"Anong oras ka pala nakauwi kagabi? Pasensiya hindi na kita nahintay. Nakatulog na ako." sabi ni James na busy sa paglilinis ng kwarto.
Ako naman ay nakaupo sa may kama sa harap ng drawer at nagtutupi sa mga nalabhan ko na na mga damit. Sinama ko na rin ang sa kaniya.
"Alas tres na yata." sabi ko sabay hikab na siya naman sigurong napansin niya.
"Tingnan mo nga iyang sarili mo sa salamin." tugon niya at agad ko naman siyang sinunod. Tumingin ako sa salamin na nasa harap ko.
"Gwapo?"
"Loko! Nangangayayat ka na."
"Ha? Wala namang nagbago ah." sabi ko sabay papaling-paling ko sa aking mukha sa lahat ng direksiyon du'n sa repleksyon ko para i-check ang aking mukha kong nangangayayat nga ba talaga ako.
Parang tama nga siya ha. Lumalaki na rin lalo eyebags ko.
Hindi naman kasi ako pwedeng huminto sa pagtatrabaho eh.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang atensiyon sa pagtutupi ng mga damit.
"Kung huminto ka nalang kaya sa pagtatrabaho mo." aniya
"Alam mo namang hindi pwede. Kailangan ko pa rin kumita ng pera para sa pang-araw araw na mga gastusin. Tsaka, pinag-iipunan ko rin ang pambayad ko sa pinautang mo."
"Ayan ka na naman eh!" Narinig ko ang bawat paghakbang niya papunta sa akin pero pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa hanggang sa napansin ko nalang siyang umupo sa tabi ko at tinulungan ako sa pagtutupi. "Diba sina ..."
"Hindi iyon libre. Utang iyon at kailangan ko iyong bayaran."
"Pero ...
"Huwag nang matigas ang ulo. Matigas na nga iyang ulo mo sa ibaba, pati ba naman ang ulo mo sa itaas?" sabi ko habang nakatingin ng una sa kaniyang alaga hanggang sa nilakbay ko ito paitaas papunta sa mukha niya at nag-abot ang aming mga mata.
"Hindi ka talaga tumatanggap ng galing sa akin nuh?"
"Hindi naman sa ganu'n. Ang akin lang ay ..." marunong naman ako dumiskarte sa buhay.
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla nalang niya akong niyakap. Nabigla ako du'n kaya ilang segundo din na hindi ako makagalaw pero kalaunan ay napayakap na rin ako sa kaniya.
"Salamat."
"Para saan?"
"Dahil pinatunayan mo sa akin na tama ka."
"Ha?" pagtataka kong tanong pero imbis na makakuha ako ng sagot mula sa kaniya ay humiwalay lang ito nang pagkakayakap sa akin at nginitian ako.
Pinagmasdan ko lang siyang tumatayo at nagtungo sa kusina.
"Huy! Hindi mo pa ako sinasagot!" tawag ko sa kaniya at napangiti nalang ako kahit wala man itong naging sagot.
Alam ko naman kasi ang ibig sabihin niya. Isa lang ang paulit-ulit kong ipinapangako sa kaniya.
Poprotektahan kita palagi at hindi ko hahayaang masaktan ka.
Hindi ako magsasawang gawin iyon sa kaniya.
Isang ordinaryong araw ang lumipas sa loob ng condo hanggang sa sumapit na ang gabi.
"Papasok na ako sa trabaho." paalam ko sa kaniya na nasa kama nakaupo at nagbabasa ng libro.
"Sige mag-ingat ka. Gusto mo sunduin kita mamaya?"
"Huwag na! Baka makatulog ka na kakahintay sa akin. Cute mo pa naman matulog." nakangiting saad ko para tuksuhin siya.
"H-Ha?" gulat niyang tanong pero bakas sa kaniyang mukha ang pamumula.
Nakangiti akong lumapit at pumantay sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang ulo. Pagkatapos ay tumayo na ulit ako at akmang pahakbang na sana ako patalikod sa kaniya ay naaninag ko ang gulat niyang reaksiyon.
"Ayos ka lang?" tanong ko pero hindi ito sumagot kaya kinaway ko ang aking kamay sa kaniya para makuha ang atensiyon nito.
"H-Ha?" Tumingin siya sa akin nang mabalik na siya sa kaniyang wisyo. " Sige. Ingat ka." nakangiting saad nito.
Ngumiti na rin ako sa kaniya tsaka tuluyang tumalikod na.
Nagtungo ako sa bar at napakadaming tao.
"Bro. Napakarami yatang tao ngayon. Weekdays naman. Anong meron kaya nuh?"
"Ewan. Baka may birthday yata?" natatawang sagot nito tsaka lumabas ng staff room. Nagbihis naman ako ng uniporme at nagtungo sa serving counter.
Pinagmamasdan ko ang paligid sa loob ng bar. Siguro nga tama siya. Halos magkakabarkada kasi naririto.
"Hi Jenny." magalang na bati ko sa aking katrabaho na napakaabala sa pag-aayos ng mga order.
"Hi Mark. Unahin mo na itong sa room ... 13 at tsaka ... 27." sabi niya sabay lapag ng mga resibo sa kani-kaniyang tray.
"Kopya." sabi ko at agad kong kinuha ang tray ng pulutan at isang bucket ng beer para sa number 13. "Balikan ko lang si 27."
Agad akong nagtungo sa mesa ng number 13.
"Hi mga ma'am. Ito na po ang order ninyo." magalang na bati ko sabay lapag ng kanilang mga orders. "May kulang pa po ba sa order, mga ma'am?"
"Actually ..." mapanuksong sabi ng isang babaeng halos kita na ang dibdib sabay mapang-akit na paghaplos-haplos sa aking braso. "... we're cold at gusto sana naming magpainit. Do you have that here?"
"H-Ha? Eh ..." Halos hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa sobrang pagbilis ng t***k ng aking puso. Nararamdaman ko na rin ang paggalaw ng bagay ko sa ibaba dahil sa kaniyang pang-aakit pero mabuti nalang, hindi ako nadala kaya umatras ako nang bahagya hanggang sa naitanggal na niya ang kaniyang palad mula sa aking braso.
"Pasensiya na po ma'am. Papahinaan ko nalang po ang aircon sa aming maintenance staff. Mauna na po ako." magalang na pamamaalam ko sa kanila tsaka tumalikod na sa kanila.
Mabilis akong nagtungo sa may serving counter para kunin iyong iba pang order at napabuntong hininga nalang ako pagkarating ko du'n.
"Oh. Ayos ka lang?Ang lalim nu'n ha." sabi ni Jenny na abala pa rin sa pag-aayos ng order.
"Oo. Iyong isang customer kasi ... sige na. Ihahatid ko na ito sa table 27." inis na saad ko.
Hinatid ko ang order sa table 27 at bumalik na ulit sa serving counter para maghatid pa ng ibang order. Hindi na ako nagtatagal pa sa table para maiwasan ang nangyari kanina. Mahirap na kung hindi ako makapagpigil sa tukso.
Lumipas ang mga oras at natapos na rin ang aking shift. Lumabas ako ng bar at nag-antay ng masasakyan. Bigla ko tuloy naalala si James. Sabi niya kasi kanina na susunduin niya ako pero wala naman siya. Paniguradong tulog na iyon. Natatawa nalang ako habang iniisip at rumerehistro sa akin ang natutulog niyang mukha.
"Hi." Nanlaki nalang ang aking mga mata nang makita ko ang 3 babae kanina na kasama nitong babaeng umaakit sa akin at lasing na lasing. "You wanna have some fun?" natatawang sabi niya na halos hindi na makapaglakad at ilang ihip lang ng hangin ay matutumba na ang mga ito.
Hinawakan ng dalawang babae ang aking mga kamay habang iyong isa naman ay nakaakbay sa akin.
"Halika na." saad niya habang hinihila nila ako pero nagmatigas ako.
"Mga ma'am. Pasensiya na po pero uuwi na po ako. Umuwi na rin po kayo kasi mga lasing na kayo eh."
"Hindi pa kami lasing! Di ba girls?" galit na sabi niya tapos sabay-sabay na naman silang nagtatawanan tatlo.
Jusko!
"Halikaaaa naaa."
Itinatabig at iwinawakli ko ang kanilang mga kamay paalis sa aking katawan pero panay pa rin sila sa pagkapit at paghila sa akin.
"Maam, pasensiya na po talaga pero ..."
"Huy!"
Agad akong natigilan nang may sumigaw na lalaki na pakiwari ko'y galing sa aking likuran kaya nang pagkalingon ko ay nahila ko ang dalawa at napayakap sila sa akin dahil na rin siguro sa hindi na nila makontrol ang kanilang mga katawan.
"Hayop ka! Nilalandi mo mga girlfriend namin!" Gusto kong kumawala sa mga babaeng ito para magpaliwanag sa kanila pero huli na ang lahat dahil mabilis na lumapat ang kanilang mga kamao sa pisngi ko kaya nang mawalan ako ng balanse ay natumba silang tatlo. Napatingin ako sa kanila at tumatawa lang ang mga ito.
Bwesit!
"Nagkakamali kayo. Sila ang lumapit sa akin. Pumapara lang ako ng ..."
Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko kasi naabutan na naman ako ng suntok ng isang lalaki.
"Hayop ka! Eh kitang-kita namin ang paglalandi mo!" sigaw ng isang lalaking may malaking katawan. Nagji-gym siguro ito.
"Bro. Hindi ko sila mahanap sa loob ."
Napalingon ako sa biglang nagsalita.
Rex? Magkaibigan sila?
"Nandito lang sila at nilalandi ng lalaking ito!" galit na sabi ng lalaking nakasuot ng itim na sumbrero at akmang susuntukin na sana ulit ako ay pinigilan siya ni Rex.
Nag-abot ang mga mata naman ni Rex at hindi ko mapigilang magtiim ng aking mga palad at ngipin.
"Tama na. Lasing na mga girlfriend ninyo. Iuwi na natin sila." sabi ni Rex
Kwinelyuhan ako ng lalaki at bakas sa kaniyang mukha ang sobrang galit at ang mga mata nito'y nag-aapoy.
"Huwag na huwag ka ng lalapit sa girlfriend ko baka hindi lang ito ang aabutin mo. Kung manghuhuthot ka ng pera, huwag na huwag mong lalandiin girlfriend ko. Pumatol ka ng ibang mga pokpok diyan!"
Hindi na ako nakapagpigil at naisuntok ko sa kaniya ang kamaong kanina pa nakakuyom sabay tulak sa kaniya dahilan para matumba ito.
"Hayop ka! Iyang girlfriend mo ang malandi kaya huwag na huwag mo akong tatakutin! Itali mo iyan sa bayag mo!" galit na sabi ko sabay sipa sa lupa at pinulot ang aking bag.
Tumalikod na ako sa kanila at nakailang hakbang pa lang ako ay nabalibag na ang katawan ko at nakaramdam nalang ng kamao sa aking pisngi.
"Aaah!" ungol ko nang sinuntok na naman niya ako sa aking tiyan.
Akmang susuntukin na rin sana ulit ako ng lalaki nang napigilan siya ni Rex.
"Tama na. Iuwi niyo na mga girlfriend ninyo." seryosong saad nito.
Sinubukan niya akong alalayan sa pag-ayos ng tayo ko pero itinabig at iwinakli ko lang ang kaniyang mga kamay.
Hindi ko kailangan ng tulong mo!
Dahan-dahan kong pinulot ang aking bag at tumalikod na sa kanila. Pahakbang na sana ako palayo sa kanila nang biglang may humintong kotse sa harap ko na pamilyar.
"Sakay na."
J-James?
Napansin ko ang pagtingin ni James sa aking likuran. Bahagya akong napalingon at si Rex ang aking nakita. Agad na akong pumasok sa kotse.
Sinimulan na niyang paandarin ang kotse agad at hindi pa rin mawala-wala sa akin ang galit na nararamdaman ko sa mga lalaking iyon.
"Ayos ka lang?" biglang tanong niya
"Kaya naman pala basagulero iyong Rex na iyon eh kasi ganu'n din ang mga barkada niya." panggagalaiti sa galit na tugon ko.
"Hindi ganu'n si Rex."
"Ipagtatanggol mo na naman ba ang lalaking iyon? Walang kwenta iyon eh. Huwag na huwag ka nang lalapit sa kaniya. Mapapahamak ka lang."
"Hindi niya ako kayang saktan." saad nito at napatawa nalang ako.
Lumingon ako sa kaniya na pasulyap-sulyap sa pwesto ko.
"Aminin mo nga sa akin, James. Mahal mo pa ba ang ex mong iyon? Ang gagong iyon?"
"Ano na naman iyang pinagsasabi mo? Wala na kami. Matagal na."
"Talaga ba? Pakiramdam ko kasi ay may gusto ka pa sa kaniya." inis na saad ko.
"Matulog ka nalang diyan para kumalma. Gisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa condo." aniya at napabuntong hininga nalang ako.
"Palibhasa kasi hindi nila kayang bantayan ang kanilang mga nobya kaya kani-kanino nalang lumalandi."
"Wala namang lumalandi kung walang magpapalandi." aniya at nakuha nito ang aking atensiyon kaya napalingon ako sa kaniya agad.
Biglang nag-init ang aking tainga sa aking narinig.
"Anong sabi mo?"
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." saad nito at napatawa nalang ako.
"Pareho lang pala ang tingin niyo sa akin eh. Akala mo ba nagpapalandi ako o nilalandi ko sila para ... sa pera?" nakangiting saad ko sa dalawang huling salita.
Pare-pareho lang pala ang tingin ng lahat sa akin. Mas lalong uminit ang dugo at ulo ko.
"Alam mong hindi totoo iyan, Mark." depensa niya at nagbuntong hininga nalang ako.
Napakagat ako sa aking hinlalaking daliri habang nakatingin sa gilid ng kalsada para iwasang makipag-argumento pa sa kaniya. Iniwasan ko na at baka kung ano pa ang masabi kong hindi maganda.
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa condo at makapasok na kami sa kwarto.
Agad akong nagtungo sa kama at itinaob ang aking sarili dito.
"Mark." tawag niya sa akin
"Matutulog na ako." saad ko. Wala na akong ganang makipag-argumento pa.
Naramdaman ko ang paghiga niya sa kama.
"Kahit kailan, hindi kita pag-iisipan nang ganu'n. Alam kong napakaraming oportunidad para gawin mo iyon pero hindi mo ginawa." saad niya at ipinaling ko ang aking ulo para humarap ako sa kaniya
"Hindi ako manggagamit, James at kailanman, wala akong intensiyon na gamitin ka o perahan ka o kahit na sinong tao."
"Alam ko. Alam ko." kalmadong saad nito at napangiti nalang ako.
Pinagmasdan ko lang siyang tumayo at pagbalik niya sa kama ay may bitbit na itong first aid kit.
"Humiga ka rito." aniya sabay turo ng kaniyang hita at sumunod naman ako.
Tanaw ko ngayon ang mukha ni James na napakaseryoso.
"Huwag kang malikot." saad niya sabay lagay ng ointment sa aking sugat.
"James."
"Oh?" sagot niya habang patuloy pa rin sa paggamot sa akin.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at tinitigan lang siya.
"May dumi ba sa mukha ko?" pagtataka niya.
Dahan-dahan akong bumangon at umupo nang maayos tsaka siya niyakap nang sobrang higpit.
"Mark." mahinang bulong niya. "May problema ba?"
"Sssssh. Manatili lang tayo sa ganitong posisyon nang walang sinasabi. Gusto lang kitang yakapin."
"Okay." aniya at niyakap na rin niya ako pabalik.
Naramdaman ko ang pamumuo ng aking mga luha pero pinipigilan ko lang ang aking sarili.
Ako na yata ang pinakaswerteng marino sa buong mundo.