"What did you say? Bakit mo naman papatayin si Kenth, aber?" asik ko naman habang nilalabanan ang kanyang matalim na titig. He and his annoying choice of words! "Because he's getting on my nerves." May diin ang bawat salita na kanyang pinakawalan. Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Matagal ka naman na talagang bwisit sa kanya, eh. Wala naman sa'yong ginagawa ang tao ay bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya? Mabait naman sa'yo si Kenth, ikaw lang ito parang palaging mainit ang ulo sa kanya," pagtatanggol ko naman sa isa. Matagal ko ng kaibigan ko si Kenth at sa mga panahong wala akong matakbuhan para masabihan ng mga problema at agam-agam ko sa buhay ay nandoon siya palagi. Sa totoo lang ay simpleng tulong lang naman din ang hiningi niya sa akin kanina. Hindi naman iyon malaki

