Sila nagre-review, ako walang ginagawa kundi tumunganga. Ayoko nito eh, ayoko ng course ko. Sinabi ko naman ‘di ba, na kaya lang architecture ang kinuha ko, dahil kay Mike? Dahil gusto ko lagi ko siyang kasama? Kaso, ayoko na, eh. Tinatamad na akong mag-aral, ayoko nito eh, ayoko ng course na `to. Hindi ko na madalas kasama si Mike. Pinagpalit niya na ako sa girlfriend niya. Ang sabi niya, hindi niya ako iiwan. Ang sabi niya, ako lang ang prinsesa niya. Sinungaling. Ngayon pa lang, wala na akong aasahan sa lahat ng sinabi niya. Puro salita, puro pangako. Akala ko, ako lang talaga, eh. Umasa ako kasi nangako siya sa `kin. Bata pa lang kami pinangako na niya sa `kin `yun. Pero anong nangyari ngayon? ____ "Gab, tapos na ang finals ha? Sam

