Chapter 18 - King and Queen

2406 Words
"Mr. Mark Vasquez? Please come forward." sabi ng emcee at napansin kong abala ang lahat sa paghahanap sa akin. Sino ba naman kasi ang makakakilala sa isa't isa ngayong nakamaskara ang lahat? "Mr. Mark Vasquez? Are you here?" sabi ulit ng emcee. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o pinagtitripan lang ako ng mga ito pero kailangan kong tumayo at magpakilala. Kaya napabuntong hininga ako tsaka tumayo at nakuha ko ang atensyon ng lahat. Ako lang naman kasi ang nakatayo. "Mr. Mark Vasquez?" Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa papunta sa stage. Hindi ako sanay sa mga ganito, sa party at lalung-lalo na sa atensiyon ng lahat pero nilakasan ko ang aking loob para maharap sila. Siguro, ito na iyong tamang pagkakataon para maitama ko ang maling nagawa ko. "Mr. Mark Vasquez?" tanong ng emcee nang makalapit na ako sa kaniya "O-Opo." "Do you mind if you take off your mask?" "Okay lang po." mahinang tugon ko. Tumingin ako kay James at habang ginagawa ko iyon ay dahan-dahan kong tinatanggal ang laso sa aking maskara sa likod. "Hawakan mo muna ang maskara at huwag mong tanggalin sa mukha, okay?" bulong sa akin ng emcee nang hindi naka-microphone at tumango lang ako. "Handa na ba kayong makilala ang ating King of this year's ball?!" sigaw niya sa lahat "Yes!!" sabay-sabay na hiyawan ng lahat "Ladies and gentlemen. Without further ado, our this year's King ... Mr. Mark Vasquez!!" Pagkasabing iyon ng emcee ay tinanggal ko na sa aking mukha ang maskarang suut-suot ko at ngumiti sa lahat. Nang matanggal ko na ang aking maskara ay nakarinig naman ako ng mga hiyawan, sigawan ng aking pangalan na paniguradong galing ito sa mga kaklase ko at mga palakpakan mula sa lahat. Pero si James ... hindi niya magawang gawin ang ginagawa ng iba. Ni hindi nga siya makatingin sa akin at nakayuko lang ito. "Mr. Mark. Before we proceed to the royal dance, a king must have his queen kaya bibigyan kita ng pagkakataon na pumili ng magiging reyna mo ngayong gabi." aniya "P-Pwede pahiram, Miss." nahihiyang tugon ko sa kaniya. "Sure. Ipapakilala na niya ang maswerteng babae." nakangiting sabi ng emcee tsaka inabot naman niya sa akin ang kaniyang microphone. Nakarinig naman ako ng mga usap-usapan at hiyawan mula sa mga tao. "Uhmmm .." Napatikhim ako. "Magandang gabi sa lahat. Ako po pala si Mark Vasquez mula sa BSMT." sabi ko at naghiyawan na naman ulit ang mga tao at panigurado akong mga kaklase ko ang mga ito. "Maraming salamat po sa pagpili sa akin para maging King sa ball na ito." "Queen! Queen! Queen!" sigaw ng isang tao sa harap ko at sinabayan naman siya ng iba pa kaya nakagawa ito ng ingay. Nakakapagpapagabag naman itong sinisigaw nila. Queen? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Iyong mga tuhod at mga kamay ko ay nagsimula nang manginig at kasabay ng mga ito ay ang pagbilis pa lalo ng t***k ng aking puso. Napabuntong hininga nalang ako para pawiin itong nararamdaman ko ngayon at tumingin kay James. "Bago ko ipapakilala ang aking reyna, gusto ko munang handugan siya ng isang kanta." Nakagawa na naman ulit ng ingay ang sinabi kong iyon. "And this is me tonight uhmmm ..." napatikhim nang matapos ko ang isang linya ng kanta. Nakarinig ako ng mga pagtawa at paghalakhak ng mga tao sa aking harapan. Napakainit na talaga ng nararamdaman ko ngayon sa aking katawan lalung-lalo na sa aking mukha. Parang kahit anong segundo ay sasabog na ako. Kainis! Tumingin ako sa paligid at lahat ng mga mata ng tao nakatitig sa akin ngayon. Ano ba itong ginagawa ko? Tumingin ako kay James ulit at nilakasan ang aking loob. Kaya ko ito! Bumuga ako ng hangin sa kawalan para maibsan ang kabang nararamdaman at nagsimula na naman ulit akong humakbang pababa ng stage. "There's no more games and no more lies ..." Napatingin naman ako sa banda ng bigla nilang sinabayan ng tugtog ang aking pagkanta ng Without You ni AJ Rafael. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad habang kumakanta papunta sa kinaroroonan ni James. "And I know it's right ... 'Cause of the way you look into my eyes ... And when I hold you tight ... The worries disappear, I'm glad you're in my life ..." Tumigil ako sa harap ni James. "Hi." sabi ko sabay abot ng aking palad sa kaniya para kunin ang kaniyang kamay at dalhin siya sa stage. "Anong ginagawa mo?" bulong niya sa akin na may halong inis. Siguro ... nahihiya siya? Putek! Nahihiya rin ako pero nilulunok ko na ngayon ang pride ko. Inabot ko ulit sa kaniya ang aking kamay para hawakan niya at dalhin ko sa stage. "Sumama ka sa akin sa stage. Paghihintayin mo ba ako rito nang matagal?" seryosong tugon ko at nakaramdam ako nang biglang pagkatahimik sa paligid. Hindi ko alam naka-microphone pala ako.  Naptingin ako sa paligid at lahat ng atensiyon nila ay nasa amin ngayon. "Anong ginagawa niya?" "Siya ang queen? Bakla ba siya?" "Nakakahiya! Nawalan na tuloy ako ng gana." "Bro. Baka bakla ka rin ha? Sakalin kita diyan." Hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga naging usap-usapan at bulong-bulongan nila sa loob. Mas lalong uminit ang aking pakiramdam. Lahat ng atensiyon nasa amin na ngayon pero hindi ko lang iyon pinansin. Pinaghandaan ko ang sandaling ito at wala akong pakialam sa kung ano mang sasabihin nilang lahat tungkol sa amin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si James at maparamdam ko sa kaniya na hindi ko siya ikinakahiya ... na mahal ko siya. "Mark. Tigilan mo na ito." bulong niya sa akin. Imbis na tanggapin ang aking kamay ay nakatanggap ako ng sermon mula sa kaniya. "Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Hindi ka ba nahihiya?" aniya at akmang tatayo na sana ito ay hindi ko alam kung anong iniisip ko pero ... pero bigla nalang akong lumuhod sa harap niya kaya napaupo ito sa kaniyang upuan ulit. "M-Mark." "Wake ... up feel the air ... that I'm breathin' ..." mabagal na sambit ko sa lyrics ng kanta at hindi ko na napigilan ang aking sarili. Naramdaman ko nang namumuo ang aking mga luha sa aking mga mata. Nakatitig pa rin ako sa kaniya at siya rin sa akin at kung ano man ang mangyari ngayong gabi, masaya na ako na nagawa ko ang bagay na ito. " I can't explain this feeling that I'm feelin' ... I won't go .. another day .. without you ..." Hindi ko napigilan ang sariling hindi damdamin ang kanta kaya ang mga luhang namumuo sa aking mga mata ay nagsimula na silang nagsibagsakan. "Mark." bulong niya pero nagpatuloy lang ako. "Hold on ... I promise it gets brighter ... And when it rains ..." napabuntong hininga ako at napakagat sa aking labi dahil sa mas lalong bumibilis na pagbagsak ng aking mga luha. "I'll hold ... you even ... tighter ... woah!" napabuga ako ng hangin. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay James at hindi ko kakayanin na mawala siya ulit sa akin. "Mark! Sinabi ko ng tigilan mo na ito. Nakakahiya ka!" pabulong niyang sabi pero ramdam ko ang kaniyang galit kaya siguro, bigla itong tumayo sa kinatatayuan niya. Pinagmamasdan ko lang siyang humakbang palayo sa akin at habang patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha ay pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. "I won't go another day without you ... without you .. And I won't ... I won't go ... another ... day ... without ... you." saad ko habang patuloy na umiiyak at dahil naka-mikropono ako ay naririnig ko ang aking paghikbi mismo. Tumingin ako kay James at halos hindi ko na siya maaninag dahil napuno na ng luha ang aking mga mata. "James ... Mahal kita. Huwag mo naman akong iwan oh." pagmamakaawa ko sa kaniya pero tuluyan na niya akong tinalikuran at lumabas na ito ng kwarto. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Para akong kinain ng lupa at semento kung saan ako nakaluhod ngayon. Hindi ko na nakaya ang sakit na aking nararamdaman. Masyado nang sumisikip ang aking puso at parang paulit-ulit na tinusuk-tusok ng kung anong matalim na bagay. Napayuko nalang ako at napapansin ko ang mga luha kong bumabagsak sa sahig. Tuluyan na talaga niyang kinalimutan ang lahat. Umalis na siya. Iniwan na niya ako. Natalo ... natalo  na ako sa aking laban para sa kaniya. May 12, 2013. Dear diary, Bakit ganu'n? Ilang taon na ang lumipas sa amin ni Rex pero bakit ... bakit hindi ko pa rin makalimutan ang aming nakaraan? Masyado na akong naguguluhan ngayon. Bigla kong naalala ang nabasa ko sa kaniyang diary. Bakit ko pa ba ipagsisiksikan ang aking sarili sa isang taong may mahal nang iba o hindi pa tapos magmahal? Ayoko sanang sumuko pero kung sumuko na siya, may patutunguhan pa ba kung lalaban pa ako? Ang gabing inaasahan kong isang masayang gabi para sa aming dalawa ay isa palang gabi ng kahihiyan lang para sa akin. Pero hindi naman ako nabigo. Ang mahalaga  ay  napakita  ko sa kaniya at naparamdam na kaya  ko siyang  ipagsigawan sa  lahat. "Bro. Tumayo ka na diyan." sabi ng isang lalaki habang inalalayan akong tumayo. Hindi ko siya matignan. Hindi ko matignan ang lahat ng tao na nasa paligid. Pinahid ko ang aking mga luha at patuloy sa pagyuko. Pero kahit anong pahid ang gawin ko ay napapalitan lang ito ng mga panibagong luha. Iginiya ako ng lalaki pahakbang papunta sa hindi-ko-alam nang biglang may humawak sa aking kamay. Gusto kong isipin na isa ito sa mga taong gusto akong alalayan din gaya ng ginagawa ng isang lalaking ito pero itong kamay na nakahawak sa kamay ko ngayon ... ang init nito ay sa kaniya ko lang naramdaman. Dahan-dahan kong inikot ang aking ulo at tumingin sa kamay na nakahawak sa akin at nilakbay ko ito pataas, sa braso nito at sa halos magkapareho naming suot na damit at ang kaniyang pula ring maskara. "J-James." "Tayo na. Uuwi na tayo." sabi niya at bigla akong napangiti at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya nang sobrang higpit. Nawala na talaga sa isipan ko ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ko ay pra kaming nasa ulap ngayon at kaming dalawa lang. "Mark. Tayo na." bulong niya sa akin. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan nang sobrang higpit ang kaniyang kamay. Nagkatitigan kaming dalawa at  napatikhim ako. "Ladies and gentlemen." sabi ko sa mikropono habang direktang nakatingin sa mga mata ni James. "Anong ginagawa mo?" bulong niya sa akin. "Ipinapakilala ko sa inyong lahat ... ang taong nagpapasaya sa akin, ang taong mahal na mahal ko." Pinahawak ko ang mikropono sa lalaking kasama ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Napuno na naman ulit ng hiyawan ang buong kwarto. Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. "Matagal ko na sanang ginawa ito." Lumapit pa ako nang lumapit sa kaniya hanggang sa magkadikit na kami at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha hanggang sa nadampi ko na ang aking mga labi sa kaniyang mga labi. Mariin akong napapikit sa aking mga mata dahil gusto kong maramdaman ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi at napakasaya ko lalo nang maramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi para bigyang tugon ang aking mga halik. Binitawan ko ang kaniyang mga kamay at nilibot ko ito sa kaniyang batok. Habang patuloy ang aming paghahalikan ay abala naman ang aking mga kamay sa pagtanggal ng laso sa kaniyang maskara hanggang sa tuluyan ko nang magawa at maialis ito sa kaniyang mukha. Narinig ko ang pagkagulat ng mga tao sa loob pero wala na akong pakialam. Si James ang importante sa akin ngayon. Siya lang. Humiwalay ako sa aming paghahalikan at nakangiting nakatitig sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Mahal na mahal kita." "M-Mark." Napansin ko ang pamumuo ng kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. "Tayo na." nakangiting saad ko at dahan-dahan na akong tumatakbo palabas ng kwarto at sumunod naman siya habang hawak-hawak ko nang sobrang higpit ang kaniyang kamay. "Mr. Vasquez! Mr. Vasquez!" tawag ng emcee pero hindi ko lang siya pinakinggan. Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na kaming  makalabas. Hinahabol namin ang aming mga hininga nang nakarating na kami sa kotse niya. "Ayos ka lang?" tanong ko "Bakit mo ginawa iyon?" "Pwede ba sa condo nalang natin ito pag-usapan?" "Hindi. Hindi pwede. Magkikita kami ni Rex mamaya." "Rex na naman. Hindi ako papayag na guluhin niya pa tayo. Tayo na." seryosong sabi ko sabay kuha ng susi sa bulsa niya. "Anong ginaga ..." Binuksan ko ang kotse at agad pumasok sa loob at umupo sa front seat. Hindi naman kasi akong marunong magdrive at wala pa akong lisensiya. Nakangiti kong pinagmasdan siya hanggang sa makapasok siya sa loob. "Alam ko na lahat." sabi ko nang makaupo na ito. "Anong ibig mong ..." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil pinatahimik ko na ang kaniyang bibig ng aking halik. "Mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin kaya huwag na huwag mo nang gagawin iyon ulit. Huwag na huwag mo na akong iiwan, hmm?" saad ko pero natahimik lang siya at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. "Mark. Malinaw na sa atin ang lahat. Walang tayo. Simula pa lang walang ta ..." Hindi ko ulit siya pinatapos sa kaniyang sasabihin dahil idinampi ko ulit ang aking mga labi. "Kapag nagsisinungaling ka pa ulit, paulit-ulit kitang hahalikan. Gusto mo ba iyon?" "Pero hindi ko kasi naiintindihan eh." "Hmm ... kasinungalingan ba iyan?" nakangiting saad ko pero inirapan lang ako ng mga mata niya. "Sige na. Du'n na tayo sa condo mo." tugon ko at agad naman niya itong pinaandar. "Alam mo bang ito ang pinaka-nakakahiyang gabi sa buong buhay ko?" sabi ko habang bumabiyahe kami "Walang nag-utos sa iyo na gawin mo iyon." "Tama ka. Pero gusto kong gawin dahil gusto kong ipagsigawan sa lahat na ikaw ang taong mahal ko. Di ba iyon naman dapat ang ginagawa ng isang taong nagmamahal? Handa kang ipaglaban at ipagmalaki sa lahat? Mr. Diary Boy?" tukso ko sa kaniya at bigla nalang niyang hininto ang sasakyan sa gilid. "Anong ibig mong sabihin?" pagtataka niya "Alam ko na lahat. Alam kong nalulungkot ka at naguguluhan sa tunay kong nararamdaman para sa'yo kaya ka umiiwas ka sa akin para malaman ko kung ano ka talaga sa buhay ko. Ngayon, alam ko na at sigurado na ako." sabi ko. "Anong ... anong ibig sabihin mo sa diary?" "Huwag ka nang matakot na baka iiwan kita gaya ng ginawa ni Rex sa iyo noon. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Pinapangako ko sa'yo iyan." sabi ko habang nakatitig nang diretso sa kaniyang  mga mata. Dahan-dahan kong tinanggal ang seatbelt na suot ko at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. "M-Mark." "Nakakulong ka na sa puso ko, James kaya hindi na kita pakakawalan pa." saad ko tsaka dahan-dahan na idinampi ang aking mga labi sa kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD