Chapter 6 - The Kiss

2258 Words
"Good morning." mahinang ungol ... este bati ko kay James habang nakapikit pa rin ang aking mga mata sabay patong ng aking kaliwang binti sa kaniya. Sinubukan niyang alisin ito pero mas binigatan at hinigpitan ko pa ang pagpatong hanggang sa naramdaman ko nalang ang gising na gising niyang alaga sa ibaba. Ibinuka ko ang aking mga mata at tumingin sa alaga niya. "Good morning din, baby." natatawang  tugon ko. Siguro, gamit ang buong lakas niya ay naitulak niya ang binti ko hanggang sa naialis ito mula sa pagkakapatong sa kaniya. "Bumangon ka na nga diyan. Di ba may trabaho ka pa ngayon?" "Aaaaah!" ungol ko sabay inat ng aking katawan at napahikab na rin. Pinunas ko ang mga dumi sa aking mga mata at humarap sa kaniya. Nakatayo na ito at ang alaga niya. Hindi ko talaga maalis ang tingin ko du'n. Tumingin ako sa ibaba niya at napansin ko nalang ang pagka-umbok nito. "Ginahasa mo ba ako kagabi?" gulat na tanong ko sa kaniya at agad kong tinakpan ang aking pagkalalaki ng kumot na napansin ko ring medyo tumitigas na. Pero siyempre, biro lang iyon. Ganito naman talaga ito palagi tuwing umaga eh. Nahihirapan nga ako minsang i-shoot ang ihi ko sa bowl sa sobrang tigas at hindi ko maikontrol sa saang direksyong gusto ko. "Anong akala mo sa akin? Manyakis?" saad nito at agad naman akong inirapan ng kaniyang mga mata. Tinalikuran niya ako at pinagmasdan ko lang siya na nagtungo sa kusina. Na-offend ko kaya siya? Gusto ko lang naman kasi na maging komportable lang kami sa isa't-isa. "Hey!" tawag ko. "Galit ka ba? Huy! Biro lang naman iyon." pagpapaliwanag ko sa kaniya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Tumayo ako mula sa kama at inayos ko muna ang alaga kong nakatayo para hindi nakakailang tingnan. Lumapit ako sa kaniya nang biglang may nagdoorbell. "Nag-order ka na naman?" tanong ko "Wala." Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papuntang pintuan at dahan-dahan niya itong buksan. "James!" masiglang bati ni ... Rex? Ano na naman ang ginagawa nito ngayon? "Kumain ka na? May dala akong ..." Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang makita niya ako. Tinignan ko rin siya nang masama gaya nang pagtitig niya sa akin. "Anong ginagawa mo naman dito ha?" tanong nito na bakas ang pagtataka at galit. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" seryosong tugon ko. Lumapit ako sa kaniya at umakbay kay James. "Diba sinabihan ka na ni James na huwag ka nang magpapakita sa kaniya? Bingi ka ba o hindi ka nakakaintindi?" "Dito ka ba natulog?" tanong  niya "Oo. Hindi ba halata? Umalis ka na." Inalis ko ang pagkakaakbay kay James at sinisita ko siya palabas ng kwarto. "Bitawan mo ako." seryosong saad nito habang madiin na nakipagtitigan sa akin. "James." tawag niya sabay tulak sa akin. "Anong ibig sabihin nito?" dagdag niya "Rex. Umalis ka na." sita ni James "Pero James ..." "Please." "Narinig mo siya di ba? Umalis ka na." sabi ko sabay turo ng pintuan. "Huwag na huwag mo akong uutusan! Sino ka ba, ha? Boyfriend ka ba niya?" tanong niya. "Hindi. Kaibigan ko siya kaya umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas. Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo sa kaniya kahapon. Kaya umalis ka na bago pa ako tatawag ng security." galit na saad ko at buong lakas ko siyang hinila palabas ng kwarto. Nang mailabas ko na siya ay agad ko namang isinara ang pintuan. "Ano bang pinakain mo sa lalaking iyon at parang baliw na baliw sa iyo?" tanong ko kay James "James! James! Buksan mo ang pintuan!" pagsisigaw ni Rex habang hinahampas ang pintuan. "Tumawag ka na ng security." "Huwag na. Titigil din iyan." tugon nito sabay talikod sa akin. "Baliw iyan eh. Hindi titigil iyan kung hindi mo ipapakaladkad palabas ng building. Ipa-ban mo na iyan dito." sabi ko pero hindi pa rin  niya ako pinansin. Patuloy pa rin sa pagsisisigaw si Rex sa labas habang nagdadabog sa pintuan na siyang ikinainit na ng ulo ko dahil sa sobrang ingay. Kaya nakapagdesisyon na akong lumabas at harapin siya. Kwinelyuhan ko siya at hinila papuntang kwarto. Nakakahiya kasi sa mga kapitbahay. Ang aga-aga. Sinipa ko ang pintuan para magsara. Idinikit ko ang kaniyang katawan sa likod nito. "Ano bang problema mo ha?" galit na tanong ko habang nakatagis ang aking mga ngipin. Pero nakipagkompetensiya pa ito sa pataliman ng pagtitig sa akin. "Bitawan mo ako!" Bigla nalang niya akong itinulak kaya natanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. "Kung umasta ka parang boyfriend ka niya ha!" "Gusto mo talaga malaman ang totoo sa aming dalawa?" saad ko. Nilapitan ko si James na nakaupo sa kama at hinawakan ko siya sa kaniyang kamay. "Makisabay ka nalang." bulong ko kay James. Hinila ko siya papunta sa kinatatayuan ni Rex. "Nakita mo ito?" sabi ko sabay angat ng magkahawak na kamay naming dalawa. "Tama ka. Kami na. Boyfriend na niya ako kaya bago pa uminit ang ulo ko, umalis ka na." dagdag ko pero tanging halakhak lang ang kaniyang naging tugon. "Magkano ang hinuhuthot mo sa kaniya?" sigang sagot nito sa akin na siyang ikinainit pa lalo ng ulo ko. "Aba'y gago ka pala eh!" Gusto ko na sanang suntukin si Rex pero mas lalo pang hinigpitan ni James ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Dahan-dahan kong itinaas ang aking tingin hanggang sa nag-abot ang aming mga mata. "Babe. Huwag mo nang patulan. Sayang lang oras mo." nakangiting saad nito sa akin. Babe? Awkward nu'n ha! Biglang nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o dapat kong maramdaman pero alam kong kailangan ko lang siyang sabayan para hindi na manggugulo si Rex. Kailangan kong maging professional. Ngumiti ako at humiwalay ako sa pagkakahawak ko kay James at umakbay sa kaniya. Mas hinila ko pa siya palapit sa akin at hinigpitan pa ang pagkapit ko sa kaniyang balikat. "Pwede ba? Huwag na huwag mo na kaming guguluhin. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo dito." sita ko pero hindi ito gumagalaw. Nakipagtitigan lang ito sa akin. "Ayaw mong umalis? Sige." Inalis ko ang pagkakaakbay ko kay James at nagtungo sa side table ni James at hinawakan ang telepono. Pinindot ko ang number ng security. "Hello Chief Odi. May ipapakaladkad sana ako mula dito sa kwarto ni James. ... Oo. Nanggugulo. Kung kailangang dalhin sa istasyon ng pulis ga ..." "May oras ka rin sa akin. May oras ka rin." saad nito sabay turo sa akin at nagtagis ang mga ngipin. "Hindi pa tayo tapos, James. Hinding-hindi mo ako maipagpapalit." dagdag niya at pinagmasdan ko lang siyang lumabas ng pintuan at narinig ko nalang ang pagsara nito. Napabuga ako ng hangin sa kawalan at natawa. Hindi ko naman kasi tinawagan ang security. Ginawa ko lang iyon para umalis na siya. Loko pala itong lalaking 'to. Baliw na baliw yata kay James. Lumapit ako kay James. "Ayos ka lang?" pag-aalala ko sa kaniya at tumango lang ito. Pinagmasdan ko lang siya habang nagtungo papunta sa ref at may kinuhang tubig. Kumuha rin ito ng baso at naglagay ng tubig dito. "Salamat." tanging tugon nito bago uminom ng tubig. "Anong oras ka pala aalis? Di ba aasikasuhin mo pa ang pangtuition mo? "Oo. Mamayang hapon na siguro pagkatapos ng trabaho ko. Babalik ako sa admin para makiusap ulit. May kunti naman akong naipon dito kaya sana payagan nila ako." "Tungkol pala du'n sa kanina ... hmmm ..." "Boyfriend?" tanong ko at tumango lang ito. "Hindi ako nakapaghanda du'n ha pero ayos naman. Mukhang effective naman iyong ginawa natin. Naniwala kaya ang lokong iyon ... babe?" natatawang saad ko. "Loko. Sana nga." "Sinasaktan ka ba nu'n bukod sa kahapon?" "Sabi ko na sa'yo. Mabait si Rex. Iyong sugat ko sa bibig at pasa ko sa mukha ay dahil iyon sa pagkatumba ko nang masagasaan ako ng motor kahapon sa parking lot. Saktong dumating siya kaya ayun. Naabotan mo kami dito." "Sigurado ka? Eh bakit ..." Hinahayaan mo lang akong isipin ko na masama siya? "Gusto ko nang kumawala sa kaniya. Nakakairita na kasi." inis na saad niya "Okay. Ayos ka lang ba dito mag-isa?" "Oo. Tatawag lang ako sa security para hindi na papasukin iyon dito." "Maganda iyan. Parang wala na yata sa tamang pag-iisip iyon eh. Obsessed na obsessed sa iyo. Sigurado ka ba talagang hindi mo pa iyan pinatikim sa kaniya?" natatawang sabi ko sabay nguso sa alaga niya. "Loko. Virgin pa ito." natatawang saad nito. Pagkatapos kong maligo ay  nagtungo na ako sa carwash shop. Pagkatapos ng shift ko du'n ay nagtungo naman ako sa  CMall dahil nagjajanitor din ako du'n. Tumingin muna ako saglit sa relo ko at alas 5 na pala ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa admin namin. Sinagot naman ang tawag ko pero wala si Ms. Velasquez at bukas pa ito makakabalik sa opisina nito kaya hindi na ako nagpunta pa ng university. Alam ko na naman kasi kung anong sasabihin ng staff sa akin. Pagkatapos ko sa shift ko,  saktong alas 7 na ng gabi ay umuwi na ako sa condo. "James?" tawag ko sa kaniya sabay lapag ng hinubad kong sapatos sa shoe rack. Walang sumasagot kaya naglibot ako at nalaman ko nalang na naliligo pala siya. Naligo na rin ako pagkatapos niya at bumungad nalang sa akin ang mga pagkain sa mesa. "Fastfood na naman?" reklamo ko. Hindi dahil sa demanding ako pero kasi magkakasakit kami nito kung araw-araw nalang fastfood kinakain namin. "Sabi ko naman sa'yo na hindi ako marunong magluto. Kumain na tayo." Wala na akong magagawa. Kapag nakasweldo ako, ako na maggo-grocery ng mga gulay at ako na ang magluluto. Sinamahan ko na siya sa pagkain. "Kumustang lakad mo?" biglaang tanong niya. Tinapos ko muna ang pagkagat at paglunok ng fried chicken bago ko siya sagutin. "Tumawag ako sa opisina kung nandu'n ba si Ms. Velasquez pero wala pa rin eh. Bukas pa kaya balik nalang ako du'n bukas." "Ganu'n ba? Sana payagan ka nu'n. Sayang din. Hindi naman pwedeng hindi ka makagraduate ng dahil lang sa tuition fees mo." "Hayaan mo na. Gagawa ako ng paraan bukas. Makikiusap ako kay Ms. Velasquez." Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos. Hinugasan ko na ulit ang mga pinagkainan namin. Pumayag naman si James, mapilit ako eh. Ito nalang ang magagawa ko sa pagtira ko rito ng libre. Nang matapos na ako ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig paharap ng veranda. Sakto! Gusto kong uminom ngayon. Kumuha ako ng beer sa ref at binuksan. Dinala ko ito sa kaniya at tumabi. "Oh. Pampatulog lang." sabi ko sabay abot sa kaniya ng alak. Tinanggap naman niya ito. "Ano na ang plano mo ngayon? Kailangan mong makabayad para maka-take ng semi or else ..." Napabuntong-hininga nalang ako