Sabihin na lang natin dahil pareho kaming lutang ng mga panahon na iyon at dahil sa impluwensiya ng mga magulang namin. Sa kay Tito Ortize, Tita Gretchen at sa kapatid nilang babae na si Ate Olga lang din ako napakilala noon ni Greel sa akin kaya hindi naging komplikado ang lahat. Si Grantt naman ay na meet ko lang sa family dinner nila kung saan imbitado ako, iyon din ang gabing hindi na nagpakita pa sa akin si Greel. Isang beses ko lang din na naipakita kay Mama at Papa ang picture ni Greel at sinabi kong boyfriend ko ang lalaki. Nasa 90% na magkamukha si Greel at Grantt at magkatunog din ng pangalan nila kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na magkaiba sila ng pagkatao. Akala kasi ni Mama ay naibigay ko na kay Grantt ang p********e ko kaya noong namanhikan sila ay agad

