"Manahimik kayo pareho at sumasakit lalo ang ulo ko sa inyo," asik niya at nahilot pa ang kanyang sentido. "Hindi mo kayang pagsabihan siya dahil may gusto ka na rin sa kanya, tama ba? Hindi ko alam na isang desperadang babae pala ang gusto mo. Ang baba naman pala ng taste mo sa babae, Grantt." "Wend... Yong!" gulat niyang sambit ng pangalan ko dahil sa pagsampal ko kay Wendy. Tumabingi pa ang mukha nito dahil sa lakas niyon. Agad na humarang siya sa pagitan namin ng babae at mahigpit na nakayakap sa bewang ko para pigilan ako. "Ha! Sino ka para sampalin ako?" malamig na saad ng babae at masama ang tingin na ibinigay sa akin. "Yong, calm down, baby," bulong niya sa akin pero hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko. Ngayon na sigurado akong mahal talaga ako ni Grantt ay hindi na a