nang bigla niya itong isiningit sa aming pag-uusap. Paulit-ulit nalang niya itong tinatanong sa akin, ha! "Ewan." Nagkibit-balikat ako. "Pero kailangan kong makagraduate. Iyan ang pinangako ko sa mga magulang ko." tugon ko tsaka lumingon kay James na kanina pa palang nakatitig sa akin. Pinilit kong ngumiti para hindi na maging malungkot pa. Sa dami ba naman ng mga problema ko, nasanay na ako. Hindi ko na nga alam kung alin dito ang uunahin. Uminom ako ng alak at natigilan nalang ako sa kaniyang sinabi. "Tulungan na kita. Para saan pa ang pagkakaibigan natin? Alam mo naman na hindi kita kayang pabayaan lang." seryosong saad nito. "Naku! Huwag na, bro. Mahihirapan pa ako sa pagbayad sa iyo ngayon pero salamat ha? Alam ko namang nandiyan ka palagi para damayan ako eh. Kaya ang swerte ko na ikaw ang naging bestfriend ko." nakangiting saad ko sabay akbay sa kaniyang balikat gamit ang kanang braso ko. Hinila ko siya palapit sa akin tsaka uminom ng alak na hawak ng aking kaliwang kamay. "Pwede mo naman bayaran sa ibang paraan." tugon niya na siyang pinagtataka ko. Agad akong napahiwalay sa pagkakaakbay ko sa kaniya at kunot-noong napatingin sa kaniyang mukha. Ah, baka pagtatrabahuhin niya ako sa negosyo ng papa niya. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya nakasagot. Nagkatitigan lang kami nang ilang segundo hanggang sa iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin at uminom ng alak. Hindi ko na rin siya pinilit dahil bakas sa kaniyang mukha na parang wala na siyang planong kausapin pa ako. Uminom na rin ako ng alak hanggang sa naramdaman ko nalang na umusog siya nang kaunti palapit sa akin. Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya nang isang mukha na puno ng pagtataka dahil napakadiin ng kaniyang pagtingin sa aking mga mata na kanina pa hindi kumukurap. Dahan-dahan pa siyang umusog palapit sa akin hanggang sa magdikit na ang aming mga braso. "Bro. Ayos ka lang?" tanong ko. Hindi na naman niya ako sinagot. Nakipagtitigan na lang din ako sa kaniya hanggang sa dahan-dahan niyang mas inilapit pa ang kaniyang mukha sa akin at hindi ko naman iyon inintindi. Hindi na rin ako gumalaw. "Lasing ka na ba?" natatawang tanong ko pero ang ngiting kumurba sa aking mga bibig ay biglang napawi nang bigla niyang idampi ang kaniyang mga labi sa aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni James. Napakabilis ng pangyayari kaya hindi ko inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa akin. Naramdaman ko ang mga labi niya pero halos hindi rin gumagalaw ang kaniyang mga bibig dahil hindi ko magawang tumugon dito. Hindi ako makagalaw. Bigla akong naging estatwa. Napasulyap ako sa kaniya at nag-abot ang aming mga mata habang nakapaling o nakatagilid ang kaniyang ulo nang bahagya sa kaliwa. Ilang segundo ang lumipas ay humiwalay siya sa kaniyang paghalik at tumingin nang diretso sa aking mga mata. "Ito ang kabayaran na gusto ko, Mark. Gusto kita. Gustong-gusto." saad nito Parang biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung lasing na rin ba ako o dahil sa hindi ko napaghandaan ang nangyari sa gabing ito. Halos napipi na rin ako dahil sa kahirapan kong magbigkas na kahit isang salita. Paanong minahal niya ako eh apat na taon ... apat na taon naging magkaibigan kami at kahit isang beses, hindi kami nagkaroon ng malisya sa isa't isa. O ako lang? Malaki ang respeto ko sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman at sasabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD