"Hmmm, bagay sa kanya itong rose gold," tugon ko naman sabay tango-tango pa para itago ang disappointment sa aking mukha. "How about this one? Isn't it more classy and beautiful than the rose gold? " aniya pa at dinampot iyon para suriin. Mas bet ko nga rin itong white gold kaso nga lang eh napansin ko na karamihan sa jewelries ni Wendy ay rose gold. "I think so. Just pick whatever you want." Pinigilan kong mapabuntong-hininga. Kung sabagay ay wala naman ako masyadong alam sa alahas. Ang tanging meron nga lang ako ay iyong isang set ng silver necklace, ring and earrings na bigay ng ina ko noong college pa ako. Naitabi ko pa iyon at hindi madalas maisuot. Ni wedding ring nga namin ay nasa drawer ko lang din dahil hindi ko naman pwedeng suotin araw-araw. Makakaagaw lang iyon ng aten

