"Bakit? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" usisa niya pa. "Ah, hindi," tugon ko sabay bangon bago niya pa man mahalatang ibang tao ang nasa isip ko. Bumaba na ako ng kama at binuksan ang dressing room niya. "Tulungan mo akong maghanap ng isusuot mo bukas," dagdag saad ko. "Okay na, nakapag-impake na ako," aniya pa at niyakap ako mula sa likuran. Natigilan naman ako pagkuwa'y nakabawi rin. "Eh? Kaya mo naman palang mag-ayos ng mga gamit mo pero bakit palagi mo pa akong pinapasama kapag may mga ganitong lakad tayo? Kesyo, hindi mo alam ang ganito at ganyan?" panunumbat ko pa sa kanya. I really didn't want to come here before because I wanted to avoid meeting him and dealing with the problems we had. As his manager, known for being attractive and not in a relationship, I couldn't

